Malungkot siyang nakabalik ng penthouse ni Matteo. Inihatid naman siyang ni Ms. Beng at Jackson hanggang sa mismong penthouse ni Matteo. Wala pa si Matteo sa penthouse. Ang sabi ni Ms. Beng nasa meeting pa rin ito. Kaya naman nang umalis na ang dalawang kasama niya naiwan na siyang mag isa sa loob ng penthouae. Naupo siya sa sofa kung saan at napatitig sa maraming paper bag na nalagay sa lapag. Isa-isa niyang tinignan ang mga iyon. Hindi naman niya malaman kung dapat ba siyang maging masaya o ano. Kanina sa mall nasaktan siya sa sinabi ni Vina sa kanya, tungkol sa nanay niya. At naisip rin na tama rin naman ang sinabi nito. Na kahit ano pa ang gawin niya nanay at nanay pa rin niya ang nanay niya. Gaano man ito naging kasama sa kanya. Hindi na lang niya pinatulan ang mga pinsan para hi