"Anong masasabi mo kina Mama at Papa?" Tanong sa kanya ni Austin habang pauwi na sila sa bahay nila. "Mabait sila," nakangiting tugon niya. "Because they like you," Austin said. "They like me?" Paninigurado niya. "Yeah," agad nitong tugon. Ngumiti siya. Ramdam naman niya kanina na gusto talaga siya ng mga magulang ni Austin. Mababait ang mga ito at hindi matapobre, kahit nalaman ng mga ito na isa lang siyang anak ng tauhan sa asyenda at malayo sa marangyang buhay ni Austin eh wala siyang narinig na sa mga ito. Ibang-iba ang mga magulang ni Austin sa ibang mayayaman na ang gusto ay mayaman at kauri rin ng mga ito ang mapangasawa ng anak ng mga ito. Kung sana nga kang totohanan na ang kasal nila ni Austin eh matutuwa siya, dahil kahit ganito lang siya eh tanggap siya ng mga Leonardo.