Chapter 22

1337 Words
Maaga akong gumising upang maaga rin akong makapaghanda dahil espesyal ang araw na ito para kay Petrus. Ito ang ara na isa sa pinakamasaya at pinaka-importanteng nangyari sa buhay ni Petrus. Madaling araw pa lang ay nag-ayos na ako sa aking sarili. Nagpatulong rin ako kay Nanay Milva na magluto ng paboritong ulam ni Petrus. Mahilig siya sa seafood kaya iyon ang halos na niluto namin. Masyado na akong naging abala kaya hindi ko napansin na marami na pa lang tawag si Petrus sa akin na hindi ko nasagot. Bigla akong kinabahan dahil baka magalit na naman ito sa akin at mag-isip na naman ng masama. "Dawn, nasaan ka na ba? Malapit nang magsimula?" nababahala nitong sabi sa kabilang linya. Hindi ko na rin masyadong marinig ang kaniyang boses sa kabilang linya dahil sa inggay ng paligid. "Nasa bahay pa, papunta na ako riyan. Promise malapit na ako," natataranta kong sagot habang inaayos pa ang ibang gamit na dadalhin ko. "Malapit nang tawagin ang pangalan ko? Ano ba kasing ginagawa mo at kanina pa kita tinatawagan pero hindi mo sinasagot?" halata sa boses nito na galit na ito sa akin. Kaya ako na ang nagpakumbaba dahil wala naman siyang alam sa mga pinaggagawa ko. "Sorry talaga, Petrus promise papunta na ako riyan," hinigi ko ng paumanhin. Hindi na niya ako sinagot at pinatay na ang tawag. Isa lang ang ibig sabihin no'n, galit na galit na nga siya sa akin. Nagmamadali kong tinapos ang mga gawain at mabilis na nilagay ang pagkain sa kotse. Nakisuyo rin ako sa ibang mga kasambahay na sumama sa akin sa bahay ni Petrus upang matulungan ako sa pag-aayos. Bago kami nagtungo sa bahay ni Petrus ay dinaanan muna namin ang pinagawa kong tarpaulin para sa kaniya. Malapit lang iyon sa bahay nila kaya hindi na ako masyadong nahirapan. "Kuya, pakibilisan na lang po ng konti. Baka po kasi mahuli na ako sa graduation ni Petrus," nag-aalala kong utos sa driver at kinakabahan na rin. Tumango sa akin ang nagmamaneho at binilisan nga ng konti ang pagpapatakbo. Nang makarating kami sa bahay nila ay kinuha ang ang susi sa dala kong bag at binuksan iyon kaagad. Kagabi nang pumasyal ako sa bahay nila. Kinausap ko ang nanay niya na hihiramin ko muna ang susi sa bahay. Wala kasing tao ngayon dahil kasama ni Tita Anne ang dalawa pa niyang anak. Gusto kasi ni Petrus na huwag ng maghanda at kumain na lang sa labas kasama ang pamilya niya at ang mga magulang ko. Pero gusto ko siyang sorpresahin dahil isang beses lang itong mangyayari sa buhay niya na magkakasama kami. Matapos ibaba ang mga pagkain sa kotse ay tumulong ako saglit. Ako ang nagdesisyon kung saan ilalagay ang tarpaulin at mga balloons. Nang makitang tumawag ulit si Petrus ay tinawag ko na ang driver para ihatid ako sa school. "Alam mo namang importanteng araw ko 'to. Kagabi pa kita pinapaalalahanan na dapat nandito ka ng maaga," galit niyang sabi sa kabilang linya. "Malapit na talaga ako. I love you so much," malambing kong sabi kahit ang totoo ay kinakabahan na akong hindi makaabot sa oras. Pinatay ko na ang tawag at hindi ko na siya hinintay pang magreklamo ulit. Nang tingnan ko ang oras sa aking pulsahan ay napagtanto kong kanina pa nga sila nagsisimula. Nang dumating kami sa harap ng paaralan ay bumaba na ako kaagad at hindi na hinintay pang makapag-park pa ang driver. Hindi na rin ako nakapagpaalam dahil sa pagmamadali. At alam naman nito ang sitwasyon na nagmamadali ako kaya alam kong naiintindihan niya ako. Sakto namang tinawag ang pangalan ni Petrus sa pagdsting ko. Nakasimangot ang mukha nito habang naglalakad patungo sa stage. Dahil sa pagkakaalam niya ay hindi pa ako dumating kaya pumalakpak ako nang malakas at pasigaw na tinawag ang kaniyang pangalan. Alam kong bawal ang ginawa ko pero mas bawal sa akin ang maging malungkot ang taong pinakamamahal ko. Pinagtitinginan ako ng mga tao maging ang mga kaibigan ni Petrus ay natawa. Napangiti na lang si Petrus nang makita niyang pinandidilatan ako nang tingin ng masungit na Dean. "Late ka na nga! Nagpapaagaw pansin ka pa!" natatawa niyang wika at binatukan ako nang mahina sa ulo. "Hindi ako late, noh! Sakto lang ang dating ko," sabi ko at hindi nagpapatalo sa kaniya. Tumawa siya. "Tsk, ayaw pa talagang umamin." Matapos ang mahabang araw, ay natapos rin sa wakas. Lahat sila ay masaya at nag-uusap kung ano ang mga balak nila? Kasama ko ngayon si Tita Anne, si Jhana at si Tantan habang hinihintay naming matapos si Petrus sa pakikipag-usap niya sa mga kaibigan. Tumingin sa gawi namin ang mga kaibigan ni Petrus at ganoon rin siya sa akin. Kaya ngumiti na lang ako para batiin sila. Nagtaka ako nang lumapit sa akin si Petrus at dinala para pinakilala ako sa mga kasama niya ngayon. Hinawakan niya ako sa kamay at nakipag-picture kasama ako. Kaya niya pala ako kinuha ay dahil gusto niyang kasama ako sa group picture na 'yun. Wala namang nagawa ang iba niyang mga kaibigan dahil mapilit si Petrus at gustong isama ako. Kaya nauwi na lang ang lahat sa panunukso. "Petrus, akala ko talaga si Salme ang magiging—," pinutol ni Petrus ang sinabi ni Curt na ngayon ko lang nakilala. Isa rin daw ito sa mga malapit na kaibigan ni Petrus kaya lang ay hindi ito kasali sa basketball team kaya madalang ko itong nakikita. Ngumiti siya. "Si Dawn ang girlfriend ko, magkaibigan lang kami ni Salme," paliwanag niya. Mabilis niya rin akong inakbayan sa aking balikat at nagpaalam na sa kaniyang mga kaibigan niya aalis kami. Lumapit kami sa Mama niya at nagpakuha sila ng mga litrato na silang dalawa lang Mayroon din silang mga litrato na magkasama silang apat. mayroon ding kasama ako sa family picture nila. At mayroon ding litrato na kaming dalawa lang. Mas marami ang mga kuha naming litrato at nababatid ang mga kasiyahan sa kaniyang mukha. Aalis na sana kami nang biglang lumapit sa amin si Salme. Humiling ito na magpakuha sila ni Petrus ng litrato para may remembrance raw silang dalawa. Tiningnan ako ni Petrus at ang mga tingin niya ay naghihintay ng pahintulot ko. Ayaw ko man sana pero nahihiya akong tumanggi. Kaya tumango na lang ako at ngumiti kahit ang totoo ay para na akong niluluto sa sakit. Pinagmasdan ko silang dalawa habang masaya silang nagpapakuha ng mga litrato. Kumirot din ang puso ko sa paraan ng pagkapit ni Salme sa braso niya. Ang kapal talaga ng mukha dahil alam naman niyang girlfriend ako ni Petrus pero parang linta kung makakapit sa boyfriend ko. Kahit naiinis na ako ay pinigilan ko pa rin ang sariling maging kontrabida. Araw 'to ni Petrus at ayaw kong masira lang ito dahil sa babaeng malandi na 'to. At hindi pa talaga nakontento pagkatapos nilang mag-selfie. May lakas loob pa itong lumapit sa akin at sabihan akong kunan sila ng pictures ni Petrus. Binigay niya sa akin ang mamahalin niyang camera at sinabihan akong damihan ang pagkuha. Parang gusto ko siyang kalbohin pero nagpipigil lang ako sa aking sarili. Gusto ko ring wasakin ang camera niya pero alam kong hindi pwede. At kapag ginawa ko iyon ay ako na naman ang pagagalitan ni Petrus. Kaya ang ginawa ko ay hindi ko kinuha ang mga mukha nila. Pabagsak kong binigay rito ang camera at hinablot si Petrus mula sa kaniya. Ngunit ang lakas talaga ng loob para pigilan si Petrus. "Petrus, pasyal ka muna sa amin. Nagpahanda ng salo-salu si Mommy," maarte niyang niyang sabi at halatang nagpapansin. Nang alanganing ngumiti si Petrus ay nakitaan ko ng lungkot ang kaniyang mga mata. Ang mga tingin niya ay puno ng pagmamakaawa kaya sumabat na agad ako sa kanilang usapan. "Petrus, hindi pa ba tayo kakain? Gutom na gutom na ako!" malakas kong sabi at pabagsak ang aking tono. Nakatitig sa akin si Salme at halatang nadismaya nang tanggalin ni Petrus ang kamay niya sa braso nito. Wala na rin akong pakialam kahit sabihin nilang wala akong modo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD