Pagbalik nila ng sa resthouse ni Matteo agad na silang pumasok sa loob para isa-isa niyang matignan ang mga damit na pinamili sa kanya ni Matteo. Natigilan pa nga siya nang makapasok sa resthouse, pagpasok kasi makikita mo na ang lahat sa loob. Naroon ang malaking kama at isang sofa na hindi naman pwedeng higaan. Agad tuloy niyang naisip kung paano sila matutulog ni Matteo roon mamaya. Malalawak naman ang loob ng resthouse na one sided mirror ang nakapalibot roon. Kitang-kita ang labas mula sa loob. Pero wala naman nakikita sa loob pag nasa labas. "Sukat mo na para makapili ka ng isusuot mo mamaya. Sandali lang naman tayo, para hindi na lang magtampo sa akin si Vlad," Matteo said. Isa-isa naman niyang inilabas sa paper bag ang mga damit. Lahat naman ng kinuha ni Mattep two piece, swimsu