"Kaya ko naman magtungo sa mall na mag isa Matteo,' sabi niya kay Matteo habang sakay sila ng elevator. Agad siyang pinagbihis ni Matteo matapos kausapin ang secretary nito sa telepono na siyang dahilan kung bakit nahinto ang ginagawa nila sa may sofa. Hindi siya sigurado kung hanggang saan aabot ang ginagawa nilang iyon kung hindi tumawag ang secretary nito. Sinabi nito na hindi daw siya nito masasamahan mag mall dahil may meeting pa daw ito. Kaya ang secretary at driver na lang daw nito ang sasama sa kanya. "Kasama sa pinirmahan mong kontrata sa akin na pati ang security mo ay ako na ang bahala. Hindi ka pwedeng umalis mag isa. Kung hindi ako ang kasama mo, dapat may kasama kang tauhan ko," litanya ni Matteo sa kanya. "What?" Gulat na tanong niya. Sakto namang bumukas ang pintuan ng