Matapos nilang magtungo sa bahay ng mga magulang ni Matteo niyaya pa siya ng asawa mag mall. May bibilhin daw sila nito. Hindi na rin naman siya tumanggi pa, dahil nga sinabi niya sa asawa na kailangan nitong patunayan sa kanya kung talagang mahal siya nito. Naging maganda naman ang pagtungo nila sa bahay ng mga magulang nito, although wala doon ang Papa nito at nasa opisina. Ang Mama lang nito ang nadatnan nila. Nagkarooon sila ng pagkakataon ng Mama ni Matteo na magkwentuhan tungkol sa pagiging ama niya si Victor Benitez. At syempre napag-usapan din nila ng biyenan ang tungkol sa pagsasama nila ni Matteo. Wala namang idea ang mga ito na isang linggo na silang hindi nagsasama ni Matteo. At natitiyak niyang kung malaman ng nito ay malaking gulo. Kaya mabuti na rin na sumama siya sa asa