Naging maayos naman ang takbo ng relasyon namin ni Petrus.
Lahat ng okasyon ko sa buhay ay wala siyang pinalampas na sandali.
May mga panahon mang nahuhuli siya nang dating pero never niya akong hindi sinipot.
Ilang kaarawan ko ang nandiyan siya para sa akin. Kahit noong graduation ko sa college ay magkasama rin kaming mag-celebrate.
Ang bilis ng panahon at parang kailangan lang ay kakasagot ko pa lang sa kaniya. At ngayon ay heto kaming dalawa, solid sa isa't isa.
Ngayong nakapagtapos na rin ako ng pag-aaral at nagpaalam kami ni Petrus na bumukod na ng sariling bahay.
Nagulat si Mommy at hindi naiwasang magkomento sa naging pasya namin.
Pati ako ay kinakabahan ring magpaalam sa kanipa pero gusto ko ng magsama kaming dalawa.
"Anak... you mean magli-live in kayo?" nauutal na tanong sa akin ni Mommy at parang hindi makapaniwala sa kaniyang narinig.
Binigla ko kasi sila dahil kakatapos ko lang mag-aral at ito na kaagad ang plano ko.
Napahawak si Mommy sa kaniyang dibdib at parang hihinatayin sa aking sinabi.
"Mommy, wala naman pong problema sa pagli-live in!" tugon ko sa kaniya.
Hinawakan ko si Mommy sa kaniyang mga kamay at masuyo ko siyang pinakiusapan.
Sumabat naman si Daddy ng mapansin niyang hindi umaayon si Mommy sa aking pasya. Ilang beses ko ng kinumbinsi si Mommy pero ayaw niyang mauuwi lang ako sa pakikipagsama sa isang relasyon ng hindi kinakasal.
"Sa tingin mo ba talaga, Dawn Tonette ay papayag ako sa gusto mo? Nahihibang ka na bang bata ka? Ano na pang ang iisipin at sasabihin ng mga tao?"
"Mom, matanda na po ako at ako po ang may gusto sa set-up namin ni Petrus!"
Nanlaki ang mga mata ni Mommy at sa unang pagkakataon ay ngayon pang siya kumontra sa gusto ko.
Lahat ng oras at panahon ay nandiyan siya palagi para suportahan ako. Pero pagdating sa plano ko ngayon kasama si Petrus ay hindi niya ako pinagbigyan.
"Hindi ako makakapayag!" asik ni Mommy sa akin.
"Honey, hayaan mo na ang mga bata. Malalaki na sila at kaya na nilang magdesisyon para sa kanilang mga sarili."
Nalungkot si Mommy habang binabalingan nang tingin si Daddy. Halatang disappointed ito sa ama ko.
"Hon, ikaw dapat ang magtuwid sa balikong utak nitong anak mo!" galit na sabi ni Mommy.
Nag-aalala na rin ako dahil pati si Daddy ay nadadamay na rin sa inis ni Mommy.
"Hon, may isip na ang mga bata."
"Hon, wala namang problema sa akin kung magsama sila pero mas maganda siguro kung ikasal muna sila bago bumukod?" mungkahi nito kay Daddy at ayaw na magpatalo.
"Mom, napag-usapan na po namin 'yan ni Petrus. Darating naman po kami sa puntong 'yan pero sa ngayon po ay pinag-iipunan pa po namin ang para sa kasal namin," paliwanag ko pero masamang titig lang ang naging tugon niya sa akin.
Kaya si Daddy ang hinarap ko at kinausap ko ito ng masinsinan.
Ilang saglit lang ay hindi na nito matiis ang pananahimik dahil mas lalo lamang kumulo ang dugo niya sa pakikinig sa amin ni Daddy.
"Bakit kailangan niyo pang mag-ipon? Kaya nga kami nandito para gabayan at tulongan kayo," napapailing na komento ni Mommy. "Ano'ng silbi ng pagiging magulang namin kung hindi namin kayo ilalagay sa maayos na landas?!" dagdag niyang wika.
"Honey, hayaan na natin sila. Huwag mong pangunahan si Petrus. Respitohin na lang natin kung anoman ang magiging pasya nila. Bilang lalaki ay naiintindihan ko siya sa kalagayan niya," paliwanag ni Daddy kay Mommy at hinawakan si Petrus sa balikat "Bilib nga ako sa batang ito dahil konti lang ang mga lalaking may paninindigan," masayang komento ni Daddy at mahinang tinapik si Petrus sa balikat. "Alam mo ba noong kabataan ko ay gusto ko ring ikasal tayo sa sarili kong sikap? Pero alam mo naman patay na patay ka sa akin kaya hindi ka na makapaghintay," patuloy na sabi ni Daddy.
Inirapan siya ni Mommy pero tinawan lang ito ni Daddy. Pati kami ni Petrus ay natatawa rin sa kanilang dalawa.
Nabanggit rin ni Daddy na kinasal sila ni Mommy sa tulong ng parents side ni Mommy. Kahit na nagtatampo ang aking ina ay wala na siyang nagawa.
Masaya ako dahil hindi naudlot ang plano naming bumukod ng sarili. Naging supportive naman si Daddy sa naging pasya namin kaya napilitan na rin si Mommy na umayon.
Gusto sana nila akong tulungan na ipasok ng trabaho sa mismong company namin. Pero pinili kong magsimula sa sarili kong paraan at gano'n rin ang gusto ni Petrus.
Naging masaya naman si Daddy sa naging pasya ko, dahil naging matured na raw akong mag-isip.
Tinulungan ako ni Mommy sa pagliligpit ng aking mga gamit sa kwarto at halata ang lungkot sa kaniyang mga mata.
Alam kong mamimis niya ako, pero ganoon din naman ako.
Nang malapit na naming matapos ang pag-aayos ay naging emosyonal ito at hindi na napigilan ang sariling umiyak.
"Dawn, anak malaki ka na talaga." Umiiyak niyang sambit. "Kapag kailangan mo ng tulong 'wag na 'wag kang mahiyang sabihan ako. Alam mo namang hindi ka namin pababayaan," patuloy niyang wika.
"Mommy, dadalaw naman po ako rito palagi. Huwag na po kayong malungkot," mahinahon kong tugon at niyakap nang mahigpit si Mommy.
"Hindi ko lang mapigilan, anak. Bakit kasi kailangan niyo pang bumukod? Malaki naman itong bahay natin, pwede naman kayong dito na lang," pangungumbinsi ni Mommy sa akin.
"Mom, 'di ba po napag-usapan na natin 'to?"
"Hindi lang talaga ako sanay. Iisipin ko pa lang na iiwan mo na kami ay para mo na akong pinapatay sa sakit, Dawn Tonette," naiiyak nitong ani.
Hindi ko maiwasang makonsensiya sa kaniya.
Nakaramdam din ako ng lungkot dahil ayaw kong nakikita ko siya ng ganito.
"Mom, promise ko po talaga, dadalawin ko kayo palagi ni Daddy," pinal kong wika sa kaniya.
Natapos lang ang pag-uusap namin ni Mommy ng tumunog ang cellphone ko. Pagtingin ko sa screen ay pangalan ni Petrus ang nakarehistro.
"I'm here!"
Petrus arrived early to pick me up. He helped me put my other belongings down in the living room and got into the car after they talked to my parents.
Daddy, has already entrusted me to him. We said goodbye to my parents and told them that they would go for a walk in to our own to rent condo, when we were ready to put in place our belongings.
"Mag-ingat kayo at kapag may problema dapat pinag-uusapan at hindi dinadaan sa init ng ulo. " paalala ni Daddy sa amin. "Hindi naman ako nag-aalala sa iyo, anak mas nag-aalala ako para kay Petrus," pagbibiro na wika ni Daddy sa akin pero ang mukha ay napakaseryoso.
Natawa na lang talaga ako pero sanay na ako sa kaniya dahil madalas talanga pnagbibiro si Daddy.
Alam ko naman na pinapagaan lang niya ang nararamdaman ni Mommy na kasalukuyang nakikinig sa usapan namin.
Kaya hindi na ako komontra at hinayaan na lang siyang magbiro sa akin.
Humalik ako sa kanilang mga pisngi at yumakap naman si Petrus sa kanila.
"Ikaw na ang bahala sa anak namin, Hijo. Kung may problema kayo huwag kayong magdalawang isip na tumawag," paalala ni Mommy.
"Okay po, Tita. Salamat po at makakaasa po kayong hindi ko siya pababayaan," nangangakong saad ni Petrus.
"Mom, Dad, alis na po kami," paalam ko sa kanila.
Pagdating namin sa condo ay kaming dalawa lang ni Petrus ang nagtulungan para iakyat ang mga gamit namin.
Nagpabalik-balik kami mula sa ground floor patungo sa 10th floor.
Hinihingal man ay hindi na ako nagreklamo dahil kung tutuusin ay mas pagod pa si Petrus kaysa sa akin.
Nagkaniya-kaniya kami sa pag-aayos ni Petrus sa mga gamit namin.
Nilagay ko sa lalagyan ang mga damit ko at gano'n din ang ginawa ni Petrus sa iba pang mga gamit niya.
Hindi na kami nag-abala pang kumuha ng ibang tao para tumulong sa amin dahil nagsisimula na kaming magtipid.
Ang tanging pera na nasa ATM card ko ay nasa fifty thousand pesos lang iyon. Inipon ko talaga ang allowance ko sa school dahil ito ang plano ko.
Mabilis lang gastusin ang pera kaya kailangan naming magtipid.
Pinagtulungan namin ang bayad sa condo at may two months advance payment din kami. Pero gano'n pa man kailangan pa rin naming magbayad kada buwan.
Pero sa ngayon ay hindi na muna namin inaalala ang mga bagay na iyon.
Nagbiruan kaming dalawa ni Petrus habang naglilinis at hindi na naiisip ang pagod.
Palagi niya rin akong sinusuri kung hindi ba pinaawis ang likod ko.
Halos oras-oras niyang pinapalitan ng bimpo ang likod ko para 'di raw ako matuyuan ng pawis.
Nag-aalala ito sa akin na baka magkasakit ako.
Nagtatawan kaming dalawa nang biglang may kumatok sa pinto.
Wala kaming inaasahang bisita kaya nagtataka kami kung sino?
Nagkatinginan pa kami sa isa't-isa at sabay na lang kaming nagkibit balikat.
Pagbukas ng pinto ay si Tita Anne pala, si Jhana at si Tantan.
May dala rin silang pagkain para sa aming lahat. Napagtanto ko na nalipasan na pala kami ng pananghalian.
"Ma, bakit kayo nandito?" masayang tanong ni Petrus sa ina.
Binuksan niya nang malawak ang pinto at pinapasok ang buong pamilya. Kinuha niya rin ang dalang pagkain sa kamay ni Tita Anne at nilagay sa mesa.
"Mabuti na lang at dinalaw namin kayo. Kung hindi ay baka hindi niyo pa maisipang kumain," may pag-aalala sa boses ni Tita.
Sinuyod niya nang tingin ang buong area at bumalik rin sa amin ni Petrus ang kaniyang mga paningin.
"Hali na muna kayong dalawa at kumain tayo nang sabay. Mamaya na 'yang paglilinis." Aya niya sa amin.
"Tita, pasensiya na po wala pa po kasing mga plato at kutsara," nahihiya kong sabi.
"Nako, huwag mo akong aalahanin dahil sanay ako sa ganiyang buhay, mas ikaw ang inaalala ko," si Tita ang nagsalita.
"Nako po, well trained po ako ni Petrus," tumatawa kong wika.
"Hayaan mo dahiltutulongan namin kayong maglinis dito. Para kahit papaano ay gumaan ang mga gawain niyo," nakangiting sabi ni Tita Anne.
"Salamat po, Tita Anne," gumanti rin ako nang ngiti sa kaniya.
Wala pang hapon ay natapos na namin ang lahat ng liligpitin sa condo.
Nagpapasalamat ako dahil dumating ang pamilya ni Petrus dahil kung hindi ay baka abutan pa kami ng gabi ni Petrus pero hindi pa rin kami tapos.
Matapos ang lahat ng gawain ay nagpresenta kaming ihatid pauwi sila, Tita Anne.
Ayaw sana nila pero nagpupumilit kami ni Petrus. Kumain muna kami sa restaurant bago namin sila tuluyang hinatid sa bahay.
"Tita Anne, salamat po sa inyo ni Jhana at Tantan. Ito po tanggapin niyo po para may panggatos kayo rito sa bahay." Nag-abot ako ng konting halaga.
"Nako, huwag na, Hija. Ipunin niyo na lang 'yan," nahihiyang tanggi ni Tita Anne sa alok ko.
"Huwag po kayong mag-alala sa amin."
"Mas kailan—," pinutol ko ang sasabihin niya.
"Tita, sige na po," pamimiilit ko sa kaniya. Kinuha ko ang kamay niya at doon nilagay ang konting pera upang makatulong.
"Ma, ito po idagdag niyo po riyan," dagdag naman ni Petrus.
"Anak, hindi ko na 'to matatanggap."
"Huwag po kayong mag-alala sa amin, Ma. Wala naman pong problem si Dawn," paliwanag ni Petrus kay Tita Anne dahil alam nitong nahihiya ito sa akin.
Tiningnan ako ni Tita Anne at dama kong nahihiya na siya ng husto.
Nagpasalamat din siya sa akin at niyakap ako nang sobrang higpit. 'Di na rin kami nagtagal sa bahay nila at umuwi na rin kaagad kamisa condo dahil gusto na naming magpahinga.
Pagdating namin sa aming tahanan ay napakalawak pang tingnan.
Wala pa laman ang condo at wala pa kaming nabibili na mga gamit sa bahay na kahit isa.
Mabuti na lang talaga dahil may pinadalang manipis na comforter si Tita Anne kay Petrus at makapal na kumot.
Mayroon ding dalawang unan galing sa bahay dahil hindi talaga ako makatulog kapag hindi ko katabi ang malalaki kong mga unan.
Inayos namin iyon sa lapag at pansamantalang iyon muna ang gagamitin naming matulog.
"Tiniisin na muna natin 'to, bukas na bukas rin ay bibili ako ng makapal na sapin para sa ating dalawa," saad niya sa akin at nginitian ko siya bago tumango sa kaniya.
Hindi ako nagreklamo dahil ayos lang naman talaga sa akin. Ang importante ngayon ay magkasama kaming dalawa.
"Komportable naman ako basta kasama lang kita, Petrus. Ganito pala ang feeling, 'no?" namamangha kong tanong at hindi ko maitago ang saya sa pakiramdam.
"Ang alin?"
"Ito... iyong feeling na magkasama na tayo sa iisang bubong."
Tumango siya sa akin. "Hindi nga rin ako makapaniwala pero salamat, Dawn."
"Ako rin, Petrus sobrang saya ko, salamat din," malambing kong a aani niyakap siya nang malambing.
Magkayakap lang kaming dalawa at dahil sa pagod ay nakatulog na lang kami ng hindi namamalayan.