Kinabukasan maaga silang nagtungo ni Austin sa taniman para tumulong sa paghahanda sa salo-salo kasama ang mga tauhan sa asyenda. Medyo puyat pa nga silang mag-asawa dahil hindi sila agad nakatulog sa pagkukwentuhan pa ng kung anu-ano tungkol sa kani-kanilang buhay. Para mas makilala pa nila ang isat-isa at sa bawat maganda at hindi maganda nilang napag-usapan ni Austin eh lalo naman siyang na inlove sa asawa. At mukhang lalo pa siyang ma i-inlove sa asawa sa bawat araw na magkasama sila. Pagdating sa taniman busy na ang lahat sa paghahanda ng pagkain sa malaking mesa kung saan sila magsasalo-salo. Nadatnan pa nga nila ang nile-lechong baka at baboy ng mga tauhan. Naamoy pa nga lang niya ang mga inihahanda eh kumalam na ang kanyang sikmura sa gutom. Lahat nakangiti at masaya. Lahat din b