"Eh nasaan ba si Aaliyah anak? Bakit hindi pa siya bumababa? Ngayon ang unang araw ng photo shoot sa resorts," saad ng Mama niya nang umagang ng surprise visit ito sa penthouse niya, para magdala ng pagkain sa kanya. "Maaga pong umalis si Aaliyah Mama, may dadaanan pa po kasi siya sa eskwelaan," pagsisinungaling niya sa Mama niya. Halos isang linggo na mula nang maghakot si Aaliyah ng mga gamit niti sa penthouse niya at iwan siya. Wala siyang nagawa nang hilingin ng asawa na maghiwalay na muna sila at bigyan ng space ang isat-isa. Labag man sa kalooban niya ay pumayag na rin siya, kesa sa tuluyang mawala sa kanya ang asawa. Wala na rin siyang nagawa pa kahit hindi na nasusunod ang nakalagay sa kontraya nila ni Aaliyah. Ang tanging mahalaga sa kanya ngayon ay kahit magkalayo sila ay mag