Chapter 4

1771 Words
~(REINA CELESTINE CALDERON POV) "100 million?" He chuckled. "100 million lang? I'm not stupid." Bumuntong hininga ako. Naging matagal rin ang investigation about him at kailangan kong tiisin ang panahong nakikita ko siya sa loob ng bahay. The result was positive. He was dad's illegitimate son. "You can only get 25% ng naiwang kayaman ni Mr. Calderon," ani tito. "At tingin mo 25% na ang isang daang milyon? Hindi, kukunin ko ang bahay na 'to." Hindi ko alam kung bakit gustong gusto niya ang bahay na 'to. "Magkano bang kailangan mo para tantanan mo na kami?" I asked coldly. Agad akong nilingon ni Ninong. "Reina..." "Name it." Matapang na pahayag ko. "Kalahati ng ari ariang naiwan at ang bahay na ito." "I can give you what you want but not this house." Nakita ko na naman ang pagigting ng mga panga nito. I won't give this up. Ito na lang ang alaalang meron ako kina mom and dad and I won't let anyone get this house from me. "Bakit hindi na lang natin iakyat sa korte ang matter na iyan? Tingnan natin kung sino ang mas may karapatan." I knew malakas ang laban ko but I was scared... I don't wanna risk it. Ayokong i-risk ang kahit isang porsyentong pwede akong matalo. They could get anything from me, but I would die bago nila makuha sa akin ang bahay na ito. Tumayo ang lalaki mula sa couch at namulsa. "Hindi ako aalis sa bahay na 'to kahit anong mangyari." Lumakad ito palayo habang napa-pikit na lang ako nang mariin. "You'll win it, Reina," ani Ninong. "I don't wanna take a risk. Hindi ko kakayanin pag nawala sa akin ang bahay na 'to." Marahang tumango si ninong. "Gagawa ako ng paraan, sa ngayon tiisin mo munang kasama mo siya rito sa bahay mo." "Please, make it sooner, Ninong. I can't... I can't be with that man." Hinaplos nito ang balikat ko. "Let me do my best." ~(XYLESIER CALDERON JR. POV) "Wuoh!" Tumawa si Paeng sa saya. "Daming pera nito, tol. Tiba-tiba tayo ah, ano? Naliligo ka na ba sa pera, huh?" Umupo ako sa isang silya at tinungga ang isang bote ng alak. Tuwang tuwa pa rin ito sa perang dala ko. "Tamang tama, good vibes na tayo ngayon nito kay boss. Makakabayad na rin tayo sa utang." Nagsindi ako ng sigarilyo at hinitit iyon. "Anong iniisip mo, huh?" Tanong nito. Umupo siya sa tapat ko, dinala niya ang sigarilyo sa bibig niya at sinindihan iyon. "Sa akin dapat mapunta ang bahay na 'yon. Hindi sa ampon nilang anak." "Tama 'yan, tol. Matagal ka nang mahirap pa sa daga. Kunin mo na lahat nang makukuha mo." Hindi ko inaasahang palaban ang babaeng 'yon. Pinapahirapan niya ang buhay ko at sisigiraduhin kong papahirapan ko rin ang buhay niya. "Maganda 'yon, hindi ba? Sexy at tsaka makinis, dalhin mo na lang ditto, ako na lang ang aampon sa kanya." "Siguradong hindi ikaw ang tipo ng babaeng 'yon, english ng english hindi naman foreigner." Muli akong uminom ng alak. Tumawa naman ito sa tapat ko. "Alam mo kung anong solusyon sa problema mo, huh?" Dinikdik nito ang sigarilyo sa mesa at tinaas ang paa niya roon. Tiningnan ko lang siya at muling uminom ng alak. "Patayin mo na, hindi ba't siya lang naman ang sagabal sa mga kayaman na dapat sa'yo?" Nanatili akong nakatingin sa kanya. "Pero bago mo patayin, dalhin mo muna dito. Wala akong pakialam kung hindi ako ang tipo niya," nakangising anito habang naka-kagat sa ibabang labi niya. Manyakis talaga ang gago. Maaring tama siya. Pwede ko siyang patayin at bago ko gawin iyon, sisiguraduhin kong mahihirapan muna siya. Papahirapan ko siya. ~(REINA CELESTINE CALDERON POV) "Reina, kumakalat na ang news tungkol sa kapatid mo dito sa barrio. Hindi ba't oras na para ipakilala mo siya sa tao?" tanong sa akin ni ninang Wendy. Mom and dad's closest friend, Ninong Gilbert's wife. She had been working with mom and dad since 15 years ago. I remained sitting on my swivel chair, legs crossed. "He's not ready." "Does it matter?" "I don't know..." Pumikit ako and lean forward to my table. "I want to protect dad's reputation." Hindi ko pa rin kasi ito nakikitaan ng kahit kaunting manners. Ayokong iharap siya sa tao nang ganoon siya. Napalingon kaming dalawa ni Ninang nang may kumatok sa pinto. Pumasok ang sekretarya kong si Jean looking so worried. "Ma'am, you should watch the news," sabi nito pagkatapos ay hinanap ang remote at sinindi ang TV. I saw that guy in the news. "Tinalikuran niya kami ng Nanang at buong buhay ko ay hindi niya ako binigyan ng sustento," pahayag nito. Damn, did he seriously call these people for press conference? Kusang umawang ang mga labi ko habang nakatingin sa television. Was he really losing his mind? "Si Nanang ang nagpaaral sa akin mula elementary hanggang high school bago siya mamatay. Alam ng ama ko ang paghihirapan namin ng Nanang pero nakuha niya kaming tiisin para sa sarili niyang reputasyon. Sa totoo nga, mas gusto niya pang mag-ampon kaysa ang tanggapin ang sarili niyang anak." Oh, god. "Ganoon pa man, kahit kalilan man ay hindi siya naging ama sa akin, hindi ko nagawang magtanim ng sama ng loob sa kanya. Ngayon, unti-unti ay napatawad ko na siya." "Turn that damn TV off," malamig na bigkas ko habang nagtatangis ang mga bagang ko. Damn it, he wanted a press conference for what? To gain people's sympathy? Argh. I really hate that man. ~(XYLESIER CALDERON JR. POV) Napangisi ako pagkatapos ng interview. Akala niya ba hindi ko alam ang ginagawa niya? Tinatago niya ako sa tao at hindi ko hahayaang mangyari iyon. Isa na akong Calderon ngayon at paninindigan ko iyon. Ako lang ang magmamana ng lahat ng perang meron ang magaling kong ama. Nagsisimula pa lang ako. Isang araw, sila naman ang luluhod sa harap ko at makikiusap. Hindi ako makakalimot sa lahat ng nagawa nila sa akin at kay Nanang. Hinding hindi. "Hindi ka ba nagisiip, huh?" Kararating ko lang ng bahay pero sinalubong na ako ng nagbabagang mga mata nito. Sinasabi ko na nga ba ganoon ang magiging reaksyon nito sag alit. Ngumisi ako sa babeng nasa harap ko. "Nagiisip. Kaya kabahan ka na. Baka bukas wala ka na rito." Kitang kita ko ang galit sa kulay dagat nitong mga mata. "How dare say those things live? Hindi mo manlang ba naisip si dad? His reputation?" "Bakit ko naman siya iisipin? Wala naman siyang pakialam sa ibang tao bukod sa'yo, hindi ba? Isa pa, patay na siya. Ano pang pinuputok ng buchi mo?" "He's a good man," mariing sabi nito. "Hindi mo dapat sinabi 'yung mga kasinungalingang 'yon just to put him down!" Binigyan ko siya ng matalim na tingin. "Hindi ako nagsisinungaling. Nagsasabi ako ng totoo." "Truth? For sure Kung alam lang ni dad na may anak siya sa iba he would find you. He would let you live a beautiful life!" "Hindi. Alam mo kung bakit?" Humakbang palapit sa kanya at nilapit ang mukha ko sa mukha niya. Sinalubong ko ang matatalim niyang mga mata. "Dahil selfish siya." Pakiramdam ko ay naduduling ako sa mukha nito. Nakakalunod ang titigan siya nang malapitan. Lumayo ako sa kanya bago pa sakupin ng mabangong amoy niya ang buong pagkatao ko. ~(REINA CELESTINE CALDERON POV) Nagising ako na masakit ang ulo ko. Tila pinupukpok iyon ng ilang dosenang martilyo. I wear a robe pagkatapos kong maligo at bumaba na rin ako ng hagdan. "Thank you," I said to our maid nang abutan ako nito ng isang tasa ng tsaa. Nagtungo ako balcony to relax. Doon madalas magtungo sina mom and dad para magkape. It was their favourite place in the house dahil doon, natatanaw nila ang halos buong bakuran. I was so stressed. I needed some fresh air to breath. Ang dami kong bad comments na nabasa about his interview. Bad comments about my dad. Even he's not alive anymore, ayoko pa rin nang nakakarinig ng ano mang masamang bagay tungkol sa kanya. He was a good father to me, alam kong mabuti siyang tao and that was enough para protektahan ko ang pangalan niya ang defend him. Sa 'di kalayuan, napansin ko ang isang pigura ng isang lalaki. Nakatayo ito sa garden habang dinidiligan ang mga halaman. Hindi ko alam kung bakit kusang bumaba ang tingin ko sa balikat nitong malapad pababa sa malaking dibdib nito. He was... topless. Bumaba pa ang tingin ko sa mukhang matitigas na bagay na nasa tiyan niya. I didn't know my my throat instantly went dry. Wala sa loob na napainom ako sa tsaa forgetting na mainit iyon. "Ahh!" daing ko at napahawak ako sa ibabang labi ko na napaso. What are you doing, Reina? I should be taking my eyes off him pero hindi ko alam kung bakit nagawa ko pa itong patuloy na tingnan. Pakiramdam ko ay may sariling isip ang mga mata ko na patuloy sa pagsulyap sa kanya. I must admit that... he was different. I mean... I don't know. Maybe he was handsome because he had dad's DNA. Hindi ko naman itatanggi na guwapo rin si dad. Napansin kong tumingin ito sa direksyon ko kaya agad akong nag-iwas ng tingin. Simple akong humawak sa lalamunan ko na noon ay nakakaramdam pa rin ng panunuyot. Hindi ko na muling tinangkang lingunin siya at umalis na ako sa balcony para kumuha ng tubig na maiinom. I had to wet my throat. Dumiretso ako sa kusina. Nanatili akong nakatayo sa harap ng lamesa habang hindi ko namalayan na halos maubos ko na ang isang pitchel ng tubig. "Did you enjoy looking at me earlier?" Sandali akong napatigil sa pag-inom nang marinig ko ang tinig nito. Pumwesto ito sa harapan ko still topless but he was wearing a smirk on his lips. "You're in my house, of course I will see you." Nanatili itong nakangisi sa akin hanggang sa umalis ito sa harapan ko. Hindi ako nag-abalang sundan siya ng tingin. Narinig ko ang pagkuha niya ng baso. I stiffened nang tumabi siya sa akin. Tumabi siya sa akin na tila sinadyang ilapit ang katawan niya just to get the pitchel. I composed myself. I didn't want to show him any vulnerability. Akmang aalis ako pero nakuha niya agad ang braso ko. I simply gulped something down my throat nang makita ko ang mala-demonyong ngisi sa mga labi niya. "Hindi pa tayo tapos." Marahas ko namang binawi ang braso ko mula sa kanya. Nakikita ko ang pagiging tuso niya, I would not give him anything from me that he would be so satisfied to see. "Right, we're not done yet."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD