Pagdating sa tapat ng bahay ng tiyahin ni Aaliyah, nagmamadali siyang bumaba ng sasakyan. Hindi na nilingon pa ang mga taong nasa kalsada na agad nagbulungan ng makita siya. Halos masira nga niya ang gate sa pagmamadali para lang makita si Aaliyah bago saktan ang asawa niya. "Where is Aaliyah?!" Galit na tanong niya nang makapasok sa loob ng bahay. Bumungad pa nga sa kanya ang dalawang pinsan ni Aaliyah tila na nagpapa cute pa sa kanya, habang nakatingin sa kanya ang mga ito. Nakita niya si Aaliyah na nakaupo sa kahoy na upuan. Mabilis siyang humakbang palapit sa asawa at hinila ang kamay nito. "Let's go!" He said nang mahila ang kamay ng asawa. "Haba teka naman!" Harang sa kanya ng nanay ni Aaliyah. "Mag-usap muna tayo," sabi pa nito. Masamang tingin ang pinukol niya sa ina ni Aal