Hindi na lang siya kumibo sa sinabing iyon ni Matteo at tinuon na lang muna ang atensyon sa pagkain. Maganda ang lugar at nakakarelax. Ayaw muna niyang pag-usapan nila ang ano mang problema sa ngayon. Nais niyang mag enjoy muna, kahit sandali. Makalimutan ang problema sa San Ignacio. Dalawang araw lang naman. "Pagkatapos nating kumain ipapasyal kita sa tabing dagat palapit rito. Maraming turistang dumadayo rito," Matteo said habang kumakain sila. Napaangat naman siya ng ulo at tumingin sa binata saka tumango rito. "Hindi ka ba marunong balat ng alimango?" Puna sa kanya ni Matteo. Kanina pa kasi siya nahihirapan sa pagkuha sa laman ng alimango. "Ah.. Eh.. hindi masyado," nahihiyang tugon niya rito. Paano hindi naman siya kumakain ng alimango. Mahal ang alimango kaya hindi siya makakak