Chapter Eight

1435 Words
Pagkarating nang pagkarating ko sa Cafeteria ay nag order agad ako ng kakainin namin para sa lunch, nang ibinigay ko na ang credit card ni Knight ay ni head to foot agad ako ng cashier. Na insulto ako sa klase ng pagtingin nya sa akin pero benalewala ko nalang. Tinawag nya ang isa nya pang kasamahan at nagbulungan sila, srsly? Sa harap ko pa talaga? "Miss, bakit mo gamit ang credit card ni Mr. Montello?" Napataas ang kilay ko. "Pinagamit nya sakin." Walang gana kong sagot, eh sa totoo naman eh! Mukhang hindi pa sila makapaniwala sa isinagot ko. Nagpipigil sila ng tawa, as far as I can remember wala naman akong sinabing nakakatawa. Malamig na tingin lang ang iginawad ko. "Miss? Nagpapatawa kaba? Ikaw palang ang unang babaeng gumamit ng credit card nya. Baka naman kinuha mo lang ito sa kanya?" Nagtagis ang bagang ko, never in my whole life na napag-isipan ko na magnakaw ng gamit ng iba. Kahit kapos na kapos na ako sa pera hinding hindi ako magnanakaw! Sa inis at galit ko ay binawi ko ang credit crad ni Knight sa kanya. "Bastos ka ah!" Pasigaw na sabi nya, agaw atensyon na kami ngayon. Halos lahat ng mga kumakain dito ay nakatingin na sa amin. What the hell? Damn! I really, really hate attention. Hindi ko nalang sila pinansin, "Magnanakaw ka!" Bulyaw nya sa akin, I closed my fist. Ipinapahiya nya ba ako? s**t! Lahat sila nagbubulong bulongan na dito, ang mga tingin nilang nandidiri sa akin. Malamig kong tiningnan ang cashier, "Wala akong ninanakaw!" Galit na sagot ko, laking gulat ko nalang na may nakahawak na sa magkabilang braso ko na mga guards. s**t again! Nagpupumiglas ako, ang higpit higpit ng pagkahawak nila sa akin. "Miss, sumama nalang kayo sa Guidance." Matalim ko siyang tiningnan, s**t! Ayokong ma guidance! Damn! Baka mawalan ako ng scholar. Hindi pwede to! "Hindi ko po ako magnanakaw, bitawan mo ako!" Mas lumakas ang bulong bulangan ng mga estudyante rito, nakakahiya! Parang maiiyak na ako. Nasaan na ba si Knight? I silently prayed na sana ay dumating siya. Nakahawak parin ang mga guards sa akin, kung kanina ay may tapang pa ako pero ngayon ay parang nawala yun lahat. Alam ko naman na wala akong kasalan pero natatakot ako, hindi ko alam na ganito parin pala ako. Mahina. Hindi kayang ipaglaban ang sarili. Nanginginig na ang mga tuhod ko, parang babagsak na ako anytime. "K-knight." Mahina kong usal. Napayuko na ako, nahihiya ako sa sarili ko. Ilang ulit ako napailing. "Hindi ako m-magnanakaw. Bitawan nyo na ako, please." Pagmamakaawa ko sa kanila, tumulo na ang luha sa mga mata ko. Still I'm facing the ground. "Stephanie!" Malakas na sigaw. Boses ng mga babae, hindi ako nag-angat ng mukha. Umiling na naman ako, "Hindi ako magnanakaw." Mahinang pag-uulit ko. "What's happening here?" Baritonong boses na naman ang narinig ko, kahit hindi ako mag-angat ng tingin ay alam ko kung sino ang nagmamay ari nito. Nabitawan ako ng mga guards, "Mr. Montello, may babae pong..." hindi na natapos ng cashier ang sasabihin nya dahil tinawag ko siya, ang pangalan nya. "K-knight." Dumating siya, unti-unti kong inangat ang mukha ko. "Bakit ang tagal mo at anong---- s**t! Nicole? What the hell?" Nang makita nyang luhaan ang mukha ko ay mabilis siyang lumapit sa akin at niyakap ako. Mabibigat ang paghinga nya, parang galit na galit ito. Hindi ko alam kung bakit. "Why are you crying?" Umiling lang ako, hinaplos nya ang buhok ko. Nakaramdam ako ng comfort, kailan ko ba huling naramdaman ang ganitong pakiramdam? 5 years ago? Napakapit ako sa laylayan ng damit nya, nanghihina ako. Ayoko nang maramdaman ang ganito ulit, ayoko nang maramdaman na ang hina hina ko. "Hush, baby. Stop crying, sinaktan kaba nila?" Nakapatong lang ang ulo ko sa dibdib nya, hindi parin ako sumagot. Napahigpit ang yakap nya sa akin. "What happened?" May diin sa bawat salita na binitawan nya, walang nakasagot. Napakatahimik, ni kahit paglunok mo ng laway ay maririnig mo na dahil sa sobrang tahimik. "Sumagot kayo!" Nagulat ako sa biglang pagsigaw nya, pero hindi nya parin ako binibitawan. Ganoon parin kahigpit ang pagkayakap nya sa akin. "S-sir, akala po kasi namin eh n-ninakaw nang babaeng yan a-ang credit card mo. K-kaya p-po......" Knight cut her words, "As far as I can remember you are working here as a cashier, hindi ka binabayaran dito para usisain kung kanino o saan nanggaling ang pambayad nila sa kinakain nila." Ilang beses akong napalunok, hindi ko aakalain ipinagtatanggol nya ako. "P-pero sir, concern lang naman po kami eh. Kay----" Napasinghap ako sa muling pagsigaw nya, "Bullshit! Sa tingin mo ba kung ninakaw nya ang credit card ko gagamitin nya ito rito? Damn it! Hindi ba kayo nag-iisip?" Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, s**t! "T-tama na, tama n-na." Nanginginig ako, parang babagsak na ako. Mabuti nalang at nakayakap siya sa akin. Mas kinabig nya pa ako papalapit sa katawan nya. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko, ayoko nang maramdaman ulit ang naramdaman ko noon. Ayoko na. "Ellaii, tama na. I think hindi okay si Stephanie, nanginginig siya." Sa tingin ko boses iyon ng isa sa mga kaibigan nya, unti-unti nyang itinaas ang mukha ko. "Look at me." Mahinahon nyang sabi, umiling ako. I'm still closing my eyes, kalma lang, Steph. Kalma lang. Unti-unting nawawala ang mga imahe ng nakaraan. "Nicole, look at me. Baby, please." Sa pagkamulat ko ay may lumandas na luha sa mga mata ko, nagtagis ang bagang ni Knight habang nakatingin sa akin at mahinang napamura. Bakit ang bait bait nya yata sa akin? Bakit ganito siya kung mag-alala sa akin? Bakit? Using his thumb he wiped my tears away, napahikbi ako. Baka masanay ako na ganito nalang siya palagi sa akin, "You're pale, I'm here now. Okay? Stop crying." Para akong batang sumunod sa sinabi nya, hinahaplos nya ang buhok ko. "I don't want this to happen again. Do you understand?" Agad naman silang sumagot nang "Yes, sir." "Let's go." Inalalayan nya akong makalakad ng maayos, ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Ngayon lang ako ulit umiyak, at sa harap pa talaga ng maraming tao. Pakiramdam ko lahat ng sakit na dinadala ko noon pa ay unti unting bumalik lahat, mabuti nalang at nand'yan si Knight para sa akin. Pero alam kong hindi naman siya magtatagal sa buhay ko. I smiled sadly, iiwan nya rin ako kapag tapos na akong magbayad sa utang ko. "Nicole?" Hindi na ako nakapagsalita kasi naramdaman ko nalang na pumikit na ang mga mata ko at may mga bisig na sumalo sa akin. ********** "Ikaw ang may kasalanan!" Iyak lang ang naisagot ng batang babae, hindi siya makapaniwala na nangyayari to sa kanya ngayon. Lahat sila umiiyak habang malungkot na nakatingin sa isang katawan na hindi na gumagalaw. Ano pang magagawa nya? Kaya nya bang ibalik ang nakaraan? Hindi naman dba? Napahagulgul na siya ng iyak, hindi nya sinasadya ang lahat at mas lalong hindi nya gusto ang nangyari. "I'm sorry po. I-Im sorry." Sabi nya habang nakaluhod sa harap ng maraming tao, lahat kaya nyang gawin mapatawad lang siya. Nakatingala siya sa harap ng isang babae, ang mama nya. Marahas na tinabig ng ina nya ang kanyang mga kamay na nakahawak sa mga binti nito, "Sana ikaw nalang! Sana ikaw nalang!" Galit na galit na sigaw ng ina nya, napayuko siya at gamit ng kamay nya ay itinago nya ang mukha at umiyak lang siya doon, "Sana nga, sana nga ako nalang nang sa ganon hindi sila nahihirapan at nalulungkot ng ganito." Sambit nya sa isipan nya. Sa bawat paglibot ng kanyang mga mata sa paligid ay malungkot ang bawat isa. Lahat ng nakatingin sa kanya ay may halong galit, alam kong wala na akong magagawa. Galit ako sa sarili ko! Ako ang may kasalanan ng lahat! But do I deserve this kind of pain? This kind of treatment? I lost someone too, hindi lang sila ang nawalan. Ang mas masakit pa ay ako ang kasama nya pero wala man lang akong nagawa. At nang dahil sa nangyari dito nabago ang buhay nya, ang dating marangya nyang pamumuhay at ang masaya nyang pamilya ay nawala lahat sa kanya. Lahat galit sa kanya, lahat ng pamilya at mga magulang nya. Nabuhay siyang nag-iisa, pinipilit na kalimutan ang lahat. Ang kanyang masalimuot na nakaraan. Na akala nya ay nakalimutan na nya sa paglipas ng panahon. Pero akala nya lang pala dahil hanggang ngayon ay dala dala nya parin ito sa puso nya, pinipilit nya lang itong kinakalimutan. Who wouldn't remember that day? That day that her life changed because of what happened.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD