Nanlalaki ang mga mata niyang nakatingin kay Austin. Hindi makapaniwala sa kanyang narinig. "Marry me Athena, at ibibigay ko sa iyo lahat ng gusto mo," sabi pa nito sa kanya. Pakiramdam nita lumaki ang kanyang ulo habang hindi pa rin maalis-alis ang mga mata rito. Nagbuka siya ng bibig para sana magsalita, pero wala namang salitang lumabas sa kanyang bibig. Lumapit sa kanya si Austin at hinawakan ang magkabila niyang braso. "Pakasalan ka sa akin Athena at pinapangako kong hindi mawawalan ng trabaho ang mga trabahador sa asyenda," sabi pa nito sa kanya na lalong kinalaki ng kanyang mga mata. Malinaw at naiintindihan niya ang mga sinasabi nito. Sadyang hindi lang niya alam ang sasabihin. Hindi mawawalan ng trabaho ang mga trabahador sa asyenda, basta mgapapakasal siya rito. Kasal?