Makalipas ang dalawang araw matapos ang nangyari sa Canteen ng school ay parang lahat ng estudyante dito ay ginagalang ako, dahil siguro sa tingin nila ay isa ako sa mahahalagang tao kay Knight dahil sa pagtatanggol nya sa akin. Hindi rin naman nawawala ang mga negative comments galing sa iba, na gusto ko lang daw maging sikat kaya ako nakadikit sa kanila ni Knight. Hindi ko nalang sila pinapansin, bakit? Kung papansinin at paaapekto ako sa kanila magbabago ba ang pananaw nila sa akin?
Siguro ang iba oo pero hindi naman lahat ganon.
Pagkagising ko ng araw na iyon ay nasa clinic ako ng school, hinimatay daw ako habang inaalalayan ako ni Knight para makauwi. As I expected. I sighed. Gusto ko nang matapos ang gustong ipagawa sa akin ni Knight para matahimik narin ako, simula kasi ng dumating siya----sila sa buhay ko ay parang may nag-iba sa akin. At sa mga ipinapakita minsan sa akin ni Knight ay hindi ko na siya maintindihan, kaya sana habang maaga pa ay gusto ko ng tapusin na ito. Okay na ako na ako lang mag-isa, hindi ko siya o sila kailangan sa buhay ko. Ayoko ko lang na mangyari ulit ang nangyari noon.
Ngayon ay malapit na ako sa Lave Caffee, may 30 minutes pa bago magsimula ang duty ko. Nang makarating ako sa LC ay binati agad ako ng guards at ng mga kasamahan ko, isang matipid na ngiti lang ang isinukli ko sa kanila. Sanay na sila na ganyan ako. Inilagay ko na ang mga gamit ko sa locker at lumabas, kumunot ang noo ko ng nakita ko ang Manager namin na sumenyas na pumasok ako sa office nya. Sumunod naman ako kaagad, pagkapasok at pagkapasok ko ay nakaupo na ito sa swivel chair nya at iniabot sa akin ang isang letter. Binasa ko ito gamit ang aking mga mata, this is my resignation letter and it was already approved. May pagtataka ko siyang tiningnan, it is effective today.
"Hindi ka pa naman nakakahanap ng kapalit ko, Sir ah." Pagtataka kong tanong, tumango ito sa akin. "Yeah. Pero kailangan ko ng i approve yan ngayon, may trabaho namang naghihintay sa iyo pagkatapos nito." Kumunot ang noo ko, wala pa nga akong ina-applayan tapos meron na agad? Ngumiti lang ito sa akin, nagbuntong-hininga ako at nagpaalam na para lumabas. Nagpaalam narin ako sa mga kasama ko, kahit papaano ay matagal ko na rin silang nakasama. Kahit na hindi ko naman sila masyadong pinapansin pero mabait naman sila sa akin. Yun ngalang wala akong ka close kahit isa sa kanila. Bitbit ang bag ko ay nag-uumpisa na akong maglakad para makauwi kaagad, I will try to apply tomorrow para hindi ako mahirapan sa pang gastos ko------
"Ang tagal mo akong pinaghintay sayo." s**t! As in s**t! I almost shouted, I was starled. f**k! Kinalma ko ang sarili ko bago lumingon at ng makita ko na ang walanghiya ay sinamaan ko agad ito ng tingin. "Pfft. If looks could kill." Natatawa nyang sabi, gago talaga to! Kahit saan nalang ginugulat nya ako, parang kabute! I started to give him my death glares again, pero natatawa lang talaga siya. And by the way anong ibig sabihin nya na kanina nya pa ako hinihintay? Or something like that? Kumunot ang noo ko, bakit naman siya naghintay? "Alam mo---" Pag-uumpisa nya at inakbayan nya ako, I shrugged it off pero wala naman akong nagawa kasi ibinabalik nya lang ulit. "Pa akbay lang! Sus! Makayakap ka nang nakaraang araw sa akin parang gustong gusto mo naman at hindi ako nagreklamo, tapos ngayon aakbay lang ako sayo parang may sakit ako na ikamamatay mo." Agad akong namula sa sinabi nya, tama nga siya. Nang nakayakap ako sa kanya ng mga oras na yun parang wala lang sa akin, at parang gusto ko naman. Inismidan nya ako, lalaking mataray!
"Ibang usapan yun! Ano bang ginagawa mo rito? At bakit ka naghintay sa akin?" Bago siya sumabat ay kinuha nya muna ang bag ko at siya na mismo ang nagdala, pinabayaan ko nalang siya. May magagawa pa ba ako? Mapapagod lang naman ako. "Hinihintay ko ang girlfriend ko." Parang tumigil yata ang mundo ko, girlfriend? Ako? Hindi ako nakagalaw, and when I look at his eyes parang may iba. Hindi ko nga lang alam kung ano iyon. Unti-unti nyang nilapit ang mukha nya sa mukha ko, s**t! What I am going to do? Sinusubukan kung igalaw ang katawan ko pero hindi ko maigalaw.
"Joke lang!" At tumawa siya ng tumawa, pinagmamasdan ko lang siya. Namumula narin ito sa kakatawa at hawak hawak nya pa ang tiyan nya. "Your face was priceless! Oh gracious!" Hindi parin siya natatapos sa kakatawa nya. Hinablot ko ang bag ko sa kanya at tumalikod na ako at naglakad, wearing my poker face. Pinaglalaruan nya ako. "Wait! Are you that affected? It was a joke, you know? Pfft. As if you want me to make that possible." He grinned from ear to ear. I gritted my teeth, anong akala nya sa akin? Babaeng baliw na baliw sa kanya? Patuloy lang ako sa paglalakad, "Sandali nga lang!" Hinigit nya ako sa braso, so we are face to face now. And is he pissed already? Malamig ko siyang tiningnan.
"Ano bang problema mo? I was just kidding, do I need to repeat myself again?" I sighed kahit na inis na inis ako sa kanya. Bakit nga ba ako na offend sa sinabi nya? Dahil sinabi nya na girlfriend nya ako kahit hindi naman? Ano ba naman, Steph! "Bakit ka ba nandito?" Kinuha na naman nya ang bag ko at kusa ko namang ibinigay, tss. Mabuti nga't wala akong dala dala. "May pag-uusapan tayo." Napataas ang kilay ko, as far as I can remember parang wala naman ah. "What do you mean?" Takang tanong ko sa kanya, umiling lang ito sa akin at inakbayan na naman ako. "Sa bahay mo nalang, halika na nga!" At naglakad na kaming dalawa.
Napahinto naman ako ng ma realize ko na dalawa lang kami mamaya sa bahay ko, "Oh? Bakit na naman?" Pagtatanong nya sa akin, umiling nalang ako. Wala naman siya sigurong balak na masama sa akin, kasi kung meron man mapapatay ko talaga siya. Wag na wag lang siyang magkakamali mamaya, at mag me-meet kami ulit ng "Where it hurts the most" nya.
Pagkarating namin sa bahay ay ni unlock ko ka agad ang mga locks at pinapasok siya, niyaya ko siyang maupo at umupo naman siya. Hindi na ako nagbalak magbihis kasi pagka-alis at pagka-alis nya ay doon na ako magbibihis, inilibot nya ang paningin nya sa maliit na inuupuhan ko. Parang bawat sulok ay kinakabisado o kung ano man ang tawag nya sa ginagawa nya. Tumikhim ako para makuha ko ang atensyon nya, napalingon naman ito sa gawi ko. Nakatayo kasi ako sa bandang gilid ng maliit na sofa ko. "So, anong pag-uusapan natin? Pakibilisan lang kasi maaga pa ako bukas para maghanap ng trabaho." Hindi ito sumagot na angkop sa tanong ko, sa halip ay ito ang lumabas sa bibig nya. "Ang linis ng bahay mo." Umupo muna ako sa harap nya, asa namang tatabi ako sa kanya. "Diretsuhin mo na ako kung ano ang kailangan mo para makauwi kana at makapagpahinga narin ako." Inip kong sabi, "Gaano ba yan ka importante at hindi na maipapabukas yan?" Ganon parin ang tono ng pananalita ko.
"Tama pala ako sa hinala ko." Nakangiti nyang sabi, naiinis ko siyang tiningnan. Tumayo nalang ako, "Magsisimula na bukas." Napalingon ako sa kanya, "Magsisimula kana bukas sa totoong pagbayad ng utang mo sa akin." Yun lang naman pala, "Yan talaga ang rason kung bakit gusto kitang makausap ngayon." Sus! Pwede namang bukas na eh, may pasok naman kami. Wala lang talagang magawa sa buhay to siguru kaya nagpakita to sa akin ngayon kahit gabi na. "Since tapos kana sa sasabihin mo, pwede ka ng umalis sa pamamahay ko."
Napasimangot ito, tinaasan ko naman siya ng kilay. Hindi pa siya tumatayo sa pagkakaupo sa maliit ko na sofa, "Tapos kana diba? Alis na, matutulog na ako at wag kang mag-alala kasi umpisa bukas magbabayad na ako sa paraan na gusto mo." Ngumisi ito sa akin, hindi ko yata gusto ang ngisi ng isang to. "Wag kang ano! Babayaran kita sa malinis na paraan!" Pagdedepensa ko, napasimangot ako sa kanya. Tumawa ito ng mahina, wala namang nakakatawa! Mababaw talaga ang kaligayahan ng isang to, tsk! "Wala pa nga akong sinasabi pero nag conclude kana agad? Ang halay ng pag-iisip mo!" Umiiling iling nya pang sabi, bastos ka lang kamo! Gusto ko sanang sabihin, pero hindi ko na sinabi para makaalis na siya sa lungga ko.
"Hindi mo man sabihin pero halata naman! Knowing you puro kabastusan yang nasa kukute mo. Alis na nga!" Inirapan ko siya dahil inis na inis na talaga ako sa mokong na'to! Gaganda talaga ang araw nya kapag nainis nya ako kahit sandali lang. "Ikaw ba ang utak ko? Paano mo naman nasabi ang mga yan? Sus! Wag ka na kasing mag deny na pinagnanasaan mo ako! Sa gwapo kong to? Baka nga kapag nga wala kang ginagawa ini-imagine mo na hinahalikan kita." I saw him smirked and smiled at me, gago talaga! Hinagis ko sa pagmumukha nya ang isang lapis na nakita ko sa center table ko, tawa lang siya ng tawa. Pinaningkitan ko siya ng mata ko.
"Umuusok na naman ang ilong mo, Nicole. Pfft." Tumayo ako at hinawakan siya sa braso, ayaw nyang kusang umalis? Pwes, I will drag him out of my house. "Uy! Uy! Kita mo na! Chansing ka eh! Gusto mo lang mahawakan ang macho kong braso! Aba! May hidden desire ka talaga sa akin ah!" Anong hidden desire ang pinagsasabi nito? I glared at him, bwesit talaga! "F*ck you!" I saw him grinned, "Gentle or hard?" Sagot nya, bwesit naman eh! Makasalanan talaga ang bibig ko! " Isa nalang, Knight. Makaktikim kana sa akin------" He cut me off, punong puno na talaga ako sa lalaking to. Daig pa ang babae kung magsalita, walang tigil tigil.
"Makakatikim ako ng isang halik? Oh c'mon, baby. I would love that. French o torrid ba?" Namula ako sa sinabi nya, binitawan ko na ang braso nya. Ang init init ng mukha ko, s**t! Feeling ko kasing pula ko na ang mansanas ngayon sa itsura ko. "Yang bibig mo pag hindi tumigil yan sa pagsasalita ng bastos na mga salita lalagyan ko yan ng mighty bond." Ngumisi lang siya sa akin at lumapit, "As far as I can remember wala akong may sinabi, ikaw ang nagsalita ng bastos." Umaatras ako kasi unti-unti siyang lumalapit sa akin, sinamaan ko siya ng tingin pero nakakalokong ngiti lang ang isinukli nya. "Wala akong sinabi! Umalis ka na nga!" Asik ko sa kanya. Pero hindi parin siya sumusunod sa sinabi ko.
"Not until I have this." Nabigla ako sa sunod na ginawa nya, s**t! Ang bilis nya talagang gumalaw. In just a blink of an eye nahapit nya na ako sa bewang at naramdaman ko nalang ang pagdampi ng labi nya sa gilid ng labi ko. Hinaplos nya pa ito gamit ang hintuturo nya, "For now, dyan na muna. It's not yet the right time. Darating ang araw na makukuha rin kita." I pushed him away from me pero parang wala rin namang nangyari, kasi mas humigpit pa ang pagkahapit nya sa katawan ko. Halos maduling ako sa lapit ng mukha namin sa isa't-isa, "Kahit kailan hindi mangyayari ang gusto mo." Mariin kong sabi, ngumiti siya sa akin. Ang ngiti nyang totoo, walang halong kamanyakan o kung ano pa. Genuine smile kung baga.
"Don't say that, baby. Hindi pa nga ako nagsisimula, wag kang magsalita ng tapos." Nagpupumiglas ako pero wala talaga akong kawala sa kanya, halos maubos na ang lakas ko sa pagtutulak sa kanya. "Stop it babe. Mapapagod ka lang. You know what? I really like hugging you and I like being close to you like this." Hindi mo ako madadala sa matamis mong salita! "Bitawan mo na ako, Knight. Ano ba?" Inilapit nya ang mukha nya sa leeg ko, kinilabutan ako ng maramdaman ko ang mainit na hininga nya sa leeg ko. "I'm sure that I will get you, by hook or by crook. Remember that I am Ellaii Knight Montello, I can get what I want."
Sinalubong ko ang bawat tingin nya, sinubukan kong wag mailang. "And always remember that I am Stephanie Nicole Montenegro, I will never ever fall in your trap. Never." Nagigting ang panga nya sa sinabi ko, sino siya para pagsabihan ako ng ganyan? Oo medyo may naitulong siya akin pero hindi yun rason para maglaruan nya ako. "You don't know me woman, hindi mo pa ako nakikilala ng buo. Once I am serious. Believe me, I can make you mine without you knowing. I will make you fall for me, not in my trap." Unti-unti nya na akong binitawan, nakahinga ako ng maluwag doon ah! Ngumiti siya sa akin, "I'll see you tomorrow, bye Nicole." Buti nga't nakaalis na siya pero
"You don't know me woman, hindi mo pa ako nakikilala ng buo. Once I am serious. Believe me, I can make you mine without you knowing. I will make you fall for me, not in my trap."
Fall for you?
Umiling ako.
No way!