Nang titigan ko siya sa kaniyang mga mata ay napuno ito ng pagnanasa.
Ngunit mayroon din itong paghihirap at nararamdaman kong pilit niyang tinitiis ang lahat para pigilan ang sariling galawin ako.
Tinitigan ko siya sa mata at kinausap ko siya gamit lang ang aking mga tingin.
At pinapahiwatig ko sa kaniya na handa na ako sa ganitong bagay.
Ngunit buo na ang kaniyang pasya at ayaw niya akong galawin hangga't hindi kami opisyal na nagsasama.
Medyo nadismaya man ako ngunit nawala sa aking isipan ang pakiramdam na iyon nang itinuloy niya ang pagdila sa aking gitna.
Hanggang sa tuluyan na ngang nanginig ang aking mga tuhod at nilabasan ng mga malalapot at puting likido.
Para akong nawalan ng lakas at pagod na pagod ang katawan ko pagkatapos.
Nagpahinga lang ako sandali sa kaniyang kama habang magkayakap kaming dalawa at ilang saglit lang ay inutusan niya na rin akong linisin ang sarili sa banyo.
Pagod man ang katawan ay pinilit ko ang sariling tumayo sa kama niya.
Dumiretso ako nang lakad patungo sa banyo ng hindi nag-aalangang makita niyang nakahubad ako.
Nakita kong maayos ang personal niyang banyo sa kwarto.
Malinis at mabango, naka-organize rin ang mga gamit at walang kahit anong makikitang buhok sa sahig.
Binuksan ko ang gripo dahil wala itong shower.
May maliit din na tabo na siyang aking ginamit para makakuha ng tubig.
Matapos kong basain ang aking sarili ay kinuha ko ang liquid soap na gamit ni Petrus.
Amoy panlalaki ang bango pero nagugustuhan ko.
Simula nang makilala ko si Petrus ay amoy na niya ang naging paborito kong bango sa lahat ng amoy.
Ginamit ko rin ang gamit niyang shampoo at hindi na naghanap pa ng iba.
Matapos kong maligo ay binigyan niya ako ng maluwag t-shirt.
Isang plain white shirt na umabot hanggang sa aking tuhod.
Sinabihan niya muna ako na pansamantalang iyon na muna ang gagamitin ko hanggat hindi pa ako uuwi sa amin upang hindi magusot ang damit ko.
Tumango naman ako bilang tugon at umupo sa kama niya matapos niyang inabot sa akin ang suklay.
Ewan ko ba pero ang utak ko ngayon ay kung ano-ano na lang ang iniisip.
Dumating ako sa punto na nangarap na akong magsama na kami sa iisang bahay at susuotin ko palagi ang damit niya.
"Ako na." Agaw ni Petrus sa suklay nang makalapit siya sa akin.
Nang makita niyang natagalan ako sa pagsuklay ay siya na ang magpresenta para tapusin.
Matapos niya akong suklayan ay hinalikan niya ako sa ulo at tumayo.
Parang normal lang sa kaniya ang lahat ng ginagawa niya. Pero sa loob ko ay sobra na akong kinikilig.
Nagpaalam siya sa akin na bababa muna at maghahanap ng pwede naming kainim.
Kaya sinabi ko sa kaniyang may binili akong pizza at binigay ko lahat sa mga kapatid niya.
Tumango naman siya sa akin at tuluyan nang bumaba.
Ilang saglit lang ay dala na nito ang isang box at malamig na juice na nilapag niya sa kaniyang mini table.
Hinila niya ito upang ilapit sa kama ang maliit na mesa.
Binigyan niya rin ako ng isang slice na pizza at pinagsalin ng juice.
Masaya kaming nagkwekwentuhan habang kumakain.
Nang biglang may tumunog galing sa aking cellphone.
Kinuha ko iyon sa loob ng aking purse at tiningnan kong sino ang tumawag. When I saw the caller on the screen I turned off the call.
"Sino ang tumawag?" may halong pagtataka ang kaniyang boses.
"No it's just somebody," naiilang kong sagot.
Kakaayos lang namin at ayaw kong magkagulo na naman kami dahil sa pagtawag sa akin ni Julle.
"Bakit hindi mo sinagot?" tanong niya sa akin na kunwari ay hindi siya interesado pero sa kaloob-looban niya alam kong gusto niyang malaman kung sino iyon.
"Of course, its our day. Minsan lang tayong magkasama kaya ayaw kong may disturbo sa atin," nakasimangot kong sabi kaya ngumiti na lang siya at hinalikan ako sa noo.
Matapos naming magmeryenda ay naligo na rin siya.
Napag-usapan namin na aalis kami para mag-date.
Ako rin ang nag-suggest na gusto kong subukan at napili ko 'yong mga pagkain sa street foods.
Tumawa naman siya at hindi makapaniwala.
"Kumakain ka ba no'n?" nagdududa niyang tanong.
"Oo nga! Kaya nga gusto ko 'di ba?" mataray kong sabi sa kaniya. Hindi kasi siya tumigil sa pangungulit sa akin.
Hinintay lang namin ang nanay niya bago kami umalis para makapagpaalam.
Pagdating namin sa lugar ay marami ng mga tao na bumibili.
Ayaw niya ring makipagsisikan kami lalo pa at maraming mga lalaki.
Kaya pinaalis muna namin ang iba bago kami sumali.
"Kumakain ka ba talaga nito?" tukoy niya sa tempura at kwek-kwek na nasa harap namin.
"Oo naman." Mabilis kong tango sa kaniya.
Bago siya kumain ay nagpaalam muna siya sa akin na bibili ng bottled water at hihintayin siya saglit.
Ngunit dahil sa sobrang excited ay kumuha na ako ng ilang piraso ng tempura. Ako na rin ang naglagay ng sariling sauce para makatikim na agad.
Inamoy ko ang kulay pulang sauce at sabay ngiti dahil sa bango na aking nalalanghap.
Ordinaryong catsup lang ang sauce pero hindi kayang bilhin ang saya na nararamdaman ko dahil first time kong makakatikim ng lahat ng mga ito.
Nang tikman ko ang lasa ay nagsisi ako kung bakit ngayon lang ako kumain ng ganitong pagkain?
Tinikman ko rin ang fishball at pakiramdam ko mas masarap pa yata ito sa fishball na binibili namin sa mall.
Simula kasi nang makita kong kumakain si Petrus at Salme sa gilid ng kalsada malapit sa paaralan ay nakaramdam ako ng selos.
Inisip ko na baka ayaw ni Petrus sa babaeng maarte sa pagkain.
Kaya napagdesisyonan kong ibaba ko muna ang standard ko pagdating sa kaniya.
Mahal na mahal ko si Petrus at kahit hindi ko pa man sinasabi ay alam kong nararamdaman niya iyon.
At ganoon rin siya sa akin, hindi man niya sinasabi ang tatlong salita pero nararamdaman ko ring importante ako sa kaniya at mahalaga.
"Ang sarap ng fishball, ito subukan mo."
Sinubuan ko siya at nakalimutang marami pa lang mga tao na nakatingin sa amin.
Nag-alangan pa siyang kainin iyon ngunit sa huli ay napabuntong hininga na lang siya at mas pinili niya pa ring pagbigyan ako.
Kaya sabay kaming natawa at hindi na inisip ang ibang mga tao sa paligid.
Pumunta rin kami sa mall at nanuod ng sine. Nagtalo pa kami roon dahil gusto niyang maaksiyon na palabas ngunit ako ay gusto ko ng love story movies.
Papayag na sana ako sa gusto niya ngunit bigla na lang bumaliktad ang kaniyang utak at pinagbigyan ako.
Dahil sa sobrang saya ay napayakap ako sa kaniya nang mahigpit at hinalikan siya sa kaniyang mga labi.
"Thank you," masaya kong ani.
Napamaang siya sa aking ginawa at maging ako ay nagulat rin sa aking ginawa. Ni hindi ko na naisip na maraming pwedeng makakita sa amin.
Tumawa siya. "Oo na, kung hindi lang kita mahal," reklamo niya sa akin at napangiti ako dahil doon.
"Mas mahal kita," tugon ko rito at hinalikan ko ulit siya sa kaniyang mga labi.
Napansin ko ang pamumula ng kaniyang tenga kaya niyakap ko na lang ulit siya.
Gusto ko pa sana siyang biruin pero pinili ko na tigilan na dahil baka mapikon pa ito. Likas pa naman siyang strikto.
Hinawakan ko siya sa kamay at pinagsiklop naming pareho. Buong araw naming sinulit ang date namin at gabi ng umuwi sa bahay.
Nang nasa tapat na kami ng bahay ay inaya ko siyang pumasok sa loob. Pero tumanggi na siya dahil gabi na rin.
Ang date namin ngayon ay halos siya ang gumastos. Gusto ko sanang makipaghati sa kaniya pero hindi siya pumayag sa gusto ko.
Simpleng date lang naman ang ginawa namin at kumain lang ng mumurahing mga pagkain
Sa isip ko, kahit na kumain ako ng steak sa mamahaling restaurant. Kung hindi lang din naman si Petrus ang makakasama ay mas mabuti pang hindi na lang.
Naniniwala ako sa kasabihan na hindi mo mapupuri lung gaano kasarap ang pagkain kung hindi mo kasama ang taong mahal mo.
"Thank you so much, Petrus," sinsero kong saad. Binigyan siya ng magaang halik sa kaniyang labi bago ako tuluyang nagpaalam.