Naghihikab ako habang naglalakad sa campus ng school, buti nalang medyo maganda ang pakiramdam ko kahit na parang binugbug ang katawan ko ng isang dosenang adik kagabe. Tsk. Hindi ko maisip na ganoon ka dumi at kakalat ang condo ni Knight, what I mean is hindi halata sa itsura at pananamit nya. O baka sinadya lang nyang maging ganoon ang ayos ng condo nya para mahirapan ako sa paglilinis?
I just shrugged my shoulders, papalapit na ako sa room pero nakapagtataka yatang wala masyadong studyante ngayon. Anong meron? Nakarinig ako ng mga tawa sa loob ng room namin, mabuti naman at may kaklase na ako. "Wengya! Kasama daw nila mamaya mga chicks nila." Boses ni Kent ang narinig ko, ilang hakbang nalang at makakapasok na ako sa room namin. At ng makapasok ako ay awtomatikong napalingon silang lahat sa direksyon ko.
"Good morning, Stephanie!" Bati nila sa akin maliban sa boss ko na prente lang na nakaupo sa seat nya. Tumango nalang ako at dumiretso na sa tabi ng boss ko kung saan ang permanent seat ko. Tumikhim siya ng nakaupo na ako, nag-uusap silang apat ni Kent, Keyrha, Kendra at Drew. "Magandang umaga, Maid." Tsk! Kina career nya talaga ang pagtawag sa akin ng Maid, ano? Napaismid ako at sumagot sa kanya.
"Magandang umaga." Matipid kong sagot sa kanya mahirap na at baka magsungit na naman siya at baka hindi ako makapagtimpi kung ganoon. Nakita kung tumayo silang lima kaya kumunot ang noo ko, ngumiti sa akin si Kendra. Sa kanilang kambal si Kendra ang pinakamabait, si Keyrha kasi may pagkamasungit pero mabait din naman siya basta wag lang masira ang mood nya.
"Hali na nga kayo, papunta na sila." Sabi ni Drew at umakbay kay Kendra, saan naman sila pupunta? Umupo nalang ako. Wala bang pasok? Naglakad na sila palabas, napasimangot ako. Hindi naman yata na mention na walang pasok ngayon ah? Tss. Edi sana nagpahinga nalang ako sa bahay ko. "Why are you still here?" I almost jump, what the f**k? Nagulat ako, akala ko ako nalang mag-isa sa room, Geez! Nandito pa pala to? Sinamaan ko siya ng tingin.
"Pfft." Nagipigil siya ng tawa, sa inis ko ay itinapon ko ang libro na nasa upuan nya kanina. Bwesit! "Hey! Hey!" Umiiwas nyang sabi sa pagtapon ko ng libro sa kanya, sinamaan ko siya ng tingin. "Wag mo akong bweni-bwesit!" Tumawa siya ng mahina.
"I'm sorry, okay? It's not my intention. Halika ka na nga." Hinigit nya ang kamay ko, bakit ba palagi ganito? s*******n dapat para sumama sa kanya? Hindi ko alam kung saan kami pupunta, pero I'm sure na hindi kami lalabas ng campus. Nalagpasan na namin ang Garden. "Saan tayo?" Takang tanong ko pero hindi siya sumagot kaya tumahimik nalang din ako. Maya-maya pa ay nakarating kami sa isang Green House, meron pala nyan dito?
"Welcome to our safe haven!" Masiglang sabi ni Kendra pagkarating namin, inalalayan naman ako ni Knight na maupo. Inilibot ko ang paningin ko, ang ganda rito. Mas maganda pa sa Garden. "How was it?" Tanong nya sa akin, nakaupo na pala siya sa tabi ko. "Ang ganda." I said, napaka peaceful ng lugar at ang ganda sa paningin ng mga bulaklak sa paligid. Pati na ng mga ilang puno sa paligid.
