Hindi niya inurungan ang mainit na paghalik sa kanyang labi ni Austin. Gumanti siya sa paraang alam niya para masabayan ang galing nito sa halikan. Ito na ang chance niya para maisagawa ang kanyang mga plano. Sadya siyang nagtungo sa may hardin, dahil alam niyang naroon si Austin, ayaw niyang mag give up at masayang isang gabing pag stay niya sa bahay nito. Bukas kailangan na niyang umuwi sa bahay nila, magtataka na ang mga magulang niya pag hindi pa siya umuwi sa kanila. Ayaw niyang malaman ng mga magulang niya ang mga plano niya. Basta magtagumpay lang siya ok na. Matapos ang mahaba-habang sandaling paghahalikan nila ni Austin pinakawalan na nito ang kanyang labi. Nagkatitigan pa sila nito habang halos magkadikit pa rin ang kanilang mga katawan. "Athena," Austin called her name. "Ba