Kinabukasan tinawagan niya ang kaibigan niyang si Robert at maagang pinapunta sa asyenda para sabihin rito ang kanyang mga plano. Nais niyang gantihan si Nancy sa pamamahiya nito sa kanya sa social media, kaya nagdesisyon siyang pakasalan si Athena. Gagamitin niya si Athena laban kay Nancy, para ipakita niya kay Nancy kung sino talaga siya. Hindi naman siya nabigo kay Athena, dahil agad niyang napapayag itong magpakasal sa kanya kapalit ang pagpapatigil niya sa pag demolish ng asyenda. All set na ang lahat. Kagabi pa niya natawagan ang abogado niya para maihanda ang mga kailangang pirmahan ni Athena sa kasal-kasalan nila. Yes, kasal-kasalan lang naman ito hindi ito totoong kasal. Peke ang gagawin nilang kasal para lang maipakita na kinasal sila ni Athena. At after ng isang taon, maghih