~(XYLESIER CALDERON POV)
"Huwag mong kakalimutan ang parte ko, huh?" Tinapik ni Paeng ang balikat ko.
"Anong parte ang sinasabi mo?"
Tumawa ito nang bahagya. "Aba, tol, baka nakakalimutan mo kahit papaano ay naka-tulong ako sa iyong huntingin 'yang mga kamag-anak mo."
Ibinigay ko sa kanya ang atensyon ko. "Hintayin mo. Nagsisimula pa lang ako sa paghihiganti ko."
Muli itong bumungisngis at muling tinapik ang balikat ko.
"'Yan ang gusto ko sa'yo," ngumisi ito nang makahulugan. "Xylesier."
~(REINA CELESTINE CALDERON POV)
It was my first day as a CEO at Calderon Enterprise. I admit, kinakabahan ako. I felt like I was never ready to take over, but then I was glad that they welcomed me with open arms.
After meeting the board of directors, nag-usap kami ni Ninong sa opisina ni dad na ngayon ay ginawa na para sa akin.
"Matagal nang katulong ng daddy at mommy mo si Lorena." Bumuntong hininga ako. "I promised your dad not to tell you about her kaya panghahawakan ko ang pangako ko. You could ask my wife if you have questions about her."
Tumango ako. "I understand, ninong. I will talk to Tita Wendy if she's not busy."
"But the documents are all legit. It can be..."
Bahagya akong tumango. "What should I do?"
"Compulsory na bigyan siya ng mana kahit wala siya sa last will and testament ng daddy mo. Pero majority ng ari-arian ng mga magulang mo ay sa'yo pa rin mapupunta."
"Please, give him what he deserves huwag lang ang bahay. I have lots of memories of mom and dad in there."
Tumango si Ninong. "Huwag kang mag-alala. Wala kang magiging problema sa bahay na iyon."
"Thank you so much, Ninong. I owe you a lot."
Napatingin rin ako sa cellphone ko nang tumunog iyon. 'Home' was calling. Numero iyon sa bahay.
"Excuse me," paalam ko kay Ninong at tumayo ako mula sa swivel chair. "Yes?" I answered nang makalayo ako nang bahagya kay ninong.
"M-Ma'am... may problema po... 'yung lalaki pong nagpunta rito noong nakaraang araw, nasa loob po siya ng bahay, sa kwarto niyo po at pinagtatapon niya 'yung gamit niyo."
"What!?"
~(XYLESIER CALDERON JR. POV)
Walang nagtangkang pumigil sa akin.
Sinabi ko sa kanila na anak ako ni Xylesier Calderon at kung sino man ang haharang sa daan ko ay malilintikan sa akin.
Pumasok ako sa loob ng kwarto ng amo nila at pinagtatapon ang mga gamit nito sa labas ng silid.
Gagawin ko lahat para umalis siya sa pamamahay na ito.
Ako ang anak not her!
~(REINA CELESTINE CALDERON POV)
"Damn it!" napamura ako nang makita ko ito mula sa ibaba na hinahagis ang mga damit ko and other stuffs mula sa silid ko.
Nagmamadali akong pumasok ng bahay.
Nang makapasok ako sa kwarto ko ay kasalukuyan siyang nasa walk in closet ko at dala-dala ang mga damit ko at handa na iyon ihagis sa labas pero kinuha ko iyon mula sa kanya.
"What do you think you're doing, huh?" I asked him in disbelief.
"Ako ang may ari ng bahay na 'to! Hindi ba't oras na para umalis ka?"
Naningkit ang mga mata ko at hinagis sa bed ang mga damit ko.
"This house can also be your home but totally not yours!"
"Wala akong pakialam, ang gusto ko umalis ka sa bahay na 'to dahil ampon ka lang at ako ang tunay na anak!"
"Baka nakakalimutan mo? You're illegitimate! Oo, maaring anak ka ni dad pero anak ka lang sa labas!"
Natigilan ito sa sinabi ko. I didn't mean to say it, he was just really pushing me on my limits. I didn't mean to belittle him or anyone by just saying 'lang' or anything else but he pulled the trigger.
"Now, umalis ka sa kwarto ko bago ako tumawag ng pulis," I said glaring at him.
Sinalubong nito ang matalim kong tingin. Nakita ko ang paghigpit ng bagang niya at pagkuyom ng kamao niya.
"Hindi pa tayo tapos," He said it like he was threatening me bago lumabas ng silid ko.
Napapikit ako nang mariin.
~(XYLESIER CALDERON POV)
Pumasok ako sa unang kwartong nakita ko. Malaki iyon, at maganda. Hinubad ko ang damit ko at humiga sa ibabaw ng kama.
"Sinasabi ko sa'yo, hindi pa tayo tapos," nagtatangis ang mga bagang na sabi ko.
Hindi ako titigil hangga't hindi ko naangkin ang pamamahay na ito pati ang salaping mayroon ka.
Tumingin ako sa paligid at napangisi.
Mukhang maraming mamahaling gamit. Siguradong makukuha ko lahat ng iyon ng walang kahirap-hirap.
~(REINA CELESTINE CALDERON)
"This is so unacceptable. Hinayaan niyong pumasok ang lalaking 'yon sa kwarto ko and threw out my stuffs just like that, huh?"
"Sorry po, ma'am..." paumanhin ng isang guard.
Pare-parehas silang nakayuko, pati na rin ang mga katulong.
Napapikit ako. I was still trying to calm myself down.
"Natakot lang naman po kami sa kanya. Sabi niya po kasi ay anak din siya ni Mr. Calderon."
Saglit kong hinilot ang sentido ko bago muling idilat ang mga mata ko.
"Yes... he's a Calderon."
Sabay-sabay silang nag-angat ng tingin na parang nagulat sa sinabi ko.
"But it doesn't mean that he can violate all the rules in this house and it doesn't mean that you should follow his orders over mine."
"Pasensya na ho talaga, ma'am," paumanhin ng isa pang guard.
"Ayoko nang maulit ito, understood?"
"Yes, Ma'am," sang-ayon ng mga ito.
"Maybe... he'll be staying here," alangang sabi ko. "and I want you to remember that I still hold the highest authority in this house."
Tumango-tango ang mga ito.
"You may all go."
Nagsi-alisan ang mga ito sa harap ko. Napatingin ako sa isang silid kung saan nakasindi ang ilaw. Humugot ako nang malalim na hininga.
Hindi agad ako nakatulog pag balik ko sa silid ko because I had to clean up my closet na ginulo ng lalaking 'yon.
He could get want he wanted without being rude. I didn't find it necessary. Hindi naman ako madamot, and just like what Ninong said, compulsory... compulsory na bigyan siya ng mana. He could talk to me in a proper manner. Unfortunately, mukhang wala itong manners.
Argh!
________________________________________________
A/N: This story is for next year.