Chapter 33

1534 Words
Maaga akong umalis sa condo at ang nakakahiya pa ay ako pa ang inasikaso ni Petrus. May trabaho rin siya pero nagpahuli siya sa akin dahil alam niyang magkikita pa kami ni Ergie. Tinanggap ko ang trabahong inalok sa akin ni Ergie. Ma magiging komportable akong magtrabaho sa kaniya dahil magkaibigan kaming dalawa. Kung hindi ko lang iniisip si Petrus ay hindi ko na sana dapat na mag-apply sa kompanya ng kaibigan. Kaya lang kung magtatrabaho ako sa kompanya namin ay baka masagi ko ang pride ni Petrus. Ayaw kong isipin niya na siya ang lalaki pero nalalamangan ko siya. "Thank you so much, Ergie!" sinsero kong pasasalamat. "Duh, what are friends are for?" maarte niyang tugon at inirapan ako sa kadramahan ko. Kaya para makabawi raw ako sa kaniya ay niyaya niya akong mag-celebrate. Pumayag naman ako pero bago kami umalis ay nagpasya muna akong tawagan si Petrus upang magpaalam muna sa kaniya nang maayos. Alam kong mahilig magpagabi itong kaibigan ko at baka matagalan ako sa pag-uwi. Walang time limit pa naman 'to kung mag-celebrate sa bar. Ilang beses ko nang sinubukang abutin siya ng tawag ko pero wala pa ring sagot. Nang tingnan ko ang oras na nakalagay sa screen ay alas siete na ng gabi. Sa ganitong oras ay dapat naka-out sa siya sa trabaho. Kaya nakapagpasya ako na umuwi na muna at kasama ko ngayon sa condo si Ergie upang sabay naming hintayin si Petrus. Pagkatapos kong pumunta sa opisina kanina ay wala kaming ginawa kundi magkwentuhan lang. Nag-out siya ng maaga para lang sa akin at kanina ay hindi na niya ako pina-interview sa Human resources ng kompanya. Tumawa na lang ako sa sinabi niyang direct hired na raw ako. Hindi nga siya makapaniwala ng malaman niyang seneryoso ko ang trabahong inalok niya. Hindi siya makapaniwala dahil may sariling mga negosyo ang mga magulang ko. Kaya sinagot ko siyang hindi ako thrilled sa ganoon klaseng trabaho. Nagsinungaling ako sa kaniya dahil ang totoo ay hindi naman talaga iyon ang dahilan ko. At dahil gusto niyang magkasama kami palagi ay ginawa niya akong assistant niya. Mayroon silang mga hotel saan mang lupalop ng mundo kaya pinilit siyang kumuha ng mga magulang niya ng business course. Mas pabor na rin sa kaniya na ako ang maging assistant niya dahil sa panahon ngayon ay mahirap ng magtiwala sa iba. "Dawn, matagal pa ba?" naiinip niyang tanong sa akin at Kanina pa niya gustong umalis na kami dahil nag-aantay na ang iba pang mga kasama namin sa bar na napag-usapan na inimbitahan niya. "Wait lang tawagan ko ulit," nahihiya kong sagot at medyo lumayo sa kaniya ng konti. Nang hindi ulit sumagot sa tawag ko si Petrus ay gumawa na lang ako ng mensahe para ipaalam sa kaniya. Bago ako umalis ay may niluto na akong pagkain sa refrigerator para initin niya na lang iyon pagdating. Bumuntong hininga na lang ako at tinitigang mabuti ang screen nanh hawak kong cellphone at saka lumapit sa kaibigan. Ngumiti ako. "Let's go," aya ko kay Ergie. "Nagpaalam ka na?" nakangiti niyang tanong pero umiling lang ako. "Nag-iwan ako ng mensahe, sigurado naman akong papayag siya," nakangiti kong wika kahit medyo nag-aalangan ng konti. Nakisakay ako sa kotse ni Ergie at dumiretso na kami sa Horizontal Bar na pinag-usapan ng mga barkada. Puro kami mga babae at ninamnam namin ang oras habang nag-e-enjoy. We called the celebration girl's night only. Reklamo nila ay hindi raw sila makahinga dahil masyadong mahigpit ang mga ito sa kaniya. Natawa na lang ako nang mahina dahil simula ng makapagtapos si Petrus sa pag-aaral ay hindi na ito nagselos sa akin ng grabe. May tiwala naman ito sa akin, ang ayaw lang nito ay makitaa akong nakikipaghalubilo sa mga lalaki. Medyo tipsy na rin ako kaya nagpahatid ako sa kaibigan bago pa ito tuluyang malasing. Ayaw kong magka-hangover dahil first-day ko sa trabaho bukas. Kahit sabihin pa na kaibigan ko ang magiging amo ko. Tiningnan ko ang oras sa pulsuhan ko at nakita kong eleven pm na. Hindi ko na niyayang umakyat pa si Ergie sa taas kung saan ang space namin ni Petrus dahil pinaalis ko na ito kaagad. Ang alam ko ay babalik pa siya sa Horizontal Bar dahil nag-promise ito sa mga kasama namin na babalikan niya ang mga ito. Diretso lang ang lakad ko papasok sa elevator at pinindot ang numero kung saan ako patungo. Nang huminto ito ay lumabas na ako kaagad at lumakad ng ilang hakbang patungo sa harap ng pinto. Kinalkal ko rin ang susi sa loob ng aking bag dahil ayaw ko nang gisingin si Petrus sa kaniyang tulog. Nang mapasok na ang susi sa butas ng door knob ay pinihit ko ito ng magaan. Binuksan nang mahina ang pinto at naglakad ng walang inggay papasok sa loob. Dumiretso ako sa loob ng kwarto namin at nagtaka ako ng hindi ko makita si Petrus. Alas onse na ng gabi kaya imposibleng hindi pa ito nakauwi. Nagmamadali kong kinuha ang cellphone ko para tawagan siya. Nang may biglang mensahe na dumating na galing sa kaniyang numero. Kailangan niya raw mag-over time sa trabaho. Kaya natulog na lang ako at hindi na siya hinintay pang dumating dahil kampanti naman ako dahil may sarili siyang susi. Kinabukasan pagising ko ay walang bakas na nakauwi si Petrus. Nag-alala at medyo nalungkot din ako, nakakawala ng gana. Pero kailangan ko pa ring pumasok sa trabaho kahit pagod pa ang aking katawan. Simula sa araw na iyon ay naging sunod-sunod na ang pagiging abala ni Petrus. Buong linggo kong napapansin na masyado na siyang busy sa trabaho. At hindi ko na lang kung bakit dinidibdib ko ang pagiging abala niya kahit na ako rin naman ay abala rin sa trabaho. Nag-a-adjust pa ako sa trabaho at sa mga kasamahan ko kaya medyo nangangapa pa ako. Ngunit ang mga linggong naging abala si Petrus ay natapos din. Nakikita kong bumabawi siya sa kaniyang mga pagkukulang sa akin. At sa tuwing weekends ay palagi niya akong deni-date at inaasikaso nang maayos. Lahat ng oras niya sa araw ng day off niya ay nilalaan niya lang sa akin. Ang pagmamahal niya sa akin ay hindi nagbago bagkus napapansin kong mas naging sweet siya sa akin, clingy at mas naging showy. At simula sa araw na iyon ay hindi na niya inulit na hindi makauwi sa condo. Kahit gaano siya ka-busy sa trabaho ay palaging ako ang priority niya. Kaya tumagal pa kami lalo at ngayon ay magtatatlong taon na kaming magkasama sa iisang bubong. "Hayaan mo, Dawn malapit nang makapagtapos si Tantan sa pag-aaral at napag-usapan namin ni Mama na si Tantan muna ang bahala kapag nakapagtrabaho na siya. Gusto ko munang unahin ang relasyon natin. Matagal na rin tayong nagsama at sana naman maabangan na kita sa altar," nakangiti at malambing niyang ani. "Paano si Jhana at iyong baby niya?" seryoso kong tanong. "Magbibigay rin naman ako pero mas priority muna kita ngayon." "Okay lang naman ako, Petrus hindi naman ako nagmamadali. Isang taon na lang at magtatapos na si Tantan," sabi ko at binigyan siya ng pag-asa. Tatlong taon na ang nakakalipas ay natunaw ang lahat ng pangarap ni Petrus sa kaniyang kapatid na babae. Halos gumuho ang buhay niya ng malamang nabuntisan ito at hindi pinanindigan. Wala na siyang magawa kundi ipatigil ito sa pag-aaral dahil ito na rin ang umayaw. At ngayon ay kasalukuyan itong nag-aalaga sa cute niyang anak. Maganda at maputi ang bata na parang nagmana sa akin. Siguro ay ako ang pinaglihian ng kapatid niya. "Salamat, Dawn kung wala ka ay baka nabaliw na ako sa problema sa bahay. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung hindi dahil sa 'yo," aniya masaya ngunit halatang malungkot ang mga mata. Sa tuwing nagkakaproblema ang mga kapatid at Mama niya ay nararamdaman kong nahihiya na siya sa akin. "Ano ka ba? Sinabi ko naman sa 'yo na ako ang dapat magpasalamat sa 'yo kasi ang swerte ko dahil nakilala kita," pilit kong pinapasigla ang aking boses dahil ayaw kong maging malungkot siya. Ngumiti siya kahit hindi kumbinsido sa aking sinabi. Niyakap niya ako nang mahigpit kung saan nakaupo kami sa harap ng dagat at inaabangan ang paglubog na araw. Sabay naming tinitingnan ang iba't ibang uri ng mga ibon sa baybayin na lumilipad sa himpapawid. Sumasabay ito sa hampas ng hangin na para ba silang naglalaro at nagtatawanan sa ere. At sa tubig dagat naman ay mayroon ding mga batang nagtatalon sa ibabaw ng mga alon. "Iyon, tingnan mo." Turo niya sa batang babae na sobrang cute. "Gusto ko ganyan ka cute ang magiging anak natin," sabi niya. Hinampas ko siya nang mahina at tumawa. "Paano ka magkakaanak? Eh, baog ka!" pang-aasar ko sa kaniya. Kaya ginulo niya ang buhok ko at mahina akong hinatak pababa dahil sa aking sinabi. "Ano'ng baog? Anakan kita ng isang dosena riyan, eh," naaasar niyang usal. Tumawa lang ako at ganoon rin siya. Matapos masaksihan ang paglubog ng araw ay tumayo kami sa inupuan naming mga buhangin. At bawat hakbang ng aming mga paa ay lumalapat ang malamig na buhangin sa aming mga talampakan sa tuwing bumabaon ito. Magkahawak kamay kaming naglalakad at nagtungo sa restaurant ng beach upang kumain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD