Kinagabihan nagtungo sila sa bahay ng mga magulang ni Austin para doon mag dinner at pormal na rin siyang ipakilala nito sa mga magulang nito. Hindi na rin muna nila pinag-usapan ni Austin ang tungkol kay Nancy. Alam naman niya ang kanyang lugar kaya hindi na niya dapat pang gawing big deal ang tungkol kay Nancy. Although naroon ang nag-iisip siya ng kung anu-ano lalo na't mukhang malalim ang naging relasyon ng dalawa bago pa siya dumating sa buhay ni Austin. At mukhang si Nancy ang dahilan kung bakit siya pinakasalan ni Austin. Ewan ba niya kung bakit may kirot sa puso niya ang isiping iyon. Hindi naman talaga niya dapat seryosohin pa ang nagaganap sa kanila ni Austin. Mala mansyon ang pinasukan nilang bahay ni Austin. Kabado siya dahil baka hindi naman siya matanggap ng mga magulang ni