Mabilis na lumipas ang mga araw at dumating na rin ang matagal na pinakahihintay niya at ni Matteo. Ang kanilang bonggang kasal na gaganapin sa malaking simbahan ng San Ignacio. Ito ang pinaka magandang araw para sa kanya, dahil makakapagsuot na siya ng magandang wedding gown. Buong buhay niya hindi niya lubos maisip na may isang lalaking katulad ni Matteo Leonardo ang darating sa kanya at pakakasalan siya ng totoo. Legal at totoo ang kasal nila ni Matteo. Simpleng kasal lang ang una nilang kasal at ang tanging saksi ay ang dalawang kuya lang ni Matteo na sina Marco at Marcus. Ganoon man kasimple ang naging kasal nila ni Matteo eh iyun naman ang naging daan para mapatunayan nila sa isat-isa na mahal pala nila ang isat-isa. Iyung inakala niyang hindi siya magagawang mahalin ni Matteo. N