Pagdating sa nasabing resort agad siyang bumaba ng kotse. Hindi na nga niya nahintay na pagbuksan pa siya ni Jackson. Nais na niyang makita si Matteo para malaman kung magkasama nga ba ito ni Maxine. Taas ang mukha niyang lumakad sa malaking resort. Ngayon palang siya nakapasok sa pang mayaman na resort na ito, although naririnig na niya sa mga mayayaman niyang kaklase ang Leonardo Resort. Mukhang ang asawa pa niya ang nagmamay-ari. Naiwan si Jackson sa may sasakyan, para na rin makapag paghinga muna ito habang hinahanap ang asawa niya na may kasamang higad. Sa lobby siya tumuloy at nagtanong sa receptionist kung nasaan si Matteo. Pinagtaasan siya ng kilay ng babae, saka makahulugang sinuri ang suot niyang uniform. "Kung nais mong ma interview ang CEO namin. Magpa schedule ka muna," ma