"Matteo ano ba nasasaktan ako!" Impit niyang reklamo sa asawa habang hinihila siya paakyat ng hagdan nang marating na nila ang penthouse. Maraming sinabi sa kanya ang asawa na hindi naman niya naiintindihan. Lalo na ang tungkol sa punishment na paulit-ulit nitong sinasabi na makukuha niya dahil sa hindi niya pagsunod sa kontrata. Kung bakit naman kasi hanggang ngayon hindi pa niya nababasa ang kontratang pinirmahan niya. Nangangapa tuloy siya. "Kailangan mong masaktan Aaliyah, para magtanda ka na at hindi mo na uulitin pa ang ginawa mo kanina!" Asik ni Matteo sa kanya. "What if wala ako roon? Anong gagawin niyo ng lalaking iyon after niyong mag inuman ah?!" Galit na tanong sa kanya ni Matteo. Kanina pa niya ramdam ang galit ni Matteo, sa sasakyan palang sila ay masasakit na mga salita