Pagbalik nila ni Austin sa Hacienda Leonardo, ay hindi na nila kasama si Robert. Sa restaurant palang na kinainan nila nagpaalam na si Robert sa kanila, kaya naman silang dalawa na lang ni Austin ang umuwi. Agad siyang niyaya ni Austin sa may library para daw pag-usapan nila ang nangyaring pekeng kasal nila. "Peke ang kasal, dahil hindi natin parehong pinirmahan ang dokumento. Sadyang nagtungo lang tayo sa judge na iyon para makuhanan ng mga larawan bilang ebidensya," litanya nito. Tumango na lang siya. Kung magtatanong pa kasi siya kung kanino ba talaga nino balak ipakita ang mga ebidensya na iyon eh baka naman sabihan pa siya nitong nanghihimasok. Alam naman niya ang lugar niya. Kaya mas pipiliin na lang niyang manahimik na lang kahit ang dami pa sana niyang nais itanong. "Malinaw na