I came home early from work to cook a delicious dish for our dinner.
I was excited to let him try and taste the new dish that Mama had taught me.
I found out that aside from seafood, ay paborito niya rin ang pinakbit at chapsoy.
Nang malapit ko nang maluto ang ulam ay may lumangitngit na tunog na nangagaling sa pinto.
Ang tunog na ito ay nagpahinto sa aking ginagawa.
As I was about to cook, then I suddenly stopped what I was doing because of a squeaky sound coming from the door.
"Ma, naman alam mo naman po na nagtitipid ako ngayon," kausap niya ang ina niya sa kabilang linya.
Kunot ang kaniyang noo at hindi maipinta ang kaniyang mukha.
Hindi ko maipaliwanag dahil parang naiinis o galit at hindi ito matigil sa pagrereklamo.
Sa boses pa lang ni Petrus ay halatang problemado na ito.
Hininaan ko ang speed gas ng burner at sinilip siya sa living room.
Nakita ko sa kaniyang mukha ang kalungkutan at disappointment.
Pagod ang kaniyang itsura at salubong ang mga kilay habang iniipit ang cellphone sa pagitan ng kaniyang balikat at tenga.
Patuloy pa rin siya sa pagtanggal ng kaniyang sapatos at nakikinig sa nagsasalita sa kabilang linya.
Matapos niyang ilagay ang sapatos sa shoe rack at tumigil muna ito sa kaniyang pwesto.
Napatukod siya sa dingding kung saan siya malapit at napailing na lang.
"Okay, Ma sige bukas kapag hindi ako busy ihahatid ko," inis na tugon niya at napasuko na lang sa ina.
Bagsak ang kaniyang mga balikat pero wala na itong magawa para tumanggi pa.
Nang mahuli niyang tinitingnan ko siya ay ngumiti siya sa akin at pilit na pinapasaya ang mukha.
Ewan ko ba pero nasasaktan ako sa tuwing sinasarili niya lang ang problema.
"Petrus, may problema ba?" nag-aalala kong tanong sa kaniya.
"Si Mama, gusto raw mag-aral ulit ni Jhana kaya humingi ng pera sa akin." Bagsak ang balikat niya nang papalapit siya sa akin.
Ngumiti ako at niyakap siya nang mahigpit.
Alam kong malungkot siya kaya kahit sa simpleng ngiti at yakap man lang ay mabawasan ang bigat ng nararamdaman niya.
Rinig ko ang buntonghininga niya bago siya lumayo sa akin.
"Ang hirap talaga kapag, Kuya," nakangiti niyang sagot ngunit kahit ano ang gawin niya ay halatang hindi siya magaling magsinungaling.
Kahit ngumingiti man ang kaniyang mga labi pero alam kong hindi siya totoo at nagpapakatotoo sa harap ko. Ang kaniyang ngiti ay hindi man lang umabot sa kaniyang mga mata.
Hinawakan ko siya sa kaniyang kamay at pinagsiklop iyon bago ko siya hinila upang makaupo kaming dalawa sa sofa.
Malungkot ang kaniyang mga mata kaya inaalo ko siya upang huwag ng mamproblema pa.
Ang aking mga palad ay nakahaplos sa kaniyang likod para pakalmahin siya, kahit alam kong hindi iyon sapat.
"Nakakapagod na rin," malungkot niyang in habang tumatawa at parang nawawalan na ito ng pag-asa.
Tinukod niya ang kaniyang mga siko sa kaniyang mga hita at napahilamos na lang sa kaniyang mukha.
Halatang puno ito ng pagkadismaya.
Tinapik ko nang mahina ang likod niya habang nakayuko siya habang ang mga kamay ay nakatabon pa rin sa kaniyang mukha.
"Mas okay nga iyon 'di ba? Kapag nagpatuloy siya sa pag-aaral ay mas mabibigyan niya ng magandang buhay si baby Hena. Ang cute pa naman ng batang iyon, kung wala lang akong trabaho inampon ko na 'yon," natatawa kong wika at sinusubukan siyang aliwin.
"Gusto ko rin naman 'yon pero may plano sana ako ngayong taon. Nanghihinayang lang ako dahil hindi na naman matutuloy," malungkot niyang sabi at puno ng pagkadismaya ang kaniyang itsura. "Pero salamat talaga," patuloy niyang sabi sabay hawak sa mga kamay ko.
"I can help with her," alok ko rito.
Gusto kong mabawasan ang mga pasanin niya dahil nalulungkot din ako kapag nakikita ko siyang malungkot. Pero dali-dali siyang umiling bilang pagtutol.
"No, you're out of this! Ayaw kong pati ikaw ay iniintindi rin ang problema sa pamilya ko," matigas niyang sabi at ayaw tanggapin ang alok ko. "Nahihiya na ako sa iyo, sunod-sunod na buwan ka ng nagbabayad para sa bahay at grocery," patuloy niyang sabi.
"Okay, lang wala namang problema sa 'kin 'yon," nginitian ko siya bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Kumain na muna tayo." Kumapit ako sa braso niya at sabay kaming nagtungo sa kusina.
Masaya akong ngumingiti sa harap niya kahit ang totoo ay nagkakaproblema rin ako sa pinansiyal.
Halos ako na rin ang nagbabayad sa bayarin at mga pangangailangan sa bahay.
During the course of my employment I have not accumulated anything.
Pero ayaw kong magreklamo at kaya ko iyong tiisin para sa kaniya.
Mahal na mahal ko si Petrus at gagawin ko ang lahat upang makatulong sa kaniya.
Kahit sa simpleng pagbayad lang ng mga bills.
Nang magsimulang mag-aral si Jhana ay naging masyado na kaming abala ni Petrus.
Tumatanggap na rin siya nang sunod-sunod na mga proyekto kahit gipit siya sa panahon.
Halos hindi na nga siya nagpapahinga at halos hindi ko na siya nakikita sa bahay. Kung kumayod siya sanoaghahanap ng pera ay para bang inanakan ako ng isang dosena
Huli kaming nagsama noong niyaya niya akong magdinner date.
Sinabi niyang may sorpresa siya sa akin ngunit hindi natuloy ng tumawag si Tita Anne.
Pagkatapos naming kumain ay umuwi na kami agad sa condo at galit na galit siyang tinawagan ang ina.
"Mama naman! Napakagago naman ng batang 'yan," inis niyang sabi at hindi na mapigilang pagtaasan ng boses ang kaniyang kausap sa kabilang linya. "Alam ko naman po, Ma pero sana naman inisip niya muna ang kahahantungan bago niya binuntis ang girlfriend niya. Putang*na naman 'tong buhay na 'to oh!" galit na nitong sabi at hindi na patigil sa pagmumura.
Sa tuwing napupuno na siya ay saka lang siya nagmumura. Kaya alam kung sagad na ang galit niya.
Kaya ngayon pa lang ay hindi na ako kumibo dahil alam kong ubos na ang lahat ng kaniyang pasensiya.
"Ma, masyado ka kasing naging maluwag sa kanila," sabi niya at natahimik ito dahil pinapakinggan ang nagsasalita sa kabila. "Ma, iba naman po kami ni Dawn noon. Kahit hindi mo ako hinigpitan noon ay may desiplina ako sa sarili. Hindi ko siya ginalaw hangga't wala pa akong naipagmamalaki. Nagsama muna kami, Ma bago ko iyon nagawa. Kung tutuusin ay hindi na niya kailangan pang magtrabaho dahil kaya ko siyang buhayin. Pero ngayon ito siya, nagtatrabaho siya dahil alam niyang nahihirapan ako," galit na reklamo niya sa kaniyang ina.
Gusto ko siyang sawayin sa kaniyang ginagawa pero natatakot ako. Pakiramdam ko, kahit ako ay hindi ko siya mapapahinahon.
"Ma, naman hindi naman po ako nanunumbat pero sana po naiintindihan niyo rin ako! Nahihiya na nga ako sa girlfriend ko dahil ginagawa na niya ang responsibilidad na dapat ako ang gumagawa. Bwesit na buhay naman 'to, oh! Ako nga hindi makagawa ng sarili kong pamilya para makapagtapos lang sila tapos ngayon," hindi na nito natapos ang sasabihin dahil tinapon na niya ang kaniyang cellphone.
Napasabunot siya sa kaniyang buhok dahil sa pagkabigo.
Kaya sinubukan kong lumapit ulit para pagaanin ang loob niya.
At sa pagkakataong ito ay siya na ang yumakap sa akin ng sobrang higpit.
Parang pinipiga ang puso ko dahil alam kong sobra siyang nasasaktan.
Ngunit hindi ko siya nakitang umiyak kahit minsan. Alam kong hirap na hirap na siya pero pilit niya pa rin siyang nagtatapang-tapangan sa harap ko.
"Si Tantan ba?" Tumango siya bilang sagot at mas lalong diniin ang sarili sa pagyakap sa akin. "Magkaka-baby na sila ng girlfriend niya?" taning ko ulit pero gaya ng una ay hindi pa rin siya sumagot.
Alam kong wala ako sa lugar na magbigay ng advice sa kaniya dahil nakita ko kung ano ang ginawa niyang paghihirap para lang maigapang ang pag-aaral nito.
Pero mas makakabuti sa aming lahat kung tatanggapin na lang ang nangyari para sa katahimikan.
"Huwag ka ng malungkot, kasi blessing 'yan," masaya kong sabi kahit na ang totoo ay nasasaktan rin ako para sa kaniya.
Umiling siya at tumitig sa aking mga mata na para bang hindi na alam ang tama. "Nakakapagod pala ang ganito. Akala ba nila pinupulot lang ang pera sa daan," malungkot niyang sabi at para bang nasawi sa nililigawan.
"Pamilya mo sila, Petrus at ang pamilya ay nagtutulungan. Huwag mo muna akong isipin okay?!" mungkahi ko sa kaniya at hinihintay siyang sumagot.
Mahina ko siyang tinulak at tinitigan siya sa kaniyang mukha.
Habang tinitingnan ko siya ay parang ako ang napapasuko.
Gusto kong umiyak dahil sa mga pinagdadaanan niya.
"Alam mo naman kung gaano ko kayo kamahal ng Mama mo 'di ba? Dahil ikaw ang mas nakakaangat, kaya ikaw lang ang malalapitan niya. Kung sa iyo naman nangyari ang nangyari sa mga kapatid mo. Sigurado naman akong hindi ka rin niya pababayaan," nakangiti kong paliwanag at hinawakan siya sa mukha para ipaintindi sa kaniya ang lahat. "Petrus, hayaan mo na," pinal kong wika.
Binigyan ko siya ng magaang halik sa kaniyang mga labi at saka pa siya ngumiti ng alanganin.
Hinalikan ko siya ulit kaya tuluyan na siyang na kalma.
"Thank you," mahinahon niyang wika.
"Kumain na tayo, niluto ko ang paborito mong ulam. Hulaan mo kung ano?" pagbibiro ko rito upang maiba ang aming usapan pero tinawanan niya lang ako.
Napangiti ako dahil hindi na masyadong stressed ang kaniyang itsura.
Hinila ko ng kamay niya patungo sa dining area at pinauna na siyang umupo.
Naglagay ako ng isang pinggan at naglagay rin ng kanin sa gitna ng mesa.
Kumuha rin ako ng isang mangkok ng pinakbit at chapsoy.
Isang plato lang ang nilagay ko sa mesa at tiningnan niya ako ng may pagtataka dahil sa aking ginawa.
"Share tayo ng plate. Paborito mo 'yan 'di ba?" tanong ko.
"Lahat naman ng luto mo paborito ko," nakangiti niyang sabi.
"Sos, huwag mo akong binubola," inirapan ko siya pero tinawanan niya lang ako.
Paupo na sana ako sa katabing upuan niya nang bigla niya akong hinawakan sa kamay at kinabig paupo sa kaniyang kandungan.
Pinaikot niya ang kaniyang braso sa aking bewang at kumuha ng isang kutsarang kanin na may punong ulam at sinubo sa akin.
Tumawa ako at umiling dahil puno ito at natitiyak ko na hindi ito kakasya sa bibig ko. Pero pinilit niya akong kainin ang isusubo niya sa aking bibig at ayaw niyang tumanggap nang pagtanggi.
"Nagsisisi tuloy ako kung bakit pa ako nakipag-share sa 'yo ng plate," tumatawa kong wika pero nagwagi akong pasiyahin siya ulit.