"Wala po si Manang Dolores at ako po muna ang kapalit niya ngayong araw," tugon niya sa amo. "Bakit ikaw? Katulong ka ba?" Tanong nito at naupo na habang hindi pa rin nito inaalis ang mga mata sa kanya. "Wala po kasing ibang papalit sa kanya dito sa bahay, kaya po ako na lang ang pinakiusapan niya Sir Austin," paliwanag niya. "Ganoon ba," saad nito. Hindi nakaligtas sa kanya ang pagsulyap sa kausotan niya. Nakasuot siya ng t-shirt at short lang. Nagtagal ang mga mata nito sa may dibdib niya. Alam niyang may kalakihan ang kanyang dibdib, at kaakit-akit pa rin ang mga iyon, kahit simpleng t-shirt lang ang suot niya. "May kailangan pa po ba kayo Sir?' Tanong niya rito. Mabilis naman itong nag iwas ng tingin at tinuon ang atensyon sa pagkain. "Wala na, makakaalis ka na," tugon nito sa kan