Chapter Eleven

1430 Words
Tapos na ang klase namin at nag-uumpisa na akong magligpit ng mga gamit ko, hindi man ako lumingon ay ramdam na ramdam ko naman ang mga titig ng kamahalan/Boss sa akin pero pinabayaan ko nalang siya. "Ang bagal mo naman, o baka sinasadya mo talaga?" Inip nyang sabi, gusto ko sanang isagot na tama ang huli nitong sinabi. Binabagalan ko talaga ang bawat galaw ko kasi baka mainip ito at iwan nalang ako para hindi na ako makasama. Hindi ako nagsalita at nagliligpit parin, "Srsly? Isang ballpen, lapis at binder ay aabutin pa ng isang oras? Oh c'mon! Are you kidding me?" Napairap ako sa isipan ko, hindi ba nya nakukuha na ayaw ko ngang sumama kaya binabagalan ko? "Ginagago mo ba ako, huh?" Nilingon ko na siya at tinaasan ng kilay, "Problema mo?" Balewala kong sabi, napanganga ito at marahas na hinablot ang bag ko na maliit na kasya lang ang tatlong bagay sa loob, none other than ballpen, lapis at binder. Isinilid nya ang tatlong bagay na binanggit nya at hinigit ang palapulsuhan ko, "Ano ba, Knight? Bitawan mo nga ako!" Nagpupumiglas ako pero ayaw nya akong bitawan, parang wala lang siyang narinig at kinakaladkad nya ako papunta sa parking lot kung saan nakapark ang mamahalin nyang kotse. "Bwesit!" Mahinang mura ko na ikinalingon nya, "How many times do I have to tell you that you need to stop from cussing, Lady? Are you testing me? Or would you like me to shut that mouth in my way?" Nanlaki ang mga mata ko sa huli nyang sinabi. Gago talaga. Gusto ko sana siyang irapan pero pinigil ko ang sarili ko, baka maging dragon na ito. "Pag siya pwede, pag ako hindi? Asan ang hustisya?" Mahina kong reklamo, nakatitig pala ito sa akin. "Nagrereklamo ka?" Tumaas ang kilay nya, parang bakla talaga. May pataas taas pa ng kilay na nalalaman! Tsk! "Wala po kamahalan." Ngumisi naman siya sa akin na ikina-irita ko. Oh boy! I rolled my eyes, sa isip ko lang. "Okay. Lets go then." Hinila nya na naman ako habang bitbit ng isa nyang kamay ang bag ko na maliit. Nagpahila naman ako, maraming matang nakasunod sa amin ni Knight. Hindi ko nalang pinansin. Nang makapasok kami sa kotse nya ay agad nya na itong pinaandar, deritso lang ang tingin nya sa kalsada. Mas mabuti ngang hindi nya ako kinakausap para walang maingay pero hindi ko kasi alam kung bakit kailangan ko pang sumama sa kanya ngayon. Ano bang drama ng isang to? "Ask me now." Sinulyapan nya ako at balik na naman ang tingin sa kalsada, napataas ang kilay ko. Hindi naman ako nagsalita ah! "Ang dali mong basahin minsan, I know you want to ask. So ask now." Sabi ko nga, pwede na nyang pagkakitaan ang pagiging mind reader nya. Tsk. "Where are we going?" Naka red light kaya nilingon nya ako at napasimangot sa akin. "I told you, sa condo ko. Wag ka ngang malilimutin, nagpi-pills kaba?" Nakakunot ang noo nya, sa condo nya. Yon ang pinag-uusapan namin kanina bago ako nag walk out. Tss. Napaismid ako sa kanya. Buti nalang at hindi siya nakatingin sa akin kasi naka green na ang light. "Bakit naman? Bakit kasama ako?" Nagtataka kong tanong, ano naman kasi ang gagawin ko doon? Nakatingin lang ako sa kanya, salubong ang kilay nya. Seryoso siyang nakatingin sa kalsada, "Ano ba kita?" Ayan na naman kami na obviously ay alam na naman nya ang sagot. "Paulit-ulit! Maid nga!" Inis kong sagot sa kanya, gusto kong sipain ang kotse nya dahil sa inis. "Anong ginagawa ng mga maid?" Urgh! This is frustating! Magde-define ba ako ng mga words sa kanya? Question ang answer? Bwesit lang talaga! "Utusan, do cleaning and such! Simpleng tanong lang eh ayaw pang sagutin ng maayos!" Reklamo ko sa kanya, I saw him grinned while looking at the road. "Then that's the answer to your question, you will clean my condo." Ngising aso ang ibinigay nya sa akin, isang mabilis na sulyap lang ang ginawa nya pero ang inis ko ay abot hanggang wilky way! "Chicken pie!" I smirked, nakuha nya naman agad ang sinabi ko. He smirked at me too. "Let see." Oh-oh! I smell trouble is coming, I rolled my eyes. Bahala nga siya. "I saw that." Wapakels! Tsk. After ng ilang minuto ay narating na kami sa isang malaki at mataas na gusali, ni park nya ang kotse nya at bumaba na kami. "Halika na." Nagpatiuna na siyang maglakad at sumunod naman na ako sa kanya, bawat area na madadaanan namin na may mga tao ay binabati siya. Kilala siya dito, ng mapadako ang tingin nila sa akin ay nagtataka ang mga mata nila. Ngayon lang naman kasi ako nakapunta dito kaya siguro nagtataka sila kung sino ako at kung bakit nakasunod ako kay Knight ngayon. Pagkasakay namin sa elevator ay pinindot nya ang 20th floor, isinandal ko muna ang likod ko. Tahimik lang kaming dalawa sa loob pero minsan nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin. Pagkarating namin sa 20th floor ay naglakad kami ng ilang minuto at maya-maya pa ay huminto siya sa isang puting pintuan, may card siyang ini-slide at bumukas ito. Amoy palang panlalaki na, nakapatay pa ang ilaw kaya ng binuksan nya ang ilaw at nanlalaki ang mga mata ko. Ngumisi lang siya sa akin, napasimangot naman ako. Matatapos ko ba ito ngayong gabe? Geez! Panigurado bagsak na bagsak ang katawan ko nito mamaya pagkauwi ko. "Malaki talaga kasalanan ko sayo no? Tsk." Nagkibitbalikat kang siya, "Wala naman. Maglinis kana." Tinalikuran na nya ako, nagbuntong hininga muna ako. Inilapag ko ang bag ko sa sofa nya. Inilibot ko muna ang tingin ko sa paligid, hinanap ko ang kitchen nya. Napamura ako ng mahina, kitchen pa ba to? Ang sala nya ang kalat kalat, habang ang kitchen nya naman ay may mga pinagkainan na hindi pa nahuhugasan. Itinali ko muna ang buhok ko at hinanap kung nasaan ang mga gamit nya pang linis, ng makita ko na ang mga hinahanap ko ay nag-umpisa na akong maghugas ng mga plates, utensils at iba pa. Naka isang oras siguro ako sa paghuhugas palang, inayos ko narin ang mga kagamitan sa kitchen nya. Pagkatapos ko sa kitchen ay iniligpit ko ang mga kalat sa paligid, tagaktak ang pawis ko sa noo at sa gilid ng mukha ko. Geez! Ang lagkit ko na. Nagwalis ako, mop at nilinis ang banyo nya. Pagkatapos ko sa lahat ng mga gawain, "Oh hell! I'm hella done!" Napasalampak ako sa sofa nya at napapikit, napatingin ako sa relo ko sa bisig. "Tatlong oras ako naglinis dito?" Napailing ako, tsk! Nasaan na ba ang lalaking yon? Simula ng naglinis ako ay hindi ko na siya nakita pa ah. Pumikit ulit ako, maya maya nalang ako uuwi. Geez! Nakakapagod. Nagising ako dahil nararamdaman kong may humahaplos sa buhok ko, sino ba to? Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at kumurap ng ilang beses. "Had a great sleep? You really look very tired." Mahinang sabi nya sa akin, nakaunan ang ulo ko sa hita nya. Napabangon agad ako at napahilamos. Geez! Baka tumulo pa laway ko at asarin na naman ako ng kutong lupang to. Pagkatingin ko sa relo ko, alas nuebe na pala ng gabi. Tsk. Tamayo na ako at kinuha ang bag ko sa gilid nya, "You're going home? Hatid na kita." Napailing ako, "I insist, gabi na. Baka mapano kapa sa daan mamaya kargo de konsensya ko pa." Tumayo na ito, ganon parin ang  suot nya kanina ng umuwi kami rito sa condo nya. "Lets go." Tumango na ako at sumunod na ako sa kanya. Habang papauwi sa bahay ko ay tahimik lang kaming dalawa, napapahikab pa ako. Geez! Ang sakit pala ng buong katawan ko. Hindi yata bahay ng matinong tao ang napauntahan at nilinis ko kanina eh. Parang jungle yun. Napahikab ulit ako at papikit-pikit na ang mga mata ko. "Nandito na tayo." Napamulat ako sa sinabi nya, nasa tapat na nga kami ng bahay ko. Tamad akong tumango sa kanya at bumaba na sa sasakyan nya. "Maid!" Tawag nya, wala na akong lakas para magsalita pa kaya nilingon ko nalang siya at hinintay kung ano ang sasabihin nya. "Thank you and sorry." Tumango nalang ulit ako at tumalikod na, hindi ko alam kung para saan ang sorry nya. Nang makapasok ako sa bahay ay yon palang siya umalis. Naghalf bath ako sa pinaka madaling paraan na kaya ko kasi gusto ko ng matulog, kaya wala pang 10 minutes ay tapos na ako. Agad akong nagbihis at humiga sa kama ko. "Tomorrow is another day! Hell day!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD