Hindi maalis-alis ang ngiti niya sa labi habang nagmamaneho patungo sa condo ni Aaliyah, para sunduin ang asawa at pupunta sila nito sa bahay ng Kuya Marco niya para mag dinner at makasama ang mga kapatid at asawa ng mga ito. "Aaliyah," bulong pa niya sa magandang pangalan ng asawa at sinulyapan ang bouquet na nasa passenger seat. Personal niyang binilhan ng bulaklak ang asawa, bilang simula ng kanyang pagpapatunay sa kanyang nararamdaman para sa asawa. Inamin na niya kay Aaliyah na mahal niya ito. Iyon kasi ang nararamdaman niya para sa asawa. Marahil matagal na niyang mahal ang asawa, at hindi lang niya alam. Pero ngayon alam na niya at sigurado na siyang mahal na mahal niya ang asawa. Masaya na rin siya kahit hindi pa siya tuluyang pinapatawad ng asawa, binigyan naman siya nito ng pa