Hindi na niya alam kung ano ang iisipin niya sa ginagawang ito ni Athena. Obvious naman kase na inaakit siya nito. Pero bakit? Nang gabi iyong hindi siya makatulog sa kaiisip kay Athena, sa inosente at maganda nitong mukha. Isama pa ang magandang hubong ng katawan nito na talaga namang gumugulo sa isipan niya. Ilang beses na ba niyang nakita ang magandang katawan ni Athena. Sanay siyang makakita ng magagandang katawan ng mga magagandang babaing nakakasama niya. Pero may ibang dating sa kanya ang katawan ni Athena. Na para bang hindi nababagay ang katawan ni Athena sa inosente nitong mukha. Nagtungo siya sa labas sa may swimming pool para doon uminom. Kailangan niyang uminom ng alak para i relax ang pagod niyang isip sa dami ng kanyang inisip. Nais kasi niyang maging sucessful ang project