Chapter Six

2161 Words
"At bago ko pa makalimutan, lahat ng subjects magkaklase tayo ng sa ganon mas madali mo akong mabayaran sa lahat ng utang mo." Lahat ng subjects? Pwede ba yun? Tsk! Anak nga pala siya ng may-ari ng school na'to kaya para sa kanya lahat ay posible! Napaismid nalang ako, prenteng nakaupo lang ako sa upuan ko since wala pa kaming professor. Bigla nalang umingay, ano na naman ba 'to? Hindi ko nalang sila pinansin. "Grabe lang! Ang swerte talaga ni Claudia no?" "Ngayon lang yan, hindi na ako magtataka kung iba na naman ang babae ni Ellaii mamaya o bukas." Nagpanting ang tenga ko sa narinig kung pangalan, Ellaii. Yan ang pangalan ng lalaking 'yon, kung siya nga ang tinutukoy nila so isa siyang babaero? Ano ba ang tamang word? Playboy?  Casanova?  Ganyan pala siya? Tss! Ano naman ang pakialam ko sa kanya? Biglang naging tahimik ang paligid, wow! Sino naman kayang anghel ang dumaan para tumahimik sila? I'm sure hindi yan ang Prof namin kasi kung siya man yan ay kanina pa nila binati yan, tahimik lang akong nakaupo. "Hi miss, Stephanie!" Masigla nyang bati sa'kin, napalingon naman ako sa kanya. Nagtataka ko siyang tinitigan, sino to? "I'm sorry, but do I know you?" Nagtataka kung tanong. Nawala ang ngiti sa labi nya. Di ko talaga siya kilala pero he looks familiar to me. Bakas sa mukha nya ang pagkadismaya, napa "oww" naman ang mga kaklase ko. "Grabe! Ang bilis mo namang makalimot, nagkausap pa tayo last week ah." Huh? Nagkausap ba kami? Nagtataka parin ang mga tinging ibinigay ko sa kanya, napakunot ang noo ko. "Anong mabilis makalimot, D. Huh? May babae ka? Patingin nga!" Malamig kong tiningnan ang babae na sumabat, pinagtaasan nya ako ng kilay. "Ikaw ang sa Lave Caffee, dba?" Napatango nalang ako, sino ba ang mga to? Anak ng letche naman eh! "Siya nga yan, hon! At teka! Anong babae? Wala akong ibang babae, ikaw lang kaya." Inirapan niya lang ang tinawag nyang D. "Ang ingay ingay mo Drew! Ang aga aga pa!" Napalingon sila sa isa pang babae, nagpabalik-balik ang tingin ko sa babaeng naunang sumabat at sa babaeng huling sumabat. "Unfortunately magkakambal kami." Hindi pa nga ako nakakapagtanong nasagot na agad ang tanong ko? Tumango nalang ako. "Nasan si Pareng Kent, Key?" Napasimangot ang tinawag na Key, "Hindi ko alam at wala akong balak na alamin kung saang lupalop siya naroroon." Napangisi ang Drew, "Nakita ko siya kahapon sa Mall, may kaakbay na seksi at magandang babae" natahimik ito at kitang kita ko kung paano siya nasaktan sa sinabi ng Drew. Ngumiti siya, "Ganon ba? O-okay lang. Ayaw na nya pala sakin eh, okay lang." Paluha narin ang mata nya, umiling pa ito. "Ikaw ang may ayaw sakin, hindi ako." Biglang nagsalita ang isang lalaki na seryoso lang na nakatingin kay Key, napairap ako ng ngumiti ang antipatikong lalaki sakin sa gilid nya. Hah! Magkaibigan sila? Nagulat naman si Key at napalingon kay Kent ba yun? Nagkibit balikat nalang ako. "Everyone! Go out! Walang pasok, absent si Prof." Sabi ni antipatiko, ayaw pa sanang lumabas ng mga kaklase ko pero lumabas narin sila. Tumayo narin ako para lumabas, "May sinabi ba akong pati ikaw?" Nakataas na kilay nyang tanong sakin, walang emosyon ko lang siyang tinitigan. "You said everyone, so including me." Walang gana kong sabi, hinigit nya ang kamay ko pabalik sa seat ko. "Ano ba! Bitawan mo ako!" Mahina kong pagtutol, hindi siya sumagot. Inalalayan nya akong maupo at tumabi sakin. Isang masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya. "Stay." Imbis na sumabat ay tumahimik nalang ako, ayokong nakikipagbangayan kasi sumasakit ang ulo ko. At kapag siya ang kalaban ko hindi naman ako mananalo. "Wala akong kasamang babae kahapon, nasa field lang ako." Napalingon ako sa kay Kent ba yun? Tsk! He glared at Drew pero tumawa lang ito, ibinalik nya ang tingin nya kay Key. "Bakit parang iiyak ka kanina? Nagseselos ka?" Seryosong tanong nya kay Key, "How I hate drama." Nakaismid nyang reklamo sa tabi ko, inusod nya ang bangko sa tabi ko. Umusod din ako, "Isa pang usod, hahalikan kita." Banta nya sakin, akmang uusod na naman ako ng inilapit nya ang mukha nya sa mukha ko. "Ayan na! Happy?" Sarkastiko kong sabi, "Madali ka naman palang pakiusapan eh." Naka smirk pa ang loko! Umirap nalang ako, "Stop rolling your eyes babe." Nagtagis ang bagang ko, "Don't babe me!" Hah! Akala nya madadala nya ako sa pa ganyan ganyan nya? Sorry pero hindi ako kagaya ng mga babae nya at wala akong balak na magpadala sa mga lumalabas sa bunganga nya. "I really like you." I heard him chuckled, inirapan ko siya. Bwesit to eh! "Well, I hate you." Ngumisi lang siya, "Let's see." Walang patutunguhan to! Psh! "Sorry na, Kent." She almost beg, hindi pa ba sila tapos? Letche! "I'm not satisfied." Tss! Dito pa sila talaga nagdrama sa room, kairita lang. "Sorry na, K. I love you." wala paring imik si Kent. Anong drama nila? At bakit ba ako nakikinood sa kanila? Nakita ko nalang na hinalikan ni Key si Kent sa pisnge, "Hindi pa deniretso eh." Pagmamaktol nya, pero agad namang ngumiti ito kay Key. "I can give you more than that." Nakakunot noo akong napalingon sa kanya, nakakaloko ang ngiti nya. Hindi naman ako sobrang inosenti para hindi ma gets ang gusto nyang sabihin. "I'm not a cheap whore." Nagkibit balikat lang siya. Bwesit! "Ikaw pala ang dahilan kung bakit kami narito, well." Tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa, na offend naman ako sa kung gaano nya ako tingnan. Tinitigan ko siya, hindi ako magpapatalo sayo. "You're pretty, I heard that you're a scholar?" Ano bang pakialam nila sakin? At ano naman ang kinalaman ko kung bakit sila narito sa klase ko? Hindi ako sumagot at isang malamig na tingin lang ang ibinigay ko. Tinaasan nya ako ng kilay nya, "b***h? Oh please!" Kumulo yata ang dugo ko sa sinabi nya, habang sinasabi nya 'yon ay naka roll pa ang mga mata nya. Bigla akong tumayo at tinitigan siya ng malamig. "You know what? I don't f*****g care if who the hell you are! You don't even know any single thing about me, excuse me." Nagulat sila sa sinagot ko. Tumalikod na ako at akmang bubuksan ko na ang pintuan ng may humawak sa braso ko, inis kong tinabig ang kamay nya. "Ouch! Bakit ang lakas mo? Lalake kaba?" Nanlaki ang mata nila, malapit na siyang matumba pero nakahawak siya sa upuan. "Kung wala kayong mabuting sasabihin wag nyo akong guguluhin dahil hindi ako naghahanap ng gulo." Napangiwi naman siya, "Ikaw naman kasi Key eh, below the belt naman yata ang ginawa mo eh. Tsk." Sabi ni Drew? Ah ewan! Ang antipatiko naman ay lumapit sakin, inis ko siyang tiningnan. "I'm sorry, okay? I'm just testing you." Nakangiti nyang sabi, kumunot ang noo ko. Testing? Ano ako bagay na kailangan pang e testing bago bilhin? "Let's go to the Cafeteria, it's almost lunch." Sabi ni Antipatiko. Walang paalam na tumalikod na ako, pupunta nalang ako sa garden para makapagrelax. "And where are you going?" Matalim na titig lang ang sinagot ko, "You'll coming with us." Matigas nyang sabi, tumalikod na ako at naglakad. Bwesit! "Ilang beses ko na bang sinabi sayo na kapag kinakausap kita ay wag na wag mo akong tatalikuran?" Bahagya akong napaisip, sa pagkakabilang ko ay, "Correct me if I'm wrong, pang tatlo na ngayon?" Narinig kong napatawa ng mahina ang mga kaibigan nya, napa face palm siya. "Srsly? What the hell?" Hindi makapaniwala nyang sabi, "Hell yeah." Sagot ko naman. He glared at his friends, pigil na tawa ang ginagawa nila. Binalingan nya ako ng tingin pero malamig ko parin siyang tiningnan, "Dahil gusto ko sasama ka sa amin, at hindi ka pwedeng humindi." Hinigit nya ang kamay ko pero pumipiglas ako. s**t! Ano bang problema ng isang to? Napakabwesit naman eh! Gusto kong matahimik kahit isang oras lang, pero sa ginagawa nya ay hindi ako matatahimik nito! "Ano ba! Bitawan mo ako! I won't come with you! Damn it! Let me go!" Pero mas bumilis ang paglalakad nya at hinihigit nya parin ang kamay ko, ipinikit ko ang mga mata ko. Wala talaga akong pag-asang manalo sa kanya, tumahimik nalang ako at hinayaan ko nalang siyang dalhin ako sa Cafeteria. Habang papunta kami sa Cafeteria ay marami ang nakatingin samin lalong lalo na sa kamay nyang nakahawak sa palapulsuhan ko. Pagkarating ng pagkarating namin sa Cafeteria ay inalalayan nya akong umupo, "What do you want? My treat, don't worry." Wala akong ganang kumain, tsk! Nakaupo narin ang kambal at sinabi ang gusto nilang kainin kay Kent at Drew. "Wala akong ganang kumain." Sabi ko, totoo naman kasi. "You will eat and that's an order." Tumalikod na siya, pero hindi pa nga siya nakailang hakbang ay bumalik siya sakin at inilapit ang mukha sa tenga ko. "Don't you ever try to escape, you wont like me when I'm mad." Umalis na siya agad, nakatanaw lang ako sa kanya habang naglalakad siya papalayo. "Now I know." Biglang sabi ng kambal, may choir ba? Hindi nalang ako umimik. Buong araw akong badtrip kasi buong araw kong kasama ang Antipatiko na lalaking 'yon. Nasa Lave Caffee na ako ngayon at nagseserve ng may kumalabit sakin, bahagya akong nainis kasi ayaw na ayaw ko na kinakalabit ako. Kasama ko lang pala. Pwede namang tawagin sa pangalan, dba? "Bakit?" Ngumiti siya muna at itinuro ang nasa isang table, tumingin ako sa direksyon kung saan siya nakaturo. Napaiwas agad ako ng tingin at napairap sa hangin. "I'm busy, ikaw na ang magserve." Napasimangot ito, tumaas ang kilay ko. "Kanina ko pa yan sinasabi sa kanya na ako na lang ang magserve, pero gusto nya ikaw talaga." Napahigpit ang hawak ko sa tray at huminga ng malalim. "Sabihin mo, busy ako. Ikaw na ang magserve." "P-pero..." tumalikod na ako at nagserve sa ibang table, ilang minuto pa ang lumipas ng may tumikhim sa gilid ko. Nakangiti pa ito paglingon ko, "Bakit sir?" Magalang na tanong ko sa Manager namin, ngumiti ito ulit. "Pumunta ka sa table number 13, he wants you to serve him. At walang pero pero, walang hindi hindi." Labag man sa loob ko ay tamango nalang ako at naglakad papunta sa table 13. Ngiting-ngiti ito sa akin, "What's your order, Sir?"  Ngumiti lang siya, "Naka order na ako, ang bagal mo kasi." Nakangisi nyang tugon, inis ko siyang tiningnan. Walanghiya! Tumalikod na ako at nagserve sa ibang customer, inaksaya nya lang ang oras ko. Dahil sa marami ang customer ngayon ay nawala sa isipan ko na nandito pala ang antipatiko na yon at laking pasasalamat ko naman na wala na siya sa Table 13. Nang sumapit ang quarter to 12 ay nagbihis na ako at lumabas, nagpaalam narin ako sa mga kasama ko. Naglalakad na ako pero nakarinig ako ng busina ng sasakyan. Tumagilid ako para paunahin ang sasakyan. I yawned, I'm already sleepy. Napapapikit pa ako habang naglalakad, napapitlag ako ng may marinig kong may nagsalita sa likuran ko. "Hindi ka dapat umuuwi ng mag-isa tuwing ganito na kalalim ang gabe, babae ka pa naman. Hop in!" Hindi ko makita kung sino ang nagsalita, napakurap ako ng ilang beses. Lumapit siya sakin at pinagbuksan ako ng pinto, "Sakay na, matagal akong naghintay mahatid kalang." At dahil sa pagod ko ay hindi na ako nagprotesta, sumakay na ako at ikinabit ang seat belt. Pinaandar nya na ang makina ng sasakyan, napapikit ako. Pagod na pagod talaga ako, pero napamulat agad ako. Hindi pala nya alam kung saan ako nakatira pero laking gulat ko nang makita na nasa tamang daan siya. "Inalam ko, wag kanang magtanong kung bakit." kaya naman pala, napapikit naman ulit ako. Ang sakit ng katawan ko, geez! Ilang minuto pa ay naramdaman ko nalang na huminto ang sasakyan. Nasa tapat na pala kami ng bahay ko, bumaba na ako. Nakababa narin pala siya, "Thank you." Sabi ko, gusto ko na talagang magpahinga. Napapikit naman ako ulit, "You're tired?" Napatango nalang ako, wala na talaga akong lakas na makipag-usap ng matagal. "Then you should rest now." Isang okay lang ang nasabi ko, I yawned again. Naramdaman ko ang paglapit nya sakin kaya kahit ayaw ko nang idilat ang mga mata ko ay naidilat ko ito at nanlaki ang mga mata ko nang ilang inches lang pala ang distansya ng mukha namin sa isa't-isa. "H-hoy!" Nauutal kong sabi, ngumiti lang siya at inilagay ang thumb nya sa ibabang labi ko. T-teka! Anong ginagawa nya? "As much as I want to kiss you but I won't do that now. I'll wait for the right time" H-huh? Ano daw? Naramdaman ko nalang ang pagdampi ng labi nya sa tungki ng ilong ko. "Bukas ang unang araw para mabayaran mo ako sa lahat ng utang mo, matulog kana. Pagod na pagod ka na. Bye!  anong nangyari? H-huh? Ano raw? Wala na ang sasakyan nya sa harapan ko, napakurap ako ulit. Right time? Anong pinagsasabi nya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD