Kasalukuyan kong binabagtas ang daan patungo sa Cafeteria para bumili ng mineral bottle para sa Boss ko, pera na ngayon ang ipinadala nya sa akin at hindi na ang Credit Card. Gaya ng sabi nya ay ngayong araw daw ako totoong magsisimulang magbayad ng utang ko sa kanya, yung nakaraan kasi ay hindi natuloy ng dahil sa nangyari sa Cafe. Pagkadating ko sa Cafe ay binili ko na agad gusto ng Boss ko, Tsk. Siya ang may pakana d'yan, sabi nya Boss ko raw siya. Tss.
"Oh, ayan na ang pinabili mo." Sabi ko sa kanya at ibinigay ang tubig nya. Ngumiti siya sa akin ng mapang-asar, ang sarap batukan ng lalaking ito! Nakakainis! "Good girl!" Sinamaan ko siya ng tingin kasi ni pat nya ang ulo ko na parang aso, ngumisi lang ang gago sa akin. Ininom nya agad ito habang nakatingin sa akin, bored ko lang siyang tiningnan. "Gwapo na ako nyan sa paningin mo?" Yan ang sinabi nya sa akin pagkatapos nyang inumin ang tubig nya, inirapan ko siya. "Gago kamo." Mataray kong salita, sinenyasan nya akong maupo sa tabi nya pero hindi ko sinunod. Umupo ako two seats apart from him. Tumaas ang kilay nya, "Bakla." I murmured. Sinamaan nya ako ng tingin, inirapan ko lang siya. "Dito ka sa tabi ko." Hindi mo ako matatakot.
Hindi ko siya pinansin, narito pala kaming dalawa sa room. Wala pa ang ibang kaklase namin kasi lunch time pa ngayon, ewan ko lang sa isang to kung bakit narito ito ngayon dito. Dito kasi ako nag lunch kaya nagulat ako ng pumasok siya, agad nya akong pinabili ng tubig na ngayon ay ubos na. "You don't have to look for another work, babayaran parin naman kita. Ten thousand a month, is that okay with you?" Napalingon ako sa sinabi nya, akala ko magbabayad ako tapos babayaran nya rin pala ako? "Ginagago mo ba ako?" Kunot noo kong tanong.
"Stop cussing, Lady." May halong galit ang tono ng pananalita nya, inirapan ko lang ito. "Ano bang kalokohan ang pinagsasabi mo?" Seryoso kong tanong sa kanya, tumayo siya at umupo sa tabi ko. I glared at him pero bale wala lang 'yon sa kanya. "Bumalik ka nga sa inuupuan mo kanina, wag ka sa tabi ko." Mataray kong sabi sa kanya pero parang wala lang itong narinig mula sa akin. Prente lang siyang nakaupo sa tabi ko, "Hindi ito kalokohan. If I will count all your debts, it will cost one hundred thousand pesos including ang binayad ko sa hospital ng sinaktan mo ang buddy ko." Napangisi ako sa huling sinabi nya, buti lang yon sa kanya. Manyak nya kasi.
"Anong nginingiti-ngiti mo? Walang nakakatuwa." Napaismid ito sa akin. Tss. Sungit ni Boss. Napangiti nalang ako ng nakakaloko sa isip ko ng maalala ko kung paano siya mamilipit sa sakit ng gabing 'yon. "Walang nakakatawa sa ginawa mo." May bahid ng pagkainis ang boses nya, sumeryoso nalang ako. Baka mapikon pa ito eh, at sabunutan ako. Tss.
"Okay so balik na tayo sa pinag-uusapan natin kanina. Magiging katulong kita hanggang sa mabayaran mo ang pagkakautang mo sa akin, kapag satisfied na ako doon na matatapos ang pagiging katulong mo pero pag hindi ko nagustuhan, you will remain as my personal maid. Sa school man o sa condo unit ko." Magsasalita na sana ako ng putulin nya ang sasabihin ko, inirapan ko nalang siya. "Ako na muna, mamaya kana." Tumango nalang ako sa kanya.
"Lahat ng iuutos ko ay kailangan mong sundin, like you need to buy foods or some stuffs that I need. Ipagluluto mo ako, do my laundry, clean my condo, basta! Mag-uutos nalang ako sayo kung ano ang gagawin mo. And about your salary, I am not kidding. Kahit na may utang ka sa akin ay babayaran parin kita ng Php10,000 every month. Deal?" Napaisip ako, okay lang naman sa akin ang mga gawaing bahay basta wag nya lang sagarin ang pasensya ko. Okay narin naman ang Php10,000 per month malaki narin naman 'yon.
"Bakit mo pa ako kailangan bayaran? Akala ko ba ay ako ang may utang sayo?" Naisip ko lang naman, parang tanga lang kasi eh. Magbabayad nga ako ng utang sa kanya sa pagiging maid ko tapos every month may sahod ako sa kanya? Parang ginagago nya lang sarili nya eh. "Bakit ayaw mo? Makakabayad kana sa akin tapos may sweldo ka rin kada buwan, san kapa? Ako lang ang kayang gawin yan!" Proud na proud nyang sabi sa akin, tss. Baliw na ito!
"Do I need to praise you now?" Bored kong sabi, sumeryoso ulit ang mukha nya. "I will pay you because while you are working for me you are not allowed to work for others." Okay, I get it! Ayoko ko ng magtanong baka bawiin nya pa ang 10k every month sayang rin naman 'yon no.
"Deal."
Tipid kong sabi, inilahad nya ang kamay nya sa akin para makipag-shake hands pero tiningnan ko lang ito. Napailing siya ng ilang beses.
Kinabukasan
"Bakit ang tagal mo? Gutom na gutom na ako!" Galit na sigaw nya sa akin, isa-isa kung inilapag ang mga pinabili nya sa aking mga pagkain para sa lunch nya. "Sorry po, Boss huh? Marami kasing nakapila sa Cafeteria eh, kung ikaw sana ang bumili ng pagkain mo edi sana wala ng pila pilang naganap kanina, at hindi ka nagutom ng ganyan katagal!" Sarkastiko kong sabi, inirapan ko siya. "Sino ba ang boss mo? At bakit nagrereklamo ka d'yan?" malamig ko lamang siyang tiningnan at naupo na sa isang bakanteng upuan na medyo malayo sa kanya.
"Ikaw boss and for your information po, Boss. Hindi po ako nagrereklamo sa iyo, nagsasabi lang po ako ng totoo. Okay?" Dinidiinan ko talaga ang Boss na word kada salita ko, bwesit! Kumain na siya at ako naman ay kinuha ang libro ko at nagbasa, "Mabilaukan sana." Bulong ko sa sarili ko, tss. Nakakainis talaga! Araw-araw kalbaryo ang aabutin ko sa kanya nito eh. Dapat kapag wala siya ay mag-iipon dapat ako ng maraming "pasensya" sa katawan ko.
Pagkatapos nyang kumain ay nagsalita na naman siya dahilan para maagaw nya ang atensyon ko. "You have to come with me later." Kumunot ang noo ko, bakit naman? "Sa condo ko, remember you are my maid." Wow! Mind reader pala siya ano? Magandang talent yan , Boss. Pwede ng pagkakitaan. Tss. Tumango nalang ako, "Pwede ba, if I am talking to you wag mo lang akong tanguan lang? Pwede ka namang magsalita, wala naman yang bayad." inis nyang sabi, pakialam ko ba sa kanya?
"Maid mo lang ako, sasabihin ko o gagawin ko kung ano ang gusto ko. Tss. Hindi mo binabayaran ang gusto kong gawin sa buhay ko." Inirapan ko siya pagkatapos ko yang sabihin naningkit ang mga mata nya. "If I caught you rolling your eyes on me again, you wont like my punishment for you." I glared at him, ha! Akala nya takot ako sa kanya? Slight lang naman. Psh. "As I said, I can say and do anything that I want." Matigas kung sabi.
"Now you're playing hard, eh? I like that. Hard." Mariin nyang sinabi ang huli na para bang may ibang meaning ito. Ngumisi lang siya ng nakakaloko. Gago talaga! "Kung wala kang sasabihin na maganda, itikom mo nalang yang bibig mo. Nakakadagdag ka lang sa air pollution, sobra!" Binasa ko nalang ulit ang librong binabasa ko kanina, bahala siya d'yan. Wag lang siyang magkakamaling guluhin ako at baka mahampas ko ang librong binabasa ko sa kanya.
"Maid!" Tawag nya sa akin, hindi ko siya pinansin. May pangalan ako, at hindi iyon Maid! Tiyak mag-uumpisa na naman siyang bwesitin ako kapag pinansin ko yan. "Maid! Tinatawag kita." Mas tinaasan nya ang boses nya. Psh. Hindi ako binge, nagbibingi-bingihan lang ako. "Nicole!" Sa inis ko ay ibinaba ko ang librong binabasa ko at nagulat ako ng nasa tapat na ng mukha ko ang mukha nya, agad kong inurong ang ulo ko pero wala na akong uurungan since nakaupo ako.
"OhMyGosh!" Mabilis ko siyang itinulak kasi narinig ko ang boses ni Keyrha na tumili! Namumula ng sobra ang mukha ko dahil sa ginawa nya, halos mahalikan ko na siya kanina, damn! "Kaya pala dito siya kumain kasi gusto nilang magsolong dalawa, tsk. Alis na tayo, nakakaistorbo tayo sa kanila eh." Sabi ni Kent, pipigilan ko sana sila pero nakaalis na silang dalawa. Sinamaan ko ng tingin ang Boss ko pero hanggang langit yata ang ngiti ng gago!
Tumayo na ako at padabog na binagsak ang pintuan, I think my life would be hell if I'm with him. Narinig ko ang halakhak ng Boss ko.
"Aargghh!" Mahinang sigaw ko.