Kinagabihan naghanda na siya para sa dinner nila sa bahay ng mga magulang ni Matteo. Sinuot niya ang mamahaling dress na sadya pang pina reserved ni Matteo sa isang boutique at kinuha pa ng secretary nito kanina. Ayaw nga sana niyang isuot, dahil may simpleng dress siyang binili na siyang isusuot sana niya. Nais niyang humarap sa mga magulang ni Matteo kung sino talaga siya. Ganoon pa man si Matteo pa rin nasunod kaya naman sinuot niya ang maganda at elegantent dress. Tuwang-tuwa siya nang makita kung gaano kaganda ang dress sa kanya nang sinuot na niya iyon. "Parang hindi ikaw Aaliyah," bulong niya sa sarili habang nakatingin sa salamin. Ibang babae ang nakikita niya sa salamin. Malayong-malayo sa Aaliyah na problemado, walang pera, walang makain at walang matulugang maayos. "Sino ka?"