Pag-alis ni Matteo sa penthouse nagbihis na rin siya para sundan ang asawa. Dahil adik sa social media ang kaibigan niyang si Dette nakapagtanong-tanong siya tungkol kay Maxine na isa sa sinusubaybayan ng kaibigan sa social media. Hindi naman siya nabigo at nalaman niyang nasa isang bar si Maxine ngayon at nakikipag party-party. Doon siya pupunta ngayon, para sundan ang asawa niya. Maybe hindi pa nga siya naipakikilala sa madla ni Matteo bilang asawa nito, pero kasal na sila at legal iyon. Kaya may karapatan siyang hanapin ang asawa kung saan ito nagtungo. Suot ang isa sa mamahaling dress na binili ni Matteo sa kanya, inayos din niya ang sarili. Naglagay siya ng tamang make up, at sinuot ang mamahaling necklace na bigay ng asawa. Syempre suot din niya ang wedding ring. Hindi lang siya sur