Dahil na rin sa panggugulo ni Maxine agad na siyang nagyayang umuwi tutal ok na rin naman ang lahat. Napag-usapan na ng parents nila ang mga kailangang gawin para sa kasal nila. "Maxine what happened to you?!" Bulalas pa ni Olga nang pumasok si Maxine na basang-basa sa may sala. Napalingon pa silang lahat kay Maxine. Napangiti siya dahil parang kawawang basang sisiw si Maxine, habang lahat sila ay nakasunod ng tingin rito. Hindi naman kumibo si Maxine na agad nagtungo sa may hagdan at nagtatakbo paakyat. Agad na ring nagpaalam sa kanila si Olga para sundan ang anak nito. Ang Daddy na lang niya ang nagkahatid sa kanila nina Matteo at mga magulang nito sa labas. "I am happy for you, Aaliyah. You deserve all these anak,' sabi sa kanya ng ama. "Thank you po Daddy," pasalamat niya sa ama.