Chapter Five

2112 Words
Nandito lang ako sa bahay buong araw, hindi ako lumalabas pwera nalang kung may importante akong kailangang bilhin. Hanggang ngayon hindi ko parin makalimutan ang nangyari last friday midnight, nakaramdam na naman ako ng sobrang kaba sa dibdib ko. Ito rin ang dahilan kaya hindi ako pumasok sa Lave Caffee, kasi baka balikan ako ng lalaking iyon. Bukas na bukas ay magre-resign na ako, I will not risk my life! Maghahanap ako ng bagong trabaho, pwede pa naman siguro akong bumalik sa Green House. Kaya kung magmakaawa basta makapasok lang ako ulit doon, lunes na pala bukas. s**t! What if bantayan nya ako sa lugar kung saan kami unang nagkita? Geez! Kailangan ko na yatang mag-iba ng dadaanan, pero yun lang ang pinakamalapit eh! Wala akong pakialam! Kahit na gumising ako ng alas kwatro ng umaga at umalis ng alas sais ng umaga ay gagawin ko wag lang ulit magkrus ang landas naming dalawa! Sa una swerte pa ako, baka sa pangalawang pagkakataon ay hindi na ako makapalag. Kailangan kong maghanda, ayokong ma r**e or worst eh baka patayin nya ako. Damn this imagination! Ipinilig ko ang ulo ko para mawala yun sa isipan ko, stay strong Steph! Ito na nga ang araw na kinatatakutan ko, Lunes na. Maaga pa akong umalis sa bahay, kahit na late pa ang klase ko. It's better than safe, than sorry. Ayokong mangyari ang kinakatakutan ko, bata pa ako at marami pa akong pangarap na gustong abutin. Isa na roon ang pangarap namin, noon. I smiled sadly, I closed my eyes and said "Help me please, wag mo naman sanang hayaan na mapahamak ako." Natapos ang buong araw ko na walang panganib and I am really thankful. Buti naman at walang anino ng lalaking iyon, naglalakad na ako pauwi sa bahay ko. Tahimik ang paligid, nang marating ko ang parking lot ay parang kinabahan ako ng sobra. Dali dali akong naglakad, malapit ko ng malampasan ang PL ng may marinig akong mga yabag na papunta sa direksyon ko. Wala akong balak na lumingon, nagpatuloy lang ako sa paglalakad pero ganon nalang ang gulat ko ng may humila sa akin at isinandal ako sa kotse, bakit ba palagi nalang akong nasasandal sa kotse? Nanlaki ang mga mata ko, ngumiti lang siya sa akin. Ngiting nakakapanindig balahibo, natatakot ako. Nagpupumiglas ako pero parang papel lang ako para sa kanya. Walang kahirap hirap nya akong ikinulong sa mga bisig nya. Ilang inches lang din ang layo ng mukha namin sa isa't-isa, parang nawalan yata ako ng lakas. "What do you want now?" Lakas loob kong tanong kahit na parang lalabas na sa dibdib ko ang puso ko. "What if I'll tell you that I.Want.You? Anong gagawin mo?" Napamaang ako sa sinabi nya, hindi ako nakapagsalita. Nawalan yata ako ng boses, alam kong bakas na bakas sa mukha ko ang takot. Sino ba naman ang hindi matatakot? "Alam mo bang na hospital ako?" Napailing ako, hindi ko naman talaga alam eh. Alangan namang umuo ako sa kanya? "At alam mo bang dahil yun sa ginawa mo ng isang gabe?" Napalunok ako, seryoso ang itsura nya. Hindi ako nagsalita, "Marami kanang utang sa akin, do you know that?" Hindi parin ako nagsasalita, "Are we going to play deaf here?" Napaismid pa siya, inipon ko ang lahat ng lakas ko at nag-umpisang magsalita. "That was your fault!" Pinilit ko paring maging matapang ang boses ko, napangisi lang siya. "How can you pay me, miss?" Kitang-kita ko sa mga mata nya na determinado talaga siyang pagbayarin ako. "Wala akong utang sa'yo!" Giit ko sa kanya, "Anong wala? Sa pagkakaalam ko binasag mo ang windshield ng sasakyan ko and lastly you hurt my buddy." Namula ako sa huling sinabi nya, "Oh damn! You're freaking cute when you blush!" Mas inilapit nya pa ang mukha nya sa mukha ko, iniwas ko ang mukha ko. "Ano ba! Lumayo ka nga sa akin!" Pero salungat ang lalaking ito, sa halip na sundin nya ako ay mas kinabig nya pa ang katawan ko papalapit sa kanya at inamoy ang buhok ko. "You smell so good, hmmm." Aniya, s**t! Nagpupumiglas ako at akmang sisigaw na sana ako ng tinakpan nya ang bunganga ko ng kamay nya. "I will not make you pay for now, I have better plans for you. And don't worry walang mangyayaring masama sa'yo, I promise." Nakangiti nyang sabi sa akin habang titig na titig sa mukha ko, ang ngiti nya ay totoo. Yung nagbibigay assurance. Bago pa ako makareak ay may naramdaman nalang akong malambot na bagay na dumampi sa noo ko, napakurap ako sa ginawa nya. H-hinalikan nya a-ako? "You are mine, baby. Just mine, keep that in your mind. I'll go now, see you." Bago pa siya mawala sa paningin ko ay nahalikan na nya na naman ako sa kaliwang pisnge ko. I was left dumdfounded, nawala na yata ako sa sarili ko. Hindi man lang ako nakapagprotesta? s**t lang! Nanghihina akong napasandal sa kotse at napahawak ako sa pisnge ko, that was true. Totoong nangyari yun! Hindi yun panaginip. At anong sabi nya? See you? Meaning magkikita pa kaming, muli? Hindi ko na yata kakayanin sa susunod! Nang gabe ring 'yon ay nagpunta ako sa Lave Caffee para magresign, and unfortunately hindi ako pinayagan ng Manager. Halos magmakaawa na ako, pero ang sabi nya ay maghahanap muna sila ng bagong waitress bago ako makaalis. Kaya imbes na magresign ay nakaduty ako. Tatlong araw ko ng hindi nakikita ang lalaking 'yon kaya naging normal lang ang buhay ko sa loob ng mga araw na 'yon, pero hindi parin mawala sa akin na kabahan sa tuwing naglalakad akong mag-isa. 'Yan Kasi ang mga pagkakataon na sumusulpot siya, at sinasabing marami na akong utang sa kanya. 10 A.M. ang pasok ko pero 9 A.M palang ay narito na ako sa library kasi may niresearch ako. Quarter to 10 na kaya narito na ako sa room namin, nakaupo lang ako at nakatanaw sa bintana. "Bakit ba nandito kami? At bakit magkaklase tayo sa lahat ng subjects?" Narinig kong reklamo ng isang babae na hindi ko kilala kasi hindi ko naman nakikita ang mukha nya o nila, "Ang ingay ingay mo talaga! Ayaw mo ba 'non? Palagi na tayong magkasama?" Boses ng isang lalaki, srsly? Edi umalis siya sa klaseng 'to! Tss. "Ang ingay mo nga, Key. Ako okay lang sa'kin. Kasama ko kasi si D." Narinig ko pang napahagikhik ang sumabat na isang babae. "Hindi ako susi! Edi magsama kayo!" Naiinis na sabat ng isa. "So, ayaw mo na kasama ako? Huh, Key?" Narinig kong may nagtawanan, "Hindi! Nakakainis ang itsura mo!" Ano ba yan! Parang may LQ pa yata, pero pansin ko lang. Bakit ang tahimik ng mga kaklase ko? Eh kanina lang ang ingay nila ah! "Hah! Nakakainis pala, huh? Kaya pala ako ang pinakagwapo para sa'yo? Wow! Hindi siya mayabang sa lagay na yan! Wag kalimutan ang sarcastic tone! Tsk! "Eeww! Who the hell told you that? FYI, mas marami pang gwapo sa'yo! Katulad ni Zac Efron, ang hot hot pa nya!" Sang ayon naman ako sa kanya. Kahit ganito ako nakaka-appreciate parin ako ng lalaking gwapo no. "Damn!" Malutong na mura ng lalaki, "Magsama kayo ng Zac mo!" At nakarinig nalang ako ng yabag at pagbukas at pagsara ng pinto. Biglang natahimik na naman, mabuti naman. "Wag ka nang magtaka kapag may nakita ka nang babaeng humahalik sa kanya mamaya!" Sabay tawa ng isa pang lalaki, "Hala ka, Key! Sundan mo!" Sabat naman ng isang babae. "B-bahala siya! E-edi mambabae siya!" Eh bakit nauutal ka? Napailing ako, mga babae nga naman! Hangga't maaaring itago ang totoong nararamdaman itatago't itatago talaga. Magaling ako d'yan, kaya alam na alam ko yan. "Talaga lang huh? Wag kang iiyak dahil di kita ico-comfort. Upo na tayo, D." Wala ng maingay, mas mabuti nga. Naririndi kasi ako sa mga maingay eh. May nakita akong alibangbang na dumapo sa dahon ng kahoy, wala sa sarili akong napangiti. "Wow! Those butterflies are beautiful! I want to be like them someday!" Sabi ng isang bata, napahalakhak naman ng mahina ang lalaking kasama nya. Napasimangot nalang ito, "Princess, you will not be a butterfly someday. Hinding-hindi yan mangyayari, we are not living in a magical world." Sabi ng lalaki. Umiling ako ng ilang beses, bakit pa kailangang bumalik ang nakaraan? Kinalimutan ko na 'yon, dapat hindi na ako bumabalik sa nakaraan. "Where's, Kent?" Kumabog ng malakas ang dibdib ko, ilang beses akong napailing. Pati ba naman boses nya naririnig ko? Baka naman epekto lang ito ng kaba kong nararamdaman. Lumipad na ang alibangbang, napabuntong hininga naman ako. Naramdaman ko nalang na may umupo sa tabi ko, naamoy ko kaagad ang mamahalin nyang pabango. Nakita kong biglang namula ang nasa unahan ko, nagtataka man ay hindi ko nalang pinansin 'yon. Narinig kong may tumikhim sa tabi ko, hindi ko pinansin kung sino man 'yon. "So, wala ka talagang balak na tumingin man lang sa katabi mo?" Nanlamig ako sa boses na narinig ko, hindi! Bakit ko na naman narinig ang boses nya? Unti-unti akong napalingon sa katabi ko at nalaglag ang panga ko, siya nga ito. "Bakit ka nandito?" Lumabas nalang sa bibig ko, isang mapaglarong ngiti ang binitawan nya bago sumagot. "Why I am here? Simple, I am here because I am studying here. We have the same course and by the way before I forget we own this school. Did I answered your question correctly?" Am I deaf? Mali lang ba ako ng rinig? Imposible! Hindi ko pa siya nakikita rito kahit noon pa ah, kaya imposible talaga! Napailing ako, "You're just kidding." Sana nga tama ako, pero kung hindi siya nag-aaral dito bakit nakapasok siya rito? Napakastrikto ng paaralang ito kaya imposible na may makapasok na hindi taga rito. "You don't know me, do you?" Nakakunot ang noo nyang tanong sa'kin. "I know you, believe me I really do. That's why I am asking if who are you." Sarkastiko kong sabi, nagtagis naman ang bagang nya sa sinabi ko. Tama naman kasi ako, sinong tangang tao ang magtatanong kung sino siya gayong magkakilala naman na pala sila? Napairap ako sa kanya. Magsasalita pa sana siya ng dumating na ang professor namin, matalim nya akong tiningnan. Binalewala ko lang 'yon, 2hrs kami ngayon sa subject na'to. Nang matapos ang subject na 'yon ay dali-dali akong lumabas para hindi kami mapag-abot ng lalaking 'yon. Hanggang ngayon ay hindi ko parin siya kilala, at wala akong balak na kilalanin siya. Umabot na ng hapon at laking pasasalamat ko ng hindi nya na ako ginulo, mabilis na akong naglalakad pauwi pero hindi pa ako nakalabas ng campus ay nakita ko ng nakasandal siya sa isang pader. Mukhang may hinihintay, mabilis parin akong naglalakad. Malapit na ako sa kanya at alam kong nakatingin lang siya sa'kin, wag kang titingin, Steph!. Sabi ko sa sarili ko. "Nagmamadali ka yata? Tsk! Hinintay pa naman kita." Huh? Napalingon ako, wala namang ibang tao rito ah. So, ako ang kinakausap nya? Tumalikod na ako ulit pero hinala lang naman nya ang kamay ko at kinaladkad ako papunta sa.... parking lot? "Bakit mo ba ako palaging kinakaladkad?!" Inis na sigaw ko sa kanya, iwinaksi ko ang kamay ko at binitawan nya naman. Namumula na pala ang kamay ko, inis ko siyang tiningnan. "Kapag kinakausap kita wag na wag mo akong tatalikuran, babae! Baka hindi mo alam kung sino ako?" Napairap ako sa kanya, paki ko sa'yo? "Hindi nga kita kilala." Hah! Akala mo? Hindi na ako natatakot sa'yo! Unti-unti siyang naglakad, napaatras naman ako. "I forgot to tell you my name earlier." Nakangisi nyang sabi sa'kin. Sinabi ko bang magpakilala siya sa'kin? "Di ako nagtatanong at wala akong paki sa pangalan mo." Masungit kong sabi, I heard him chuckled. "Ibang-iba ka talaga sa kanila." Umiling pa siya, "My name is Ellaii Knight S. Montello, the son of the owner of this school. Taking Architecture, 3rd year." Nakangiti nyang sabi, nalaglag ang panga ko. Montello, yan ang surname ng nagmamay-ari ng school na ito. Hindi nga siya nagsisinungaling, napalunok ako. "Now you're scared? Don't be, baby. Hindi ako nangangagat, pero kung gusto mo. Why not?" Ayan na naman ang nakakaloko nyang ngiti, tinitigan nya ako sa mata. "Itaga mo sa lahat ng bagay na makikita mo na ang napakagwapong itsurang ito ay nagngangalang, Ellaii Knight S. Montello." At kinindatan pa nya ako, bigla yata akong nandiri sa sinabi nya. "At bago ko pa makalimutan, lahat ng subjects magkaklase tayo ng sa ganoon mas madali mo akong mabayaran sa lahat ng utang mo." Napakurap ako ng ilang beses, wala na siya sa harap ko. Ako? Magbabayad? Siya? Kaklase ko sa lahat ng subjects ko? Srsly? What the hell? I'm in hell!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD