Muntik na naman siyang makalimot sa sarili sa matamis at mainit na halik sa kanya ni Matteo. Buti na lang at nag ring ang cellphone ni Matteo, kaya nagkaroon ng pagkakataon para maghiwalay ang kanilang mga labi. "Wait a sec, sweetheart," bulong pa sa kanya ni Matteo. Napangiti naman siya at kinagat ang ibabang labi. "Yes Ma," narinig niyang sabi ni Matteo sa kabilang linya. Mama nito marahil ang tumawag. May ngiti sa labi siyang lumakad patungo sa may kusina, para ipaghanda ng snacks si Matteo. Maybe wala man sa kontratang napirmahan niya na kailangan niya itong asikasuhin pati sa pagkain, gusto pa rin niyang gawin. Nais niyang mapagsilbihan si Matteo kahit sa simpleng paraang alam at kaya niya. Hindi biro ang tulong na naibigay sa kanya ni Matteo. Kung wala si Matteo mas nanaisin na la