Para kasuhan si Patrick personal nang sumama si Matteo sa abogado nito sa presinto. Nais kasing masiguro ni Matteo na magbabayad si Patrick sa ginawa nito sa kanya. Inihatid pa siya ni Matteo sa penthouse bago ito umalis. Hindi na siya sinama pa ng asawa kahit nais niyang sumama para magbigay ng statement. Ayaw na daw siyang ma stress pa ng asawa. Dahil hindi rin naman siya mapakali mag-isa sa loob ng penthouse nag decide siyang lumabas at hanapin ang room number ni Maxine. Kailangan niyang harapin ang higad niyang stepsister para mapagsabihan na ito na tigilan na siya at si Matteo. Wala na rin naman itong mapapal pa. Hindi rin naman nito maaagaw pa sa kanya ang asawa. Dahil na rin kilala siya ng mga staff sa hotel hindi siya nahirapan sa pagkuha sa room number ni Maxine. Kaya naman