Chapter 30

1308 Words
"Dawn, bumangon ka na," malambing na gising sa akin ni Petrus. Naririnig ko ang bises niya ngunit hindi ko magawang imulat ang aking mga mata. Inaantok pa ako at pagod na pagod pa ang katawan ko. Buong buhay ko ay ngayon lang ako nakaranas ng ganito kapagod. Mahina akong tinapik ni Petrus sa balikat at kahit na gusto ko pang matulog ay wala na akong nagawa dahil inalog niya ako hanggang sa magising ako. Wala akong magawa kung 'di ang bumangon kahit kontra ito sa gusto ko. Tinawanan niya lang ako sa aking itsura kaya inirapan ko siya. "My gosh, ang sakit ng katawan ko," reklamo ko rito sabay unat ng aking katawan habang nakaupo sa sahig. Pagod na pagod ang katawan ko dahil sa paglilinis kahapon. Buong araw kaming nag-ayos ng gamit at kung hindi lang dumating ang mga kapatid at Mama ni Petrus ay siguradong wala pa kami sa kalahati. "At least na experience mo," natatawa niyang wika at halatang proud na proud ito sa akin. Inangat ko ang dalawa kong kamay sa kan'ya dahilan kung bakit napuno siya ng pagtataka. "Bilis!" Utos ko sa kan'ya at kinakaway ang kamay kong nakaangat para abutin niya. "What?" naguguluhan niyang tanong at nakakunot ang kaniyang noo. "Itayo mo ako." Utos ko sa kan'ya. Napailing na lang siya dahil sa pagka-demanding ko. Pero wala na rin siyang nagawa kung 'di sundin ang inuutos ko. Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa aking kamay. Hinila niya ako pataas at narinig ko pa siyang nagreklamo. "Tsk, demanding talaga," bulong niyang ani at hindi intensyon na iparinig sa akin. Ngunit hindi iyon pinalampas sa pandinig ko. Kaya tinaasan ko siya ng kilay at hinampas nang mahina sa dibdib. "Ano'ng sabi mo?" masungit kong tanong sa kaniya at pinagkrus ang aking mga kamay habang hinihintay siyang sumagot. "Sabi ko ang ganda mo," nakangiti niyang tugon at niyakap ako nang mahigpit sa aking bewang. "Maligo ka na dahil may pupuntahan pa tayo," patuloy niyang sabi at hinatid ako sa harap ng banyo. Magsasalita pa sana ako dahil gusto ko siyang pagalitan sa kaniyang pagrereklamo pero nawalan na ako ng pagkakataon dahil mabilis niya akong tinalikuran. Walang pasok ngayon si Petrus kaya sinadya naming lumipat sa condo sa araw ng sabado. Buong araw kaming naglinis kahapon at ngayon naman ay plano naman naming bumili ng mga gamit sa bahay. Pagpasok ko sa banyo ay sumalubong sa akin ang bango ng sabon na ginagamit ni Petrus. Nauna na siyang maligo sa akin dahil mas maaga pa itong nagising kaysa sa akin. Kung hindi niya pa ako ginising ay tiyak na mahimbing pa ang tulog ko ngayon. Paglabas ko ng banyo ay malinis na ang higaan namin. Tinupi niya isa-isa ang mga sapin at kumot at maayos na nilagay sa kama. Dumiretso na ako sa closet at naghanap ng komportableng damit. Nagsuot ako ng sky blue short na tama lang ang iksi. Maganda ang tela nito at hindi rin malaswang tingnan kung isuot na. Pinaresan ko rin ng isang puting blouse na may print na floral na bumagay naman sa napili kong flat sandals. Naglagay din ako ng face powder sa aking mukha, sinulatan ang kilay at naglagay ng liptint sa aking mga labi. Nang makontento sa simple kong postura ay lumabas na ako sa kwarto. Nagtungo ako diretso sa kusina na may nakabalot sa aking buhok na tuwalya. Sinalubong niya ako nang matamis na ngiti dahilan kung bakit bumibilis na naman ang t***k ng puso ko. Hanggang ngayon ay nandito pa rin ang kilig na nararamdaman ko. Gaya nang una ko siyang makita. Ang gwapo niyang mukha ay talagang nakakahipnotismo lalo na kapag nakangiti. Kahit may personalidad siyang suplado ay mayroon naman siyang maamong mukha. Habang papalapit ako sa gawi niya ay pinaghila niya ako ng upuan at saka na umupo nang makitang maayos na ako. May pagkain na ring nakalagay sa mesa na in-order pa niya sa isang food chain. At meron ding dalawang pares ng kape. "Let's eat," aya niya sa akin. Pagkatapos namin kumain ay siya na ang nagpresentang magligpit. Inutusan niya lang akong patuyuin ang aking buhok. Kaya tumango ako at pumasok na sa kwarto at hinanap saglit kung saan ko nailagay ang aking hair drier. Nang makita ko ito ay wala akong sinayang na oras. Umupo ako sa harap ng malaking salamin at sinimulan ng paandarin ang hair drier. Itinapat ko ito sa aking mga buhok at dinama ang init na buga ng makina. Nakaka-relax din sa pakiramdam. "Are you done?" tanong sa akin ni Petrus matapos niyang magligpit. Mabilis niyang natapos ang ginawa dahil dalawa pang naman kami. Umiling ako at nagpatuloy sa aking ginagawa. Napalingon na lang ako sa kaniya nang bigla niyang binawi sa kamay ko ang hawak kong hair drier at siya na ang nagpatuloy sa aking nasimulan. "Ako na." Bawi ko sa kaniya pero hindi niya binigay sa akin. "Huwag na, mainit iyan sa kamay, kaya ako na ang bahala at saka magto-toothbrush ka pa 'di ba? Baka mapasma 'yang kamay mo," sinsero niyang wika sa akin. Napangiti ako sa mga sinabi niya. Gusto kong kiligin at magpagulong-gulong sa kama pero nakakahiya. Yumuko na lang ako dahil napapansin kong nakatitig siya sa akin sa harap ng salamin. Ilang minuto lang ay natapos na niyang patuyuin ang buhok ko. Lumabas kami nang sabay sa kwarto pero mag-isa lang akong nagtungo sa banyo para magsipilyo. Gaya ng ilang taon na naming magkasintahan, patuloy niya pa rin akong pinapahanga. Nakasuot siya ngayon ng sky blue Khaki short at the plain white shirt with brown top sider shoes. Para niyang tenerno ang suot niya sa suot ko. Napailing na lang ako nang tinaasan niya ako ng kilay matapos kong suriin ang suot niya. Napagpasyahan naming dalawa na sa mall kami mamimili ng mga kakailanganin sa condo. Una naming binili ang lahat ng mga kagamitan sa kusina. Bago kami nag-grocery. Namili ako ng mga delata at mga instant noodles pero binalik iyon ni Petrus sa lalagyan. Lahat na nilalagay ko sa cart ay binabalik niya at puro lang ito reklamo. Kaya hinayaan ko na lang siyang mamili kung ano ang gusto niyang bilhin. Namili siya ng mga gulay at iba't-ibang klase ng karne, may manok, isda, beef, at pork. Naglagay rin siya ng mga paborito niyang ulam gaya ng shrimp, tahong, at lobster. Siya rin ang namili ng mga spices para sa pagluluto at kung ano-anu pang mga sahog. "Bakit ang galing?" nagtataka ko siyang tinanong dahil parang sanay na sanay na siyang mamili. Nginitian niya ako saka ginulo ang ayos ng buhok ko. Parang tanga lang dahil tinatawanan niya lang ako sa naging tanong ko. "Seriously, tinatanong mo ako sa ganyang bagay?" 'di makapaniwala niyang tanong sa akin. He took two dozen eggs, a soy sauce, vinegar, salt, msg, and he also didn’t forget to get me a sanitary napkin. Ayaw pa rin niyang tumigil sa kangingiti kaya sumimangot ako sa kaniya. "Minsan sinasama ako ni Mama at binibili lang namin ang mga kailangan namin." Tumango ako. "Ah, kaya pala," mangha kong turan. Then I realize how lucky I am. Besides of being handsome and kind he is also very strategic in life. Napag-usapan din namin na hati kami sa lahat ng gastusin sa condo. Pero ayaw niyang tanggapin ang pera ko hanggat wala pa akong trabaho. Gusto ko man siyang tulungan pero tumatanggi siya. Sinabi niya rin na napag-ipunan na niya ito dahil matagal na niyang planong magsasama kami sa iisang bahay. And after we pay the bill ay dumiretso na kami pabalik sa condo. We once arranged the groceries and put them in the refrigerator. When he noticed that I was tired, he forced me to rest in the room first while preparing our lunch. After he cooked he just call me to eat together. Nagpresenta na rin ako na ako na ang maghugas ng pinagkainan namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD