Nakipagkita siya kay Maxine para magtanong-tanong siya tungkol sa stepfather nito. Iba kasi ang pakiramdam niya kay Mr. Victor Benitez. Malinaw naman na sinundan siya nito nang magtungo sa bahay ng tiyahin ni Aaliyah. At hindi iyon gagawin ni Mr. Benitez kung hindi ito interesado sa asawa niya. Kaya naman ayaw man niya ay nakipagkita siya kay Maxine para makausap ito tungkol kay Mr. Benitez. Sa isang bar sila nagkita ni Maxine. Tatanggi sana siya nang sabihin ni Maxine na nais nitong sa VIP sila mag-usap, iyon nga lang wala na siyang nagawa pa kaya pumayag na siya. Sa pagtatanong niya tungkol kay Mr. Benitez ay wala naman siyang nakuhang mahalagang inpormasyon mula kay Maxine. Tatlong taon palang kasi kasal ang Mommy nito kay Mr. Benitez, at dahil na rin may trabaho na si Maxine, kaya bi