Agad niyang sinugod sa ospital si Aaliyah nang makita ang sugat ng asawa niya. Nang tanungin niya ito kung saan nito nanggaling ang sugat nito nasabi nitong pinuntahan nito si Maxine. Hindi pa nga na so-solve ang problema nila kay Patrick, sumabay pa si Maxine. Dahil na rin sa pag-aalala niya sa asawa tinakbo na muna niya ito sa ospital at hindi na muna sinugod si Maxine. Hindi niya iniwan ang si Aaliyah habang ginagamot ang sugat ng asawa niya. Narinig niyang sinabi ni Aaliyah sa doctor na aksidente itong nadapa sa may basag na bote kaya ito nasugatan. "Ok na iyan within one week lang gagaling na iyan. Matatagalan lang ang pag alis ng peklat," sabi ng doktor sa kanila. Malaki-laki din ang tinamong sugat ni Aaliyah. Buti na lang din at hindi malalim ang sugat kaya hindi na kailanga