Chapter Seven

2177 Words
Pagkagising ko nang umaga ay ang sakit ng katawan ko, pagod na pagod kasi ako kagabe sa LC. Tinatamad yata akong gumalaw ngayong araw, tsk! Nag-umpisa na akong magluto ng kakainin ko, at habang nagluluto ako ay naglilinis ako ng bahay. Ako lang mag-isa sa loob ng limang taon so sanay na sanay na ako sa ganitong mga gawain. Pagkatapos kung maligo, mag-ayos ng sarili at gamit ko ay kumain narin ako. Pagkatapos kung kumain nagtootbrush na ako at nilock ang bahay ko, lumabas na ako ng gate. Tahimik lang akong naglalakad ng may makita akong pamilyar na sasakyan na makakasalubong ko, hindi ko nalang pinansin baka kasi parehas lang sila ng sasakyan. Ipinagpatuloy ko lang ang paglalakad ko pero napapitlag ako ng makarinig ako ng isang malakas na busina, galit na tiningnan ko ang itim na kotse sa harapan ko. The car stopped in front of me and when the door open I saw him inside, he flashed a smile to me. I just stared at him, "Hop in, Nicole." First time na may tumawag sa'kin sa ganoong pangalan, kaya hindi ako sanay. Sumakay nalang ako, "Good morning." Masayang bati nya sa akin, tumango lang ako sa kanya. "Tss. Napaka swerti mo kasi ang amo mo pa ang sumundo sayo, tapos ni greet lang na good morning hindi mo pa magawa?" Amo raw? Ano nya ako tauhan? Naningkit ang mata ko, walanghiya to ah! "Hindi kita amo, okay? At teka? Nanunumbat kaba? Sino ba ang nagsabi sayo na sunduin mo ako? Wala naman, dba? At hindi ko obligasyon ang batiin ka ng good morning." Napaismid pa ako pagkatapos kong magsalita, napailing ito ng ilang beses. "You're really impossible. Are you really like that?" Sumulyap siya sa akin at ibinalik ang tingin sa daan, "Ano sa tingin mo?" Walang ka gana gana kong balik na tanong sa kanya, "Don't answer me with another question if I am asking you." Naiinis nyang sabi, napangisi ako sa utak ko. Yan nga, mainis ka lang sa'kin. "Then use your common sense." Bored na bored kong sabi, he clenched his teeth. I smirked in my mind, hindi na siya nagsalita kaya ganon din ako. Wala akong balak makipag chikahan sa kanya, ayaw ko nga ng maingay tapos ako pa mismo ang kakausap sa kanya? Psh! Ilang minuto lang ang makalipas ng makarating na kami sa parking lot ng school, I unbuckled my seatbelt. "Ngayon ka magsisimulang magbayad ng utang mo, at wag na wag mo akong susuwayin sa mga iuutos ko." Tiningnan ko siya ng masama, "Siguraduhin mo lang na hindi ako mapapahamak sa ipagagawa mo sa akin at wag na wag kang magkakamali na gaguhin ako." He flashed a playful smile at me, I frowned. Hindi na magtitino ang isang to, napailing ako. Susunod lang ako, ang sabi nya naman sa akin hindi nya ako ipapahamak eh. Subukan nya lang at baka magka round two kami ng kick where it hurts the most scene. "Aba matinde! Sa pagkakaalam ko IKAW ang may utang sa akin, kaya IKAW ang magbabayad. Paki ko naman kung mapapahamak ka?" What the hell? Bwesit talaga ang isang to, letche! Nagtagis ang bagang ko, bwesit! Ke aga aga pa! "Pakialam ko naman sa mga gusto mong iutos? You can't force me to follow you either." Malamig kong tugon, nakakabad vibes talaga ang bwesit na ito. "Really? You know me, I am the son of the owner of this school. Pwede kitang ipakick-out kahit kailan ko gusto." Seryoso nyang sagot sakin, napaurong yata ang dila ko. Hindi ko kayang pag aralin ang sarili ko. Sapat lang ang kita ko sa LC para sa gastusin ko sa bahay at school projects ko. Nawalan ako ng sasabihin, ayoko nang sumabat baka sa iba pa mapunta ang walang kwentang pagtatalo namin. Bumaba na ako sa kotse nya, maraming mata agad ang nakatingin sa amin. Lalong lalo na sa akin, tss! Mga mapanghusgang tao, akala mo naman kung sila mismo ang napapakahirap sa tuition nila sa University na ito. Ano kami artista? I really hate attention, kaya kung pupwede lang eh ako nalang mag-isa. Ayoko ng pinagtitinginan ako. "Ano ba!" Mahinang singhal ko sa kanya, paano ba kasi ipinatong nya ang braso sakin. I glared at him pero ngumisi lang siya, I shrugged my shoulders pero nananatili parin ang braso nya doon. "Alam mo you're one hell of a lucky woman, marami ang gustong makasama ako." Napairap ako, Lucky? How come I am one hell of a lucky woman na sinasabi nya? Pagmumukha nya palang Unlucky na! "Did you just rolled your eyes on me?" Natatanga ako sa bwesit na ito! Palagi nalang kaming paulit-ulit eh! "Nakita mo naman pala eh, nagtanong pa! Tss." Mahinang bulong ko, napaismid ako. Ang bigat na ng braso nya, sarap putulin! "Are you saying something?" Bulong nya sa tenga ko, parang kiniliti yata ako don kaya napapiksi ako ng bahagya. "Wala. Wag ka ngang sobrang lapit sa akin!" Inis kong sabi, matalim ko siyang tiningnan. Napangiti lang ito, narinig ko namang napatili ang mga babae na nakatanaw samin sa malayo. Ano to? Live show? "May sinasabi ka yata eh, narinig ko." Sa isip ko nalang siya papatayin! Nakakainis na talaga ang lalaking to! Damn it! Bakit ba napakaswerti ko? Insert the sarcasm, please. I rolled my eyes in annoyance, "Narinig mo naman pala eh, bakit nagtatanong kapa? Tsk!" Tumawa lang siya ng mahina at mas inilapit nya pa ako sa katawan nya, kahit anong gawin ko hindi ako makawala sa kanya. "Wala lang, I just love to see you irrated. You're freaking cute, you know? Hindi ko alam pero biglang uminit ang magkabilang pisnge ko, napaiwas akong tingin. "Damn! Much cutier kapag nagbu-blush ka!" Napalakas ang pagsabi nya kaya rinig na rinig ito ng mga taong nakatingin samin, s**t! Ano bang pinagsasabi nya? Nababaliw naba siya? "Ang cute naman nilang dalawa!" "Bagay kaya sila!" "Lolokohin lang din yan!" Yeah, right. Gago to eh, anong akala nya sakin? Babaeng mababa? Hinding-hindi ako madadala ng pa ganyan-ganyan nya. Fuck? Kami? Bagay? Oh c'mon! Bagay lang to sa mga katulad nya, and fortunately hindi kami magkatulad. Kaya hindi kami bagay! "Isa pang salita, Knight. Bubusalan ko yang bibig mo!" Inis kong saad, imbis na tumahimik ay mas lalo pa itong nagsalita. "I would love that, basta gamit ng mga labi mo." Kinagat nya pa ang ibabang labi nya, bastos! I saw him smirked. Walang patutunguhan to, I sighed. Gusto ko na ulit matahimik, kaya kailangan kong gawin ang gusto nya para tantanan nya na ako. Hindi na ako umimik pa, kanina pa kami naglalakad pero bakit ang tagal yata naming makarating sa room? I heard him cleared his throat, diretso lang ang tingin ko. "Natahimik ka yata?" Pagtatanong nya sakin, hindi ulit ako imimik. "Talk to me when I am talking to you." Ma awtoridad nyang sabi, I sighed. "Pagod na akong makipagtalo, okay? Kaya please lang, wag kang makulit!" Nagkibit balikat lang ito, hindi na siya nagsalita. Buti naman! Kahit na nag-uumpisa na ang prof namin na magsalita tungkol sa lesson namin ay panay ang kausap sa akin ni Knight. Minsan sumasagot ako, minsan hindi rin. Nandito ako para mag-aral at hindi para makipagdaldalan sa kanya, panay ang tingin ko ng matalim sa kanya para tumigil lang siya pero wala talagang pakiaalm ang isang to. Lunch time na kaya kanya-kanya na kami ng ligpit ng mga gamit namin, "San tayo kakain?" Pagtatanong ni Kendra, patuloy parin ako sa pagliligpit ng mga gamit ko. Nakahalumbaba lang sa gilid ko si Knight, tinaasan ko siya ng kilay. Sumimangot siya, "Bakit ba ang taray mo?" Tanong nya, "Paki mo?" Hindi siya sumagot, nakatingin lang siya sa akin. Nailang naman ako ng konti pero binalewala ko lang ang presensya nya. Tumayo na ako, kami nalang pala ang narito. "Sama ako sayo." Nasa tabi ko na agad siya, "Hindi pwede!" Mabilis na sagot ko, hinigit nya ang kamay ko. Ang higpit ng pagkakahawak nya sa akin, sinisiguro nya talaga na hindi ako makakapalag. "Hindi ka naman kakain ng lunch, kaya sasabay ako sayo para makakakain ka. Marami akong ipagagawa sayo kaya dapat kumain ka para may lakas ka mamaya." Ano pa bang magagawa ko? "Tss. Fine." Nagulat pa akong makarating kami sa garden, "You are always here, wala namang maganda dito sa lugar na ito." Nakaismid nyang sabi, may pumilit ba na pumunta siya rito? "Hindi ko sinsabing pumunta karin dito, kung ayaw mo edi umalis ka. Tsk! Reklamo pa eh!" Padabog akong umupo, akala ko ay aalis na siya pero umupo siya sa tabi ko. "Buy us foods, bumili karin ng sa iyo. Rice at ulam, ibigay mo lang ang credit card ko." Kinuha ko ang credit card na sinasabi nya at tumayo na. "Sa credit card na yan mo kukunin ang pagkain mo, okay?" Tumango na lang ako, hindi ako gutom. Tsk! Tumalikod na ako, "Nicole!" Tawag nya, inis ko siyang nilingon. "Ano na naman?" Inis kong tanong , "Sinisigawan mo ako?" Nakataas ang kilay nya, srsly? Bakla ba to? Umiling na lang ako, letche! "Sinisigawan mo ako eh." "Alam mo naman pala bakit kapa nagtanong?" Bulong ko sa sarili ko, "Tss. Bubulong-bulong pa, rinig ko naman." Napakabwesit talaga nito! Argh! Gusto kong sigawan siya hanggang sa maisip nya ka tantanan nya na ako! "Ano na?" Naiirita kong tanong, umiling siya. Kitams? Pinagloloko nya ako eh! Tumalikod na ako at nag-umpisang maglakad, nakailang hakbang ulit ako ng tawagin nya ulit ang pangalan ko. Mariin kong itinikom ang bibig ko, ipinikit ko ang mga mata ko. He is really frustating! Kalma lang, Stephanie. Kalma lang. Patayin mo na lang siya mamaya sa isipan mo, unti-unti akong lumingon. Napaatras ako bigla, s**t! Paano siya nakapunta dito ng ganoon ka bilis? "Hey!" Bulong nya, hindi agad ako nakasagot. Gulat parin ako, si Flash ba 'to? Aatras sana ako ulit ng bigla nya na lang akong hinigit sa bewang para magkalapit kami. I authomatically put my two hands on his chest, he stared at me. Hindi ako nagbaba ng tingin, hindi ko alam kasi parang na glue yata ang mga mata ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit titig na titig siya sa akin. "A-aah..." s**t and damnation! Bakit ako nauutal? "Hmmm." Hinaplos nya ang kaliwang pisnge ko, why do I felt safe when he did that? Hindi ko alam! Ang alam ko lang ay inis na inis ako sa kanya, ayaw ko sa presensya nya. Napaka antipatiko, pero ano to? Bakit ganon ang naramdaman ko? Napalunok ako ng ilang beses, he still staring at me. Bakit ganon? Hindi ko siya maintindihan, minsan bwenibwesit nya ako, minsan ganito naman siya. Yung tipong parang iniingatan nya ako, "Take care." And then he kissed me on my forehead. "You can go now." Tumalikod na siya at umupo sa pwesto nya kanina, wala sa isip ko na tumalikod na ako at humakbang papalayo sa lugar na 'yun. Bakit ba ganon siya? Hindi ko na siya talaga maintindihan, one moment he is irritating , one moment he is like that. Ano ba talaga? Bipolar ba 'yon? Hindi ko alam kung paano ako nakapunta sa Cafeteria, ang alam ko lang ay lutang talaga ako. Hindi ko talaga mawari ang mga kilos nya, pero isa lang ang nasa isip ko, he is playing with me. Ganyan naman siya diba? Sa mga naririnig ko ay papalit palit lang siya ng mga babae, well if he is planning to make me one of his girls mali siya ng napiling babaeng pinaglalaruan. Hindi naman agad ako nanghuhusga, yan lang ang mga naririnig ko but if I sounded na nanghuhusga ako, well I'm sorry. I can handle myself well, meron lang talagang mga oras na nawawala ako sa sarili ko lalong lalo na kapag siya na ang kaharap ko. Katulad ng pagdedebate sa kanya, siguro naninibago lang ako kasi nasanay na ako na walang malapit sa akin na lalaki o ibang tao matapos ang pangyayaring 'yon sa buhay ko. Nasanay na ako na wala akong kausap except kung sobrang importante talaga, nasanay na ako na walang nag-aalala sa akin, nasanay na ako na ako lang mag-isa na namumuhay. Lahat ng mga ginagawa nya may mga double meaning para sa akin, ayoko naman na mag-isip pa ng hindi tama. All I can do for now is to remember why I am here, why I became like this now. Ayoko lang na baka balang araw eh malaman ko na kung ano talaga ang motibo nya sa akin, kung masama ba o maganda. Pero kahit alin pa sa dalawa ang motibo nya ayaw ko parin sa kanya, I need to put a strong foundation of a wall that no one can break. Pagod na akong masaktan, maiwan sa kawalan at pagod na akong ipagsiksikan ang sarili ko sa mga taong wala namang pakialam sa akin. Ayoko ko lang na baka sa huli ay may pagsisihan na naman ako sa buhay ko, tama na ang lahat ng mga nangyari noon. Tama na nawalan ako, wag lang sana ngayon na kaya ko na ang sarili ko. Baka kasi kapag maulit ulit 'yon ngayon baka hindi ko na kayanin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD