Chapter-43

1503 Words

Napatulala siya sa narinig niya mula kay Austin. Tama ba ang narinig niya? Mahal siya ni Austin? Paano nangyari? Sunud-sunod na tanong sa isip niya habang nakatingala kay Austin at nakatingin sa mga mata nito. Mukhang seryoso naman ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Nagbuka naman siya ng bibig para sana magsalita, iyon nga lang hindi niya alam kung ano ang sasabihin kay Austin. "I know, Athena nabigla ka sa sinabi ko. Ako din naman nabigla at hindi alam kung paano nangyari ang lahat ng ito. Pero isa lang ang sigurado ako, Athena," litanyan nito sa kanya at hinawakan ang magkabilang kamay niya. "Mahal kita Athena, at sigurado ako sa nararamdaman ko para sa iyo. Yes, bago sa akin ang ganitong feelings, dahil ngayon ko lang ito naramdaman. Pero sigurado ako na mahal kita Athena,"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD