"Ibaba mo nga ako Austin!" Asik sa kanya ni Nancy nang makapasok na sila nito sa loob ng bahay para mailayo ito kay Athena, baka saktan pa kasi ni Nancy si Athena na wala namang kinalaman sa nangyayari. "Walanghiya ka Austin! Manloloko ka!" Asik sa kanya ni Nancy nang maibaba na ito. "Hindi ako papayag na mapahiya ako ng ganito Austin!" Dagdag pa nito. "Ikaw ang nauna nagloko, Nancy," he said. "It just a prank, Austin. Gusto ko lang makita ang magiging reaksyon mo," saad nito. Iniling niya ang ulo. Nangyari na ang nangyari. Siya ang tipo ng tao na ayaw na ayaw napapahiya. Kaya tama lang ang ginawa niya, tutal hihiwalayan naman talaga niya si Nancy soon. Napaaga lang dahil sa masyado itong papansin. Isa pa na kay Atnena ang atensyon niya ngayon. Wala na siyang ibang nais makasama kund