Niyaya na muna niyang lumabas si Aaliyah sa sa party, dahil halos lahat yata ng kalalakihan sa loob ay napapasulyap sa maganda niyang asawa. Lalo na ang Patrick na iyon. Panay ang sulyap at ngiti ng lalaking iyon sa asawa niya. Nais na niyang pilipitin ang lalake sa leeg para matigil na sa pagtingin sa asawa niya. Hindi niya gustong may ibang lalake na tumitingin sa asawa niya. Sobrang ganda pa naman ng asawa niya ngayong gabi. Sinadya nitong magpabongga at magpaganda ng husto para sa gabing ito. At masaya siya para sa asawa dahil nakuha nito ang atensyon ng lahat. Nangibabaw ang ganda nito na kinailangan pa niya itong ilabas para lang siya muna ang tumingin sa maganda niyang asawa. "Bakit tayo dito pumunta?" Aaliyah asked nang makarating na sila sa rooftop ng building. "Gusto kong ipak