Matapos siyang maayusan ng mga make-up artist na kinuha ni Austin para sa kanya, muli siyang umakyat sa silid ni Austin para naman magbihis na. Isusuot na niya ang dress na binili nila kanina para wedding dress niya. Pagpasok niya sa silid, bihis na si Austin natigilan pa nga ito nang makita siya. Para nga itong matulala nang makita siya. Alam niyang maganda siya, pero lalo siyang gumanda matapos siyang ma make-up an ng mga bading kanina. Naipakita talaga ang ganda ng kanyang mukha. "Magbibihis na ko,' she said. "Ah.. Yeah.. Yeah..," tugon nito. Napansin niyang nautal ito. Marahil nautal sa kanyang ganda. Dinampot niya ang paper bag kung saan naroon ang dress na isusuot niya. Katulad din kanina sa mismong harapan na siya ni Austin nagbihis. Nakatalikod siya kay Austin, ramdam niyang