"Akala ko ba papunta na ang mga 'yon? Bakit wala pa sila?" Iritang sabi ni Keyrha na nakaupo sa tabi ni Kent. "Easy Swettie, baka may binili lang." Malambing na sabi ni Kent na ikinatahimik nya. "Bakit tayo nandito? At teka, wala ba tayong pasok?" Pagtatanong ko kay Knight, umiling siya sa akin. "Wala, may urgent meeting kasi ang Prof natin And we are here to meet my other 2 friends with their nililigawan. Kilala mo naman na sila siguro? 'Yong sa Lave Caffee." Napatango nalang ako.
Kilala ko na ang dalawa pa nilang kaibigan nong nagtatrabaho pa ako sa LC, but I don't know their names though. "Oh ayan na pala sila eh!" Napalingon kami sa paparating, nakangiti silang dalawa, ang mga kaibigan ni Knight. Habang may kasama naman silang dalawang babae na nag-uusap, parang sobrang close nilang dalawa. Nanigas yata ako sa kinauupuan ko.
"Dude! Sorry na late!" Sabi ng isa nilang kaibigan, napakamot pa ito sa batok nila. Nakatingin ako sa malayo, nakikinig lang ako sa kanilang pag-uusap. Parang may malaking bato na bumara sa lalamunan ko. "Naglakwatsa lang yata kayong dalawa ni Gian eh!" Humalakhak pa sila.
"Ang tagal tagal nyo Andrew! Tsk." Reklamo ni Keyrha, namamawis ang kamay ko. I tried to calm myself, hindi ako makatingin sa kanila. Ang saya-saya nilang lahat, nagtatawanan. Mukhang kilala narin naman nila ang dalawang babae. "Oh ito na sila oh, si Alisson at si Alice. Syempre akin si Alice." Masayang pagkakakilala ni Gian sa dalawa, nakatalikod pala ako sa kanila. Mukhang hindi pa ako napapansin, aalis nalang siguro agad ako.
"Iyo agad? Nililigawan palang eh. Wag mo yang sagutin, Alice. Maloko yan!" Sabi ni Kendra na ikinatawa nilang lahat, "Wag kang maniwala sa kanya Alice, wengya! Kendra naman eh!" Pagmamaktol ni Gian. "Hello, nice to meet you. Once again ako si Alice, it's been a long time since we last met. Busy kami eh." Sabi nya. Yeah. It's been a long long time. Very long time, napangiti ako ng mapait. "Oo nga naman, mabuti nalang at may urgent meeting ang mga Prof natin." Salita ng isa pang tinig.
I sighed. Sumakit yata ang dibdib ko. Tangina! Akala ko wala na. I sighed again, kalma lang Steph. Kaya mo yan, kalma lang. Pagsasabi ko sa sarili ko. "Musta buhay nyo bilang mga accountant students? Masakit sa ulo! Nako!" Boses naman ni Kendra, "Namiss ko kayo, Tol. Bonding tayo mamaya." Masayang sabi ni Kent na ikinasang-ayon naman ng lahat. Kapag aalis na sila don nalang ako hihiwalay.
"Before I forgot." Boses naman ni Knight ang narinig ko, malayo parin ang tingin ko. Gusto ko na talagang umalis sa lugar na ito, masyado na yatang masikip. Parang hindi ako makahinga, "Are you okay?" Isang nag-aalalang mukha ang tumambad sa akin, nasa harapan ko na pala siya. Tumango ako sa kanya. "C'mon, ipapakilala kita sa kanila." Tumango ulit ako, parang ayaw ko talagang magsalita. Masakit sa lalamunan, I sighed. Tumayo na ako, nagtatawanan sila.
Nagtama ang paningin namin, nanlaki ang mga mata nila. "This is Stephanie Nicole Montenegro, you can call her Stephanie. Not Nicole, okay?" Pagpapakilala nya sa akin, tahimik lang ako. Ganoon din sila, para silang nakakita ng multo. Multo ng nakaraan na nagbalik sa kasalukuyan ng hindi inaasahan. "Sus! Siya lang kasi ang pwede sa Nicole, kaya Stephanie lang tayo okay ba yon guys? Possessive kamo, hmmp."
"Tell me something I don't know." Hindi ko na masyadong pinansin ang sinabi ni Keyrha at Kent. Narinig ko silang tumawa. "Hi miss Steph, I'm Anthony! Ikaw ang magandang babae sa Caffee, nice to meet you here! Dito karin pala nag-aaral, nice!" Masayang pagpapakilala nya, "Ikaw nga yon! Ako naman si Gian, nice meeting you!" Masaya rin nyang pagpapakilala, inilahad nila ang kamay nilang dalawa. Tinapik naman ni Knight ang kamay nilang dalawa.
"Wengya! Kakamay lang eh! May Alice na ako uy!" Agad namang namula ang Alice, "Possessive talaga! This is Alisson, siya ang nililigawan ko. Siya naman si Alice, kay Gian daw." Tumango ako, hinahanap ko pa ang boses ko. Parang nabaun na kasi eh. "Pwede na siguro si Ali at Alice makipag-shake hands kay Steph?" Pagtatanong ni Kendra kay Knight, "Tss. Oo na." Napipilitan nyang sabi.
"Steph." Mahina nilang sambit sa pangalan ko, na sabay. Curiosity hits them, including Knight. "Magkakilala na kayo?" Medyo sabay nilang sabi, magsasalita na sana sila Alisson at Alice ng maunahan ko sila. "Oo, ngayon lang. I've never heard them not until today." Casual kong sabi, I can saw many emotions written all over Alisson and Alice's faces. Hindi ko lang pinansin.
"T-tama, ako nga pala si A-alisson."
"I'm A-alice."
Pagpapakilala nilang dalawa, walang emosyon ang mukha ko. Tumango ako, inilahad nila ang kamay nila. Tiningnan ko lang ito, nahihiyang binawi nila ito agad. Napahiya. I know and I don't want to be mean. Pero kung yon ang kinalabasan, so be it. I don't care though. "Uhm, ano mo si Knight? Kaibigan din?" Tanong ni Anthony, "Hindi, maid nya ako." Walang preno kung sagot, which is true. Maid nya lang ako.
Lets face the reality, hindi ko siya kaibigan o kung ano man. I am just his maid. Napangiwi ito sa sinabi ko, napamaang sila Alisson at Alice sa sinabi ko. Napataas ang kilay ko, what for? Masama maging Maid ng kaibigan nila? Tumikhim si Knight sa gilid ko, "What are you saying?" Mahina nyang tanong, "Ang totoo." Walang gana kong sagot.
Umupo na ulit kami sa pwesto namin, nasa tapat ko ang mga bagong dating. Nakatingin ang dalawang babae sa akin, ramdam na ramdam ko yon kahit na hindi ako nakatingin sa kanila. Nang magtama ang mata namin ay kusa silang nag-iwas ng tingin, "Hey. Kanina kapa tahimik." Puna ng boss ko, walang emosyon ang mukha ko. Kaya ng nilingon ko siya ay bahagya pa siyang nagulat. "Are you okay?" Pagtatanong nya ulit, gusto ko mang sabihin ang totoo kong nararamdaman ay hindi ko magawa. Minsan na nyang nakita ang ibang side ko at ayaw ko ng malaman nya ang mga nararamdaman ko sa mga bagay bagay.
Hindi ko rin naman siya ka ano-ano kaya mas mabuti na ang ganito hindi ko rin naman siya tinatanong sa mga nararamdaman nya kaya patas lang kami. "I'm fine." Mahina kong sagot at napatingin sa mga bulaklak sa paligid, "Alam kong hindi, why are you keep on denying?" Masaya lang ang ibang nag-uusap, parang miss na miss nga talaga nila ang isa't-isa. They are enjoying each others company.
"Tinanong mo ako, sinagot ko. Ngayon sinagot ko na ang tanong mo hindi ka naman naniniwala. Ikaw ba ako at mas alam mo pa ang nararamdaman ko kesa sa akin?" Pagtataray ko para naman hindi nya masyadong mahalata na tama nga siya sa sinabi nya, inirapan ko siya. Pamatay na irap. Bahala nga siya, hanggang salita lang naman siya eh. Wala naman siya sigurong gagawing masama sa akin kasi inirapan ko siya, dba?
"Now nagtataray kana. Tsk. Naninigurado lang naman po ako na kung okay ka lang ba talaga." Mahina nyang sabi. "May dalaw kaba ngayon at ang sungit sungit mo? O araw-araw ka may dalaw?" Napailing pa siya pagkatapos nyang magsalita, I glared at him. Hindi naman yata magandang tanong nyan. "Hindi tinatanong ang mga ganyang bagay, Mister. Privacy, please." Irita kong sabi.
"Hoy Ellaii! Kulang nalang at ibahay mo na yang si Steph ah! Lumayo-layo ka nga ng konti sa kanya!" Masungit na sabi ni Keyrha, ngumisi si Knight sa kanya. "Why not?" Nanlaki ang mga mata nila including mine. Siniko ko siya at napadaing naman ito sa sakit, sinigurado ko talagang masakit yon. Masakit sa pandinig ang lumalabas sa bunganga nya. "Woah! Hanep! Ano kayo? Maglalaro ng bahay-bahayan?" Pagtatanong ni Anthony. Ngumisi ulit si Knight.
"Isang salita pa galing sayo na hindi maganda, makakatikim ka na talaga sa akin!" Pagbabanta ko, inilapit nya ang mukha nya sa akin. "Nang isang kiss?" Pilyo nyang sabi, biglang uminit ang mukha ko. "Gago!" Sabay tulak ng mukha nya papalayo, napahagalpak naman ng tawa sila maliban kay Alisson at Alice na nakangiti lang. Mukhang na-aaliw sa amin. "Ang s*****a mo!" Reklamo nya habang sapo-sapo ang mukha nya.
"Maid pala huh." Nakangising sabi ni Drew, umakbay naman sa akin si Knight. "Ano ba, kunin mo nga yan!" Hindi nya ako pinansin bagkus ay nakipag-usap na siya sa mga kaibigan nya. Napailing nalang ako, ngumiti sa akin sila Kendra at Keyrha na para bang nasisiyahan. May ibang kislap ang mga mata nila, palagi ko itong nakikita sa kanila kapag parang aso't pusa kami ni Knight. Na sa bandang huli ay palaging may sweet gesture si Knight na ginagawa sa akin, wala siyang pakialam sa sasabihin ng iba tungkol sa amin.
Maya-maya pa ay bumaba na ang kamay nya sa bewang ko, nakikipagtawanan parin siya sa mga kaibigan nya. Pilit kong kinukuha ang kamay nya pero binabalik nya lang ito agad, napabuntong hininga ako. Kung ano man ang motibo nya sa akin ay dapat ko ng malaman ngayon palang, kung ginagawa nya ba akong isa sa mga babae nya o isang laruan sa paningin nya. Nagkayayaan na silang mag Mall, buong araw na raw walang pasok.
"Uwi na ako." Pagpapaalam ko kay Knight, nakuha ko ang atensyon nya. "No, sasama ka sa amin. We will be having our lunch and after that bonding time na namin." Umiling ako, kaya nga mas lalong dapat na akong umalis dahil oras nila ito. Bonding nila. Sila lang, walang ako. "Hindi na. Sinabi mo nga bonding nyo ito, hindi dapat ako kasama sa inyo. Extra baggage lang ako." Kibit balikat ko. Nag-igting ang panga nya.
"Kahit kailan hindi ko inisip na extra baggage ka para sa amin. They are treating you as one of their friends, at kailan man hindi ka magiging extra baggage para sa akin." Mariin nyang sabi sa akin. Nag-iwas ako ng tingin kasi iba ang nakikita kong emosyon sa mga mata nya bawat salita na lumalabas sa bibig nya. I bit my lower lip. "Stop that." Nag-iwas siya ng tingin.
"Ang hirap magpigil. Geez!" Mahinang sabi nya, halos dumugo ang ibabang labi ko sa ginagawa ko. s**t!
Buong byahe ay tahimik lang ako, kung tatanungin lang nila ako sasagot. Wala rin naman akong sasabihin eh, at sa buong byahe ay nakapulupot lang ang kamay ni Knight sa bewang ko. May iba akong nararamdaman, pilit ko mang wag pansinin pero sa kaloob-looban ko alam ko kung ano iyon at natatakot ako sa kalalabasab nito sa huli.
"What do you want?" Tanong ni Knight sa akin, nandito kami ngayon sa isang mamahaling Restaurant. Nahihiya ako sa kanila, wala dapat ako rito eh. "Alis nalang ako, sa bahay nalang ako kakain." Sabi ko, sinamaan nya lang ako ng tingin. "Wag kang makulit, Nicole! You are coming with us no matter what!" Siya nalang ang nag-order para sa akin kasi wala talaga akong balak mag-order. "Buti naman at hindi na kaliwat kanan ang babae mo Ellaii." Ani Gian, sumang-ayon naman ang iba. Bago siya sumagot ay tumingin pa siya sa akin, parang may hinahanap. Tumahimik lang ako.
"Yeah. But I still have my woman, for real." Ngumiti siya ng makahulugan, wala akong paki-alam kung sino man yon. Tsk. "Name her, gusto kong ma meet ang nakakuha ng puso ng isang Ellaii Knight Montello." Sabi naman ni Anthony, curiosity hit them, except kina Kent na para bang kilala na nila. "You know her, matagal na." Another revelation. Nawalan na talaga ako ng gana, lumukot yata ang mukha ko. Gusto ko ng umuwi. "Talaga? Sino? Sabihin mo na!" Excited na sabi ni Anthony, tumawa lang si Knight. Pinatong ni Knight ang braso nya sa likod ng inuupuan ko.
"Ask them. I don't want to mention names." He flashed a grin. He pointed Kent and Drew, ngumiti lang sila Key at Kendra. Tumayo naman sina Gian at Anthony, may binulong si Kent at Drew sa kanila. "Seryoso?" Sabay na tanong nila Gian, tumango lang sila Kent. "Alam nya?" Umiling kaagad si Knight. I sighed. Bakit ang tagal ng order nila? "Soon, she will know it. I'm taking it slowly." Nakangiti nyang sabi. Napasandal ako sa upuan ko, nakatingin sa labas. Nilalaro ko nalang ang kamay ko.
"H-hoy!" Nauutal kong sabi. Geez! Sinandal ni Knight ang baba nya sa balikat ko, hinahaplos nya ang buhok ko at inaamoy-amoy. Pasimple kong tiningnan ang mga kaibigan nya, nag-uusap lang silang lahat. Pero hindi nakaligtas ang apat na mata ng babaeng bagong dating, si Alisson at Alice. Nag-iwas naman sila agad ng tingin. "You, you want to know the girl that I admire the most?" Napalunok ako ng ilang beses, ang lapit lapit ng mukha nya. Umatras ako pero nahawakan nya ang ulo ko. s**t! Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
"Hindi! At wala akong pakialam!" Giit ko. Remind me to give myself around of applause dahil hindi ako nautal. Nag-iwas agad ako ng tingin, halos lumabas na ang puso ko sa dibdib ko. Ang lakas lakas ng kabog ng dibdib ko, Geez. "Sabi mo eh. Maybe next time I will introduce her to you, Maid." Nakangiti nyang sabi. Nakahinga ako ng maluwag ng dumating na aming order nila.
Umupo na ng maayos si Knight at nag-umpisa na kaming kumain, hanggang ngayon ay ramdam ko parin ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
Wala naman akong pakialam sa babae nya. Tsk. Bakit nya pa ipapakilala sa akin?