Matapos ang nakakainis na pag-uusap nila ng asawa sa may beach, agad na siyang nagyayang umuwi, parang sumama kasi ang pakiramdam niya sa mga sinabi sa kanya ng asawa. Naiinis siya sa tuwing pinapaalala sa kanya ng asawa ang tungkol sa kontrata nila. Kahit hindi nama niya binasa ang kontrata dapat lang alam ni Matteo na hindi na ito pwedeng makipag flirt pa sa ibang babae dahil kasal na sila. Habang nasa biyahe wala siyang kibo at nakatingin sa labas ng bintana. "What's wrong?" Matteo asked. Marahil napansin nito ang pananahimik niya. "Bakit si Maxine ang model?' She asked na hindi man nililingon ang asawa. Ramdam niyang nagseselos siya kay Maxine. Dahil parang napakaswerte sa buhay ng babaing iyon. Maganda na mayaman pa. Ang layo sa buhay niya. "Rush na kasi ang paghahanap namin n