"Mr. Benitez? What a surprise," gulat pa niyang sabi nang makitang si Victor Benitez na pumasok sa loob ng opisina niya. Palabas na sana siya ng opisina dahil tapos na rin ang office hour niya. Nang sabihin ng secretary niya na may bisita pa siya. Kaya naman pinagpaliban na muna niya ang pag-alis. "Good afternoon Matteo," bati sa kanya ni Victor at humakbang palapit sa mesa niya. Sinalubong naman niya ang negosyante. Kaibigan ng kanyang ama si Victor Benitez. Isa itong kilalang negosyante. May ilang mga negosyo ang kanyang ama na kasosyo nito si Mr. Benitez. Kaya naman kilala na niya rin ito. Lalo pang naplapit sa kanila sa pamilya niya si Mr. Benitez nang mapangasawa nito si Olga ang amiga ng kanyang ina at naging step daughter nito si Maxine. Bukod kina Olga at Maxine ay wala na siyang