Chapter 32

1118 Words
Buong gabi naming pinagsawaan ang isat-isa kahit pagod na ang mga katawan ay walang pa rin kapaguran ang aming mga pagnanasa. Kinabukasan ay tanghali na akong nagising, at nararamdaman ko pa rin ang kaniyang mga yakap sa aking bewang. Pagod na pagod siya nang tingnan ko habang natutulog dahil halos pareho kaming walang pahinga. Last night, we just had a little rest, then he grabbed me and ended up reaching our climaxes. The last night we had making love is I couldn’t help but wonder how many times we did that in bed. Nakaharap ako sa kaniya ngayon habang naririnig ko siyang mahinang humihilik. He still smelled so good even though his whole body was filled with sweat last night. Sinulyapan ko ang wall clock na nakasabit sa dingding at nakita kong alas onse na ng umaga. Alam kong masyado na siyang late sa trabaho at huli na para mag-alala kaya hinayaan ko na lang siyang matulog sa higaan. At kahit maaga man akong nagising ngayon ay mas pipiliin ko pa rin huwag siyang gisingin dahil ayaw ko siyang disturbohin sa mahimbing niyang tulog. Hinaplos ko ang makinis at maamo niyang mukha bago ko siya hinalikan sa labi. Hinawakan ko ang kaniyang braso upang matanggal iyon sa aking bewang. Balak ko sanang bumangon para ipaghanda siya ng makakakain. Dahan-dahan kong inalis ang kaniyang bisig mula sa kaniyang pagyakap sa akin. Nang akma na akong bumangon ay napatigil ako sa sakit nang biglang kumirot ang parte ng aking gitna. Maging ang aking buong katawan ay hindi ko maiangat dahil sa bigat ng pakiramdam ko sa aking sarili. Ngunit mas pumapangibabaw ang hapdi sa pagitan ng aking mga hita. Napangiwi ako sa sakit kaya nagising ko si Petrus. Nginitian niya ako at biglang kinabig papalapit sa kaniya. Malambing niya akong hinalikan sa aking labi at maging sa aking noo. "Good morning," sabi niya gamit ang napapaos niyang boses dahil kagagaling lang sa tulog. "Good morning, hindi ka na nakapasok," malambing kong sabi sa kaniya. Tumawa siya ng makahulugan sa akin. "Tumaob nga, eh!" sabi niya habang tumatawa nang malakas. Hinampas ko siya nang malakas dahil sa kaniyang pagbibiro pero tumatawa pa rin siya. "Baliw, ang dumi talaga ng isip mo!" saway ko sa kaniya at hindi maiwasang irapan siya. Niyakap niya ako nang mahigpit at sinusuyo. "Nagbibiro lang naman ako," paliwanag niya sa akin. "I really plan to absent from work today because I don’t want to leave you here. I know you're tired, and your body is still hurt or I just state that you're in soar," he explained, but the last thing he said was mixed with jokes. He obviously emphasized the last thing he said to me. Tinulak ko siya sa inis dahil pakiramdam ko ay pinagti-trip-pan na naman niya ako. Kahit may nangyari na sa amin kagabi ay pakiramdam ko ay sobrang nakakahiya sa pakiramdam. Lalo na sa tuwing binibiro niya ako ng gano'n. Parang umakyat ang lahat ng dugo ko sa aking mga pisngi. Kaya ginawa niya ang lahat para maging maayos ang trato ko aa kaniya ng mapansin niyang nagtatampo na ako. Tumayo siya sa kama ng walang paalam at lumabas ng diretso sa kwarto. Pagbalik niya ay may dala na siyang isang tray na puno ng lamang pagkain. Umuusok ito sa init at nalalanghap ko ang bango ng ulkam. Kaya hindi ko maiwasang magtaka kung paano'ng ang bilis niyang magluto. "Ininit ko na lang, kanina ko pa 'to niluto," sagot niya sa mapagtanong kong tingin. Dahil sa sinabi niya ay napagtanto kong gumising ito ng maaga, hindi ko lang napansin. Maingat niyang nilapag ang food tray sa kama at niyaya akong kumain kami ng sabay. Nagluto lang siya ng simpleng ulam dalawang sunny side up na itlog, bacon at kanin. May dalawa ring pares na couple mug na may lamang umuusok na kape. Pero kahit simple lang iyon ay napakasarap ng lasa para sa akin. Lalo na dahil siya ang nagluto ng pagkain at iyon ang pinaka-the best sa akin. His effort... "Maghahanap na pala ako ng trabaho bukas," nakangiti kong sabi ng matapos kaming kumain. Tumango naman siya bilang tugon at hinayaan na lang ako sa pasya ko. Alam niyang excited na akong magtrabaho noon pa man. Kaya sinabihan niya akong may kakilala siyang pwede kong pasukan na fit para sa akin. Ngunit tinanggihan ko siya dahil may balak akong pumasok sa kompanya ng kaibigan kong si Ergie. Buong araw lang kaming nanuod nang palabas sa telebisyon pero hindi ko naramdamang nababagot ako. Iyong pakiramdam na sobrang saya mo kahit simple lang ang ginagawa niyo buong maghapon. Iyong pakiramdam na hindi na kailangan pang mag-effort ang isa sa amin dahil masaya na kayong magkatabi lang at naglalambingan. Iyong feeling ma kontento na kami kung ano man ang meron kami at wala ng ibang iniisip kundi, kami lang. Iyong pakiramdam na sobrang saya ko dahil magkasabay kaming kumakain, naliligo at nagsesipilyo. And the feeling that he shows his love to me makes me feel complete. Natatawa ako sa tuwing inaalagaan niya ako na parang bata. Ang galing niyang mag-alaga kaya mas lalo ko siyang minahal. "Alamo mo ba'ng hindi ko pinagsisihan na kinulit kita noon? Kung hindi kita kinulit ay baka hindi tayo ang magsyota ngayon," wika ko habang nakasandal sa kaniyang malapad at matigas na dibdib. Gabi na naman at katatapos lang naming kumain ng hapunan. Buong araw rin rin naming pinagsawaan ang mga sarili at ang maliligayang mga sandali na pinagsaluhan namin ay ginawa namin sa lahat ng parte at sulok ng condo. Sa tuwing naglalapat ang aming mga labi ay para akong nawawala sa sarili at nauuwi na naman kami sa nakakapagod na saya. Wala kaming pinapalampas. Tumango siya. "Ginayuma mo ba ako?" Hinampas ko siya at pinanlakihan siya ng mga mata. "Ang kapal ng mukha mo ano'ng tingin mo sa akin?" naiinis kong reklamo at nagmamayabang sa sarili. "Hindi ko na kailangang manggayuma, 'no!" Tumawa siya nang malakas at halatang binibiro na naman ako. Pinaparamdam niya sa akin na ayaw niyang maniwala at ang mga labi ay hindi matigil sa pagtawa. "For your information marami kayang nagpapantasya sa mukhang 'to," sinipat ko siya sabay turo sa mukha ko. Natahimik na man siya bigla dahil sa aking sinabi. Magaling kasi siyang mang-asar pero kapag siya ang inaasar ay mabilis ng magalit. Lalo na kung ang napag-uusapan ay tungkol sa mga lalaking nai-involve sa akin noon. May ugali siyang seloso ngunit hindi rin naman sobra at kasama iyon sa tinanggap kong ugali niya. Sa halip ay mas gusto ko ang ugali niyang 'yon. Sa tuwing nagseselos siya ay nararamdaman ko kung gaano niya ako ka mahal. Kahit naman ako ay selosa rin, sa aming dalawa ako ng mapanghinala at mas mahigpit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